Nag-aayos na ako ng mga gamit na ginamit ko sa paglilinis ng floor kung saan ako nakatoka dahil ilang minuto na lang din naman at oras na ng uwian. Hindi kami magsasabay sa pag-uwi ni Joy dahil may over time siya ngayon. Kung pwede nga lang ay sasamahan ko siya hanggang mamayang pag-uwi niya ngunit hinihintay naman ako ni tatay sa bahay. Nag-aalala rin ako sa kaibigan ko dahil gabi na siy uuwi. Wala man lang susundo sa kanya at maglalakad lang siya mag-isa. Pero may magulang akong kailangan ako. Isa talaga sa wish ko ay magkaroon ng mapapangasawa si Joy. Kahit hindi na ako mag-asawa basta si Joy Magkaroon. Ako kasi may tatay at malaki ang pamilya namin kaya kahit nag-iisa lang din akong anak. Samantalang ang kaibigan ko ay mag-isa lang. May mga kamag-anak siya pero napakalayo nama