Episode 2

2127 Words
Masigla ang akong naglalampaso ng sahig ngayon araw dahil akinse ngayon. Ibig sabihin lang ay pay day! Araw ng sahod kaya naman kahit maglampaso ako ng maglampaso buong araw ng walang pahinga ay ayos lang. Sigurado akong ganun din si Joy dahil mabibilhan niya na naman ng pasalubong ang mga bata sa ampunan na pinanggalingan niya. Mabait talaga ang kaibigan kong si Joy at tahimik. Hindi siya palakino lalo kung hindi niya masyasong closed. Hindi katulad ko na maingay. Maingay din si Alexis pero depende sa sitwasyon. Ako kasi ay walang pinipiling oras o araw. Basta gusto kong magbunganga at mag-ingay lalo na kung may umaaway sa akin ay talagang aawayin ko. Hindi naman ako madaling magalit lalo at kung kilala ko na ang isang tao at kung anong ugali. Kaya nga halos kilala ako sa building na ito dahil nga madali naman akong pakisamahan ng kahit na sino. Kahit pa nasa mataas na posisyon hanggang sa mga gaya kong nasa utility service. “Good morning, Miss sexy,” nahinto ang paglalampaso ko ng may magsalita at makita ang isang pares ng sapatos na naka-apak pa mismo sa nilalampaso kong sahig. Gusto kong maging mabait at huwag mainis buong araw ngunit may isang tao na naman na sisira ng buong araw ko. Kailan ko lang nakilala ang taong ito at dito mismo sa company. Unang pagkikita pa lang namin ay talagang iba na ang vibes ko sa pagkatao niya. Lakas maka bad vibes ng lalaking maraming tattoo! “Good morning, sir,” magalang ko pa rin na pagbati sa kanya kahit sobra akong naiinis lalo pa at nasa harap ko pa siya talaga mismo. Para bang sinasadya niya pa talagang apakan ang sahig na nililinis ko. Ngumisi siya at saka tumitig sa aking mukha. Maging ang pagtitig niya ay sobra kong kinaiinisan. Para kasing pakiramdam ko ay mas masama siyang binabalak na gawin sa akin. Alam ko naman na hindi porket maraming tattoo sa katawan ay masama na ang isang tao pero itong si Baron ay hindi. Kung si Sir Dark Lee ay leader ng isang grupo ng mafia habang si Agaton ay ang kanang kamay ibig sabihin ay itong si Baron ay kaliwang kamay kung may tawag nga sa ganun. Pero bakit ngayon lang siya nagpakita? Samantalang si Agaton ay simula ng makilala namin si Sir Dark ay magkasama na sila. Baka naman galing siyang bilibid? Tama! Maaaring kaya ngayon lang siya nagpakita ay dahil nakulong siya ng ilang taon at ngayon lang nakalaya at doon niya pinatattoo lang lahat ng makikita sa kanyang katawan. “Tinawag kitang Miss sexy kaya dapat gantihan mo. Tawagin mo akong mister pogi o handsome, hindi ba?” aniya sa akin na inilapit pa talaga ang kanyang mukha sa mukha ko kaya bahagya akong lumayo. Amoy na amoy ko ang hininga niya habang nagsasalita. Nagkunwari akong nabahuan at saka ginawang pamaypay ang kanang kamay ko para maialis ang amoy. Hiningahan naman ni Baron ang kanyang kanang palad para amuyin ang sariling hininga. “Mabango naman ang hininga ko, ha?” aniya sa akin at inulit pa ang paghinga sa kanyang palad. Napaka-balahura talaga ng lalaking ito. Hindi lang sa pagsasalita kung hindi maging sa kanyang kilos at gawa. “Ayaw mong maniwalang mabango hininga ko? Halika at hahalikan kita,” sabi niya kaya naman mabilis akong pumiksi palayo sa kanya. Bakit ba ganito ang lalaking ito? Bakit ba madalas niya akong pagtripan? “Sir, mahal ang bayad kapag hinalikan ako kaya huwag niyo ng tangkain pa.” Sagot ko na lang para manahimik na siya at umalis na. “Magkano ang bayad? Sabihin mo kung cash ba o dapat kong i-send sa bank account mo?” tanong niya pa sa akin na mukhang seryoso talaga. Pero alam kong baka binibiro niya lang ako. Pinapasakay sa kung anong trip niya. At kapag kumagat ako ay gagawan niya ako ng kung anong kalokohan. “O, bakit hindi ka makasagot, Miss? Huwag mong sabihin ililibre mo na lang ang paghalik ko sayo dahil napagtanto mo na gwapo ako? Kung ganun ay umpisahan na natin,” tangka na naman akong hahawakan para nga halikan ni Baron ngunit nagtatakbo ako ng mas malayo ang distansya sa