Episode 9

1209 Words
Hindi na ako masyadong nakatulog dahil siguro hindi ako sanay na may kasamang ibang tao o lalaki sa bahay. Lalo pa at ang bwisit na si Baron ang narito. Nakapikit na siya ng iwan ko sa sala kanina. May mga unan at kumot naman siya. Malakas ang nakatutok na electric fan na nasa bandang paanan niya. Sana lang ay huwag niyang masipa at baka madurog ang kawawang electronic fan. Si tatay ay mahimbing na mahimbing na ang tulog sa silid niya. Wala na rin tao sa labas ngunit bago naman nagsitulog ang mga kamag-anak ko ay nakuha pa talagang magligpit ng mga lamesa, mga bangko at mga kung anu-anong kalat. Takot talaga na mabungangaan ng kanilang mga asawa kapag nakita bukas ng maaga ang sobrang kalat dahil sa inuman. Kanina pa nga tulog si Joy dahil kahit anong chat ko ay hindi niya na nababasa. Hindi ko akalain na totohanin ni Sir Baron ang sabi niyang dadalawin niya si Tatay at kasama pa talaga si Sir Agaton. Akala namin ni Joy ay aalis naman sila agad ngunit umabot pa ng gabi si Sir Agaton habang nakitulog pa rito si Baron. Hindi na bale sana kung nakipag-inuman lang. Ang hindi maganda ay kung anu-ano ng mga sinabi niya sa mga tao rito na mga kamag-anak ko pa lahat. Hindi na ako magtataka kung talagang pati si tatay ay nauto niya sa mga pinagsasabi niya. Kasal talaga agad? Wala ng ligaw-ligaw dahil alam niyang hindi pa siya nagsasalita, basted na siya. “Hindi kaya nilalamok si Baron? Baka mamaya ay ma-dengue pa siya at masisisi pa kami,” sabi ko sa sarili ko na hindi talaga ako makatulog kahit anong biling ang gawin ko. Kanina ay inaantok na ako pero noong inalalayan ko si Baron ay nagising ang diwa ko dahil sa bigat niya at sa katabilan ng bunganga niya. Aasawahin? Joskoh, Lord! Ilayo Niyo ako sa demonyo at gusto kong mabuhay ng isang matinong tao. Pero kung tutuusin ay ayos naman pa lang kasama itong si Baron. Marunong makisama kahit alam kong hindi naman siya sanay sa mga ganitong lugar. Pero hindi pa rin ako sure. Hindi ko naman siya masyadong kilala. Kanina habang may mga nagtatanong sa kanya ay nakikinig din ako ng mabuti pero hindi ko pinahahalata. Walas siyang pasikot-sikot kong sumagot. Straight kong straight. Punto kung punto. Walang paligoy-ligoy. Akalain ko bang maging ang pagiging mamamatay tao niya ay kanyang ilahad. Natatawa na lang ako sa mga kamag-anak kong ang lalakas tumawa pero ng marinig mismo kay Baron ang kwento niya ay para bang nagsiurong ang mga tumbong. Ngunit ang pagpapa-antok ko ay nawala na naman ng may marinig akong mahinang katok mula sa pinto ng kwarto ko. “Babe, gising ka pa ba? Nagugutom ako,” ang mahinang boses na nagsalita. Nairita agad ako sa unang salita pa lang. Gusto ko na sanang magpanggap na natutulog ngunit nakakaawa naman at baka gutom na gutom na nga siya. “Sandali,” sagot ko at saka na nagtali muna ng buhok. Mabuti na lang at hindi pa ako nagtatanggal ng bra na siyang nakasanayan ko na kapag nakahiga na ako. Binuksan ko ang pinto ngunit muntik kong maisara ng pabalabag ng makita ko ang lalaking kumatok. Wala lang siyang halos saplot sa kanyang katawan. “Bakit wala kang damit?!” asik ko pero pigil ang boses ko. Baka kapag may makarinig lalo si tatay ay iba ang isipin. Walang damit pang-itaas si Baron at hindi niya rin suot ang kanyang pantalon. Naka boxer short lang ang walang hiyang lalaki na akala mo ba ay nasa kanyang sariling bahay. Nababalutan nga ang kanyang katawan ng mga iba't-ibang mga tattoo hanggang sa kanyang mga hita at binti. Pero dahil medyo maputi naman siya ay hindi dugyot tingnan. Iyong katawan niya ay maayos din. May mga abs siya sa kanyang tiyan pero ganun pa rin. Ayoko pa rin ng mga gaya niya binabalahura ang balat. “Mainit kasi kaya naghubad na ako. Hindi naman ako nakahubad na hubad talaga, may saplot pa naman ako. At sa bahay ko, talagang naglalakad ako ng nakahubo't-hubad.” At proud na proud pa siya pa siya sa sagot niya sa akin. “At wala ka naman sa bahay mo ngayon, sir. Nasa bahay ka namin at ano na lang ang sasabihin ni tatay kapag nakita ka niyang halos nakahubad na? Baka isipin niya ay may nangyari sa atin kaya magbihis ka nga!” sabay abot ko ng mga damit niya na pinulot ko dahil kung saan niya lang pinagtatapon ng mahubad niya. “Mas pabor sa akin. Mas madali kitang mapapakasalan kapag inisip ni tatay Enrico na ang kanyang nag-iisang dalagang anak ay nakuha ko na,” nakangising demonyo pa Baron. Sa laki ng katawan niya at sa laki niyang tao ay ano ang laban ko kapag naisip niyang gawan talaga ako ng hindi maganda. “Kumain ka na nga. Anu-ano na ang lumalabas sa bibig mo. Kotang-kota ka na talaga, sir,” naiinis kong sambit at saka na ako nagsandok ng kanin at ulam na mga pinainit ko bago ko ihapag sa lamesa. Walang anu-ano ay humigop na nga siya ng sabaw ng tinola na akala ko ay hindi siya kumakain o nag-uulam ng pagkaing mahirap. “Ang sarap ng luto mo, babe. Pwede ka ng mag-asawa,” aniya pa sa akin kaya hindi ko na napigilan ang kamag ko na piningot na ang kanan niyang tainga. “Sir, kumain ka na at huwag ng kung anu-anong lumalabas sa bibig mo. Huwag mo akong tawagin babe dahil hindi babe ang pangalan ko.” Saway ko sa kanya dahil ang hilig niya talagang mambwisit Magana naman siyang kumain at talagang sarap na sarap sa simpleng ulam na niluto ko. Pinagmamasdan niya pa ako habang sinasalinan ng malamig na tubig ang kanyang baso. “Baka may nilagay kang gayuma sa pagkain at inumin ko, ha?” paratang niya pa sa akin na ikina-ismid ko. “Gusto ko lang sabihin na hindi mo na ako kailangan na gayumahin pa. Dahil matagal mo na akong nagayuma,” saad niya at saka na uminom ng tubig. Iniligpit ko na ang pinagkainan niya at saka na rin hinugasan pero paglingon ko kay Baron ay nakabihis na siya ng tshirt at pantalon na hinubad niya. “Thank you, babe. But I have to go,” ani niya matapos na iligpit din ang kanyang pinaghigaan na nilatag ko naman kanina. “Pero madaling araw pa lang. Bakit hindi ka na maghintay na lumiwag sa labas, sir?” tanong ko at alam ko kasi na delikado pa sa labas ng ganitong oras. Laganap ang mga holdapers. “Sorr, babe. May susunduin ako sa airport at bawal akong ma late.” Bahagya na lang akong tumango at binuksan ko na lang ang pinto. “Don’t worry, lola ko ang susunduin ko.” “Ano naman ngayon sa akin kung sino ang sunduin mo?” dipensa ko. “Baka kasi magselos ka.” Maagap niyang sagot ngunit maagap din akomg dinukwang para halikan sa aking mga labi. Bago pa ako makapagprotesta ay mabilis na siyang nakalayo sa akin at binaybay na ang daan palabas ng lugar namin. “Bastos ka talagang Baron burdado ka!” gigil ko na naman at pinupunasan ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD