Kabanata 6
NATATAE na naiihi. Iyon ang tamang deskripsyon sa kanyang nararamdaman ngayon. Nasa harap siya ng lumang salamin, na antigo na. Suot niya ang kanyang OJT uniform. She was in white. Mas pinili niya ang palda kaysa sa pantalon na marine uniform.
“Ang ganda mo po, Mama,” iyon ang sabi ng batang nakaupo sa isang butas na sofa.
Tumingin siya anak na hawak ang laruan nitong telepono. She smiled. Kanina pa siguro ito nakatingin sa kanya pero hindi niya napapansin.
Naghihintay sa kanya si Ammiry para magsabay na sila sa eskwela. Hinihintay lang nila ang kanyang service na traysikel, na minamaneho ni Mang Agosto.
Malayong kamag-anak nila si Mang Agosto. Nalaman lang nila iyon nang sila ay lumipat na sa Maynila.
“Ang ganda-ganda nga ng Mama mo kung hindi siya mukhang trumpo sa harap ng aparador,” sagot naman ni Ely sa kanyang anak kaya napalabi siya.
Natawa lang naman sa kanya ang kanyang lola pero nakamasid din na husto sa kanya.
“Parang tunay na, apo,” anito sa kanya kaya napangiti siya.
“Talaga po, la? Malapit na bang maging seawoman?” Proud naman na tanong niya, “malapit na bang magpahinga si Tiya sa pagsusustento?”
“Maryosep na bata ka,” anitong nagbago ang timpla ng mukha, “Bakit mo naman naiisip ‘yan?”
Napakibit-balikat si Odette saka tumingin sa salamin para iiwas ang mukha sa lola niya.
“Nahihiya na po kasi ako kay Tiya. Kahit po may sponsor naman ako sa pag-aaral, ang allowance naman po namin ni Yesh ay galing lahat kay Tiya. Ilang taon na po niya kaming binubuhay.”
“Ano ka ba naman na bata ka? Alam naman ng tiya mo na wala kayong ibang aasahan. Lahat naman tayo ay binubuhay niya. Tama na ‘yan at umayos ka na. Hindi maganda na may isipin ka sa pagpunta sa orientation.”
Tumango siya sa pangaral ng matanda sa kanya. Sumulyap siya sa anak na patingin-tingin sa kanila.
Ammiry Yesh is quite intelligent. Mahilig lang itong manahimik pero nakakaintindi ito ng lahat ng mga pinag-uusapan nila.
Napangiti siya at humugot ng malalim na hinga. Lahat ng kanyang pagsusumikap ay para rito. Nakakalungkot dahil gusto sana itong kunin na kandidata sa Little Miss UN sa eskwelahan, kandidata ng Kinder pero hindi naman niya isinali.
Saan naman sila kukuha ng pera? Money contest iyon. Marami talaga ang gusto sa anak niyang kumuha sa mga kandidata o pageant. Bukod sa matalino ito ay napakaganda. Kamukha rin naman niya ang bata pero may kakaiba rito. Hindi niya mawari. Napakatangos ng ilong ng anak niya. Ang mga mata nito ay may malalantik ma mga pilik-mata. Siya ay Filipina na sobra ang mukha niya habang ito ay parang may dugong banyaga. Mahirap lang tukuyin kung anong klaseng nationality ang nananalatay sa dugo ng bata, pero ang mga mata nito ay kakaiba rin kaysa sa kanyang mga mata.
Ayaw na niyang isipin ang itsura ng ama ng anak niya. Wala na siyang pakialam basta nabubuhay sila na maayos. Gagampanan niyang pilit ang pagiging ama at ina nito kahit na anong mangyari.
That's the reason why she doesn't have time to entertain a man in her life. She's determined to earn money for her daughter. She doesn't need Ammiry's foolish father. Ang kanyang dibdib ay puno ng galit para sa lalaking iresponsable, na gumamit ng babae pero hindi alam kung makakabuntis o hindi.
Pero sino nga ba ang ama ng kanyang anak?
“Nandito na ang sundo!” Sigaw ni Agosto kapagkuwan Kaya nagmamadali si Ammiry na bumaba sa sofa.
“Lolo!” Sigaw ng bata, saka tumakbo papalabas ng bahay.
“Halina,” anyaya naman ng lola niya sa kanya nang kunin nito ang bag ni Ammiry, “Pupuntahan ko na lang si apo Mamaya kapag uwian na. Huwag ka ng mag-isip at ako na ang bahala.”
“Maintenance niyo sa high blood, la, uminom ka na ba?” paalala niya rito nang kunin niya ang kanyang bag.
“Nakainom na ako. Dun muna kami ni apo sa tindahan ha pagkatapos niya sa eskwela.”
“Opo, la.”
Heto na nga at dumoble ang kanyang kaba nang lumabas sila sa bahay. Kinuha niya ang bag ng anak niya dahil nagsara ng pinto ang lola Ely niya.
Karga naman ni Agosto si Ammiry, nasa tindahan ang dalawa at malamang ay nagpapabili na naman ng kendi ang bata. Routine na iyon ni Ammiry. Si Agosto ay isang matandang binata. Solo buhay ito sa Maynila bilang traysikel driver. Pinsan ito ng asawa ng kanyang lola Ely, at malapit dito si Ammiry. Sila na ang pamilya ng lalaki. Nagpapadala na lang iyon ng pera sa magulang na nasa Marinduque, na sobrang tatanda na rin daw.
“Ang ganda naman ni Ading,” bati sa kanya ni Aling Tasya, na napatigil pa sa pagwawalis sa may tabing daan.
Ngumiti siya sa may edad na babae.
“Magta-trabaho ka na ba?”
“Naku, hindi pa po. OJT ko po pero may sahod na rin kahit paano.”
“Aba, maganda ‘Yan. Para ka na ring empleyado pala.”
“Opo, para po makatulong na ako kay Tiya sa mga gastusin,” magalang naman niyang sagot.
“Tamo nga naman ang buhay. Nang mapadpad kayo rito ay buntis ka pa lang, pero ngayon ay magkakatrabaho ka na. Mabait ka kasing bata kaya ka naman pinagpapala.”
“Salamat po,” aniya rito.
Si Tasya ang may-ari ng bahay paupahan, na kahit anim na taon na sila roon at hindi sila tinaasan ng renta kahit kailan. Naaawa naman ito sa kanila dahil walang-wala sila nang pumunta sila ng Maynila. Nang makapag-down sila sa upa ay halos wala silang makain. Hindi niya rin alam paano sila naka-survive.
Buntis siya ay puro noodles ang kinakain niya dahil iyon lang ang kaya. Mabuti nga at hindi naging sabaw si Ammiry nang ipanganak niya. She just delivered her daughter too soon before the due date. Walong buwan lang ito nang kanyang ipanganak, dahil sa kanyang UTI, gawa na rin malamang sa walang kamatayan na noodles at sardinas.
God surely provided that was why they survived. Ngayon, kinder na ang kanyang anak.
“Mauna na po kami, Aling Tasya,” aniya sa babae nang makalapit na ang kanyang lola.
“Ingat kayo,” anaman ng babae.
“Salamat, Tasya,” sagot naman ni Ely bago sila sumakay sa traysikel.
Sa loob sila ni Ammiry sumakay habang ang kanyang lola naman ay nasa back ride.
“‘Wag mong kakalimutan na ipakita kay teacher ang sagot mo sa assignment, ha?” Malambing na sabi ni Odette sa anak habang inaayos-ayos ang bangs nito.
“Opo, Mama. Mama, gagawa raw po ng femily twee.”
“Family tree?” Kunot noo siya.
“Opo, sabi ni teacher. Di ko alam kelan ipapasa. Kalimutan ko,” natatawa nitong sabi sa kanya saka kumamot sa ulo, “Pero tagal pa daw. Uusap na lang ni Lola si teacher para siya na ang may alam. Di ko po alam.”
She laughed, “Sige, sasabihan ko si lola na kausapin si teacher kasi makakalimutin na ang baby ko. Matanda na.”
Humagikhik ito ay napatakip pa sa bibig kaya mas lalong naging cute.
“Ikaw po, Mama di ikaw kakalimot sa school?” Tanong nito sa kanya.
“Nakakalimot din pero ngayon magkakasahod na si Mama, bawal ng makalimot. Makakabili na tayo ng maraming pagkain saka laruan. Kawawa naman kasi si lola mother.”
Tumango si Ammiry, “Opo. Pwede na ba ako bili ng Diana doll, Mama?”
Napangiti siya nang titigan ang anak, saka siya tumango.
Mahigpit na yakap ang ginawa nito sa kanya kaya lalo siyang ngumiti.
Ammiry really loves dolls. Kaya bihira niya itong dalahin sa mga shopping malls ay dahil naaaawa siya sa tuwing nakatitig ito sa mga mamahaling laruan. Sinubukan din naman niyang tumingin sa mga online shops pero di niya talaga kaya ang presyo ng mga laruan na gusto nito. Halos kulang-kulang limang Libo ang sinasabi nitong Diana doll set. Sa puso ni Odette ay gusto niyang ibigay dito ang lahat, dahil sa totoo lang ay salat din siya sa ganun noon. Wala siyang mga laruan kahit kaya naman ng Papa niya na ibili siya. Kontrolado ng kanyang madrasta ang kita ng kanyang ama.
Ang pagkakaiba lang, bata pa siya ay naalila siya pero si Ammiry ay hindi. Hindi niya kayang saktan ang anak niya dahil naranasan niya rin kung paano ang paluin. And she has no reason to scold her child. Ammiry is a good kid. May pagkakataon na napapagalitan niya rin ito para itama ang ginagawa nitong mali, pero bukod dun ay wala na siyang rason para ito ay kagalitan.
She only wants to discipline her daughter. Pasalamat pa rin siya sa determinasyon ng kanyang tiyahin na papagtapusin siya sa kabila ng kanyang nagawang kahangalan noon. Nagpatuloy iyon sa paghahanap ng isang sponsor na gugustuhin siyang tulungan. At dahil likas din ang kabaitan ng kanyang tiyahing madre, hindi naman iyon nabigo sa pangarap.
Miracles do happen.
Sa eskwelehan siya inihatid ni Agosto. Sa classroom naghihintay ang mga ka-klase niya sa kanya. Sabay-sabay silang pupunta sa Royal Cervantes. Excited siyang makita ang Transverse Cruise ship. Nakaka-proud dahil isa iyon sa mga kilala at mapagkakatiwalaan na cruise ships sa panahon ngayon.
“Nandito na ang pag-asa ng block A!” Sigaw ng kaibigan niyang si Yolo, “Napakaganda naman talaga!”
Pigil niya ang mapangiti nang malaki, saka kiming pumasok sa loob ng classroom.
Naroon na rin ang propesor nila kaya ngumiti siya sa lalaki.
“Good morning, Prof,” she greeted with a warm smile.
“Morning,” sagot naman ni Dixon sa kanya, tapos ay pasimple siyang hinagod ng tingin.
Hindi na lang niya iyon pinansin. Normal naman na napapatingin sa kanya ang mga ito, kaya nga parati siyang naka-pantalon kapag wash day.
“Ikaw na lang talaga ang hinihintay ng team natin. Ikaw talaga ang lucky charm ng block na ito, nararamdaman ko,” anaman ni Zeus.
“If you guys are ready, pwede na tayong pumunta sa Cervantes. Mas mabuti na ng maaga kaysa sa late. Sayang ang pagkakataon natin,” Dixon said as he looked at his watch.
Nakaramdam siya ng hiya dahil siya na lang pala talaga ang hinihintay.
“Ayusin niyo sa interview. Make it as good as applying for a real job. Remember that Cervantes has the power to drop you or not. Sasahod kayo sa ilalim ng kumpanya kaya 70% ng grade ninyo ay nakasalalay sa kanila.”
Kinabahan na naman siya. Matalino siya at magaling pero iba pala kapag nasa ganitong sitwasyon na, na sasailalim na sila sa supervision ng isang kumpanya.
“Pwede po bang huwag ng sumahod tapos sa inyo pa rin ang grade galing?” Wala sa isip na tanong ni Odette sa gwapong propesor, na nagpangiti naman dito.
Nagtawanan din ang mga kaklase niya sa sinabi niya.
“Sira ka talaga,” sagot naman ni Dixon, “Kung ako ang magbibigay ng marka, perfect score kayo lahat.”
“Whoooo!” Sigawan ng mga lalaki habang siya naman ay pangiti-ngiti.
Parang kaibigan lang nga ito ng mga lalaki niyang kaklase. Kapag nasa labas sila ng unibersidad ay magkakainuman ang mga ito. Ilang beses na siyang naimbitahan sa mga ganun pero hindi siya pumupunta. Hindi na siya nagbigay ng isandaang porsyento ng tiwala sa ibang tao mula nang mapahamak siya sa kamay nila Liza.
“Baka naman prof si Odette lang ang perfect sa puso mo,” biro naman ni Sixto kaya naman napalabi siya.
Naghiyawan ulit ang mga ito kaya naman inis na inis siya, tapos ay napatingin siya kay Dixon.
The man was smiling at her and it was so genuine. Siya na lang ang napaiwas ng tingin. Sa tamang panahon, kung talagang naririto pa si Dixon at magti-tyaga sa kanya na maghintay, bakit hindi?
“Perfect fit talaga ‘yan,” anito sabay tingin sa pintuan dahil baka may nakarinig, kaya nagtawanan sila.
“Tama na nga! Kinikilig na ako,” biro pa ni Dixon, “Magsipag-handa na kayo at nandiyan na ang service sa covered court, naghihintay.”
She fixed herself and smiled inwardly. She has to be confident for Ammiry. No fear must break her strong determination and personality. Ngayon niya kailangan ang self-confidence niya sa pagharap niya sa may-ari ng Transverse.
Sana naman ay mabait iyon at hindi masungit.