kanya. “Sir, mawalang-galang nga sayo. Bakit ba ang kulit mo at lagi mo akong pinagtri-tripan sa tuwing magkikita tayo? Mabuti pa ay iwan muna ako dahil marami akong lalampasuhin. Baka mamaya ay mukha mo ang malampaso ko o kaya naman ay ang katawan mo na tadtad ng tatoo.” Pagtaboy ko sa kanya. Ngunit lalo lamang ngumisi si Baron na para bang nasisihan pa talaga sa kung anong naririnig niya sa akin. “Bakit alam mo naman na tadtad ng tattoo ang katawan ko? Nakita mo na ba?” untag niya kaya naman medyo napipilan ako. Bakit nga ba iniisip kong tadtad siya ng tattoo gayong hindi ko pa nga nakikita ang katawan niya. “Sir, halata naman kahit hindi ko pa makita. Hayan at kulang na lang ay pati ang mukha mo ay lagyan mo ng tattoo.” Ang tugon ko. “Gusto mo bang makita ang katawan ko para naman malaman mo talaga kung may mga tattoo ako?” aniya pa sa akin at tangka na ngang bubuksang butones ng kanyang kulay asul na polo. Kinaway-kaway ko ang aking dalawang kamay para pigilan siya s kung anong gagawin niya. “Sir! Huwag ka ngang maghubad dito at bawal yan. Konting respeto lalo pa at babae ako at isang dalagang Pilipina. Hindi man ako kasing hinhin ni Maria Clara ay pareho naman kaming inosente sa kung anong kamunduhan!” masungit kong sambit. At isang halakhak ang narinig ko mula kay Baron. Nakahawak pa siya sa tiyan niya na para talahang tuwang-tuwa sa kung anong narinig niya sa akin. “So, anong dapat na itawag ko sayo? Maria Clara dahil ikaw ay kasing inosente ng isang karakter sa libro?” aniya sa akin. Umiling ako. “Bakit naman ako magpapatawag sa ibang pangalan kung may sarili naman akong pangalan? Hay, naku! Mabuti pa puntahan mo na si Sir Agaton kung siya ang iyong sadya rito, Sir.” Muli ko ng pagtaboy sa kanya at dahil bitbit ko naman ang mop ko ay bumalik na ako sa paglalampaso. Masisiraan ako ng bait kapag si Baron ang kaharap ko. Ang yabang! Nuknukan ng hangin sa katawan! Hindi ko na lang pinansin si Baron. Naglampaso na ako ng naglamaso. Maya-maya nga ay naramdaman kong humakbang na siya palayo kaya nakahinga ako ng maluwag. “Ang lalaking iyon panira talaga ng araw. Dapat talaga ay bina-banned siya rito sa building para hindi na siya makapasok. Grabe ang kanyang bibig! Wala rin preno. Pasalamat siya ay nasa loob kami ng kumpanya sa pamumuno ni Sir Agaton at sa pag-aari ni Sir Dark Lee dahil kung nagkataon ay baka lung ano na ang mga nasabi ko sa kanyang bastos siya!” gigil kong bulong na nakatingin lang sa mop at sa sahig na nilalampaso ko. Tumingin ako sa relo sa aking bisig. Salamat naman at ilang minuto na lang ay uwian na. Sana naman may laman na ang atm card ko para makapag-withdraw na ako agad. Kailangan ko ng bilhan ng mga gamot at vitamins si tatay. Bibilhan ko na rin siya ng gatas at mga prutas at saka ng paborito niyang ulam na nilagang baka na dapat ay kumpleto ng sahog. Hindi ko alam kung bawal kay tatay ang nilagang baka pero isng beses lang naman siyang kumakain ng paborito niya kaya pinagbibigyan ko na lang siya. Alam niya rin naman kung hanggang saan ang limitasyo niya. Nauna akong nag-out kay Joy dahil may mga tatapusin pa raw siyang trabaho. Alam niya rin kasi na naghihintay sa akin si Tatay kaya hindi na siya nagpahintay pa. Todo ang ngiti ko habang papalabas na ng trabaho at kulang na lang ay magsayaw-sayaw habang naglalakad sa sobrang saya dahil may nagsabing may laman na raw ang atm card. May mga utang ako pero maliliit lang naman. Iniiwasan ko talaga ang mangutang lalo na sa mga patubuan. Dati na akong nabaon sa utang dahil nga sa pagkakasakit ni nanay at hindi pa ako nakakabangon sa pagbabayad ay sinundan ng pagkaka-stroke ni tatay. Kaya nagkanda-utang-utang muli ako. Wala rin naman kasi akong ibang aasahan dahil wala rin ang mga kamag-anak namin. Pasalamatn na lang ako at may mga handang magpautang at nariyan ang mga kamag-anak na binabantayan ang nag-iisa ko na lang na magulang habang ako ay todo kayod. Nagpa-pansit ako ng huli kong bayad sa mga naging utang ko bilang pasasalamat na nakalaya na ako. Tipid na tipid ako madalas nga ay nambuburaot na lang ako huwag lang akong gumastos ng gumastos. Pero hindi naman iyong klase ng buraot na halos nakakahiya na. Noong baon nga ako sa utang ay naghahanap pa ako ng pwedeng sideline sa gabi. Naroon ang magtinda ako ng balot, candy at sigarilyo malapit sa mga night club na hindi putcho-putcho ang mga nagpupunta kung hindi mapepera talaga. Madalas kasi ay keep the change na ang sinasabi kapag kailangan silang suklian. Malaki ang kinikita ko kaya malaking tulong nabayaran ko mga utang ko. Bago ako pumindot sa atm card ay luminga-linga muna ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi ay may nakamasid sa akin. Mahirapa na at baka bigla na lang akong tutukan ng kutsilyo o baril. Ngunit nakuha ko naman ang buo kong sahod at tumuloy sa pharmacy para nga kailangan na mga gamot ni tatay. “Ay! P*k* mo!” at ganun na lamang pagtutop ko sa bibig ko kung sino ang nakabangga ko ng bigla na akong tumalikod sa kahera matapos kong mabayaran ang mga pinamili ko. At sa lahat naman talaga ng pwede kong sabihin sa pagkakagulat ko ay bakit iyon pa ang expression na nasabi ko. “Mali ka yata ng pagkakasabi, Miss sexy. Hindi ganun ang kasarian na meron ako. At kung ayaw mong maniwala at gusto mong silipin ay pwede naman kitang pagbigyan. Ang kaso kapag nagalit ay dapat mong panagutan.” Wala kami sa loob ng kumpanya kaya naman lumipad agad ang kanang kamay ko lapat sa kaliwang pisngi ni Baron. “Bastos!” asik ko at saka ko siya itinulak dahil dadaan ako. “Hoy! Anong bastos? Ikaw nga itong unang nagsabi ng bad word. Sabi mo pa nga, ay! p*k* mo! Sinong bastos sa ating dalawa? Pinasisilip ko lang naman iyong akin at para malaman mong hindi ako nagsisinungaling.” Pagtatanggol pa ni Baron sa kanyang sarili. At saka, anong ginagawa niya rito? Bibili rin ba siya gamot? “Ewan ko sayo!” tugon ko at saka nagmartsa ng mabilis palayo sa lalaking maraming tattoo. “Lord, sinusubukan mo ba talaga ang katatagan ko sa tukso o sa pagiging isang kriminal? Konti na lang po kasi ay baka mapatay ko na si Baron,” bulong ko sa isip ko. Sa isang supermarket ang tuloy ko para sa lulutuin kong nilagang baka. Sarado na kasii ang palengke kaya sa supermarket ang tuloy ko. “Ang sarap naman ng ulam mo. Pwede ba akong makikain? Titikman ko lang pero kapag pumayag ka ay kakainin este kakain na rin ako.” Si Baron na naman. Inirapan ko lang siya at nagtuloy lang ako sa mga dapat kong bilhin. Kumuha ako ng ilang pirasong prutas habang kumuha rin si Baron. Basta iyong mga dinadampot ko ay siya rin na dinadampot niya. Mahirap ng sitahin dahil bahala siya sa buhay niya. Kumuha rin ako ng dalawang piraso ng gatas ngunit napatingin ako sa malaking sizes na nakalagay sa kahon at lata. Masyado kasing mahal kaya naman itong naka-plastic lang ang kaya kong bilhin. Pagdating sa counter ay nakita ko ay nagkita na naman kami ni Baron pero magkaiba kami ng pinilahan. Wala akong balak na makipag-argmento pa sa kanya dahil kailangan ko pang magluto pagdating sa bahay. “Sakay na, hatid na kita sa bahay niyo,” taxi ang inaabangan ko ngunit sasakyan ni Baron ang tumigil sa harap ko. Isang mamahaling sasakyan kung saan naibaba ang bubong. “Thanks but no thanks,” sagot ko at pilit na pumapara ng mga taxi na nasa malayo nakaparada. “Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasakay,” ani naman ni Baron at pinatay pa ang makina ng kanyang sasakyan. Ang ginawa ko na lang ay binitbit ako ang lahat ng mga pinamili ko at saka siya iniwan. Bahala siya s akung anong trip niya sa buhay. Hanggang sa utak niya yata ay nagpatattoo na siya ganyan na lang siyang mag-isip. Pwede rin natabunan na ng mga tinta ng mga tattoo niya sa kanyang katawan ang kanyang utak. Sana pinatattoo niya na rin ang a*i niya para naman mabawasan kung a anong pagnanasa na meron sa katawan niya. Tattoo sa a*i? Meron babf ganun? Natanong ko sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD