Kabanata 8

1882 Words
Kabanata 8 HIS watch alarmed after thirty minutes of sitting in front of Lucas. Ito ang nangangasiwa sa organisasyon nila ngayon. Lucas is his cousin and the vice president, next to him. “This is the plan for the brotherhood seminar. At least sana dun, makarating ka insan.” Napahinga nang malalim si Helios. Up until now, he still feels so guilty, tolerating improper initiation to those who joined before. Ngayon, hindi na siya pumapayag sa initiation na may pananakit at pag-gamit ng babae. Nang siya ay mag-mature, tila nag-iba ang kanyang isip. Para makapasok sa AKP, community service ang ginagawa ng mga gustong maging miyembro. Naglilinis ang mga iyon sa mga masukal na lugar, sa mga daluyan ng tubig na barado, sa mga nangangailangan ng mga tulong at kung anu-ano pa. He decided to change the rules and regulations when so many accidently died because of hazing. Nang maging talamak ang pagkamatay ng mga sumasapi sa isang frat, naalarma ang buong sistema ni Helios. Hindi pa iyon nangyari sa kanila, kaya nag-isip siya kaagad, bago pa may mamatay sa mga hini-hazing sa kanilang organisasyon. At mas napaganda ang lahat nang ganun ang maging desisyon niya. “I'll let you know when I'm available. By the way, kumusta ang funds?” “Maayos. Magpapadala Sa iyo ng kopya ang treasurer.” He nodded and stood up. “Aalis ka na?” Takang tanong pa ni Lucas sa kanya. Anak si Lucas ng kapatid ng kanyang ina. Sila ang halos nagtatag ng brotherhood nila. Noong Una ay ito ang taga-recruit pero itinago rin ang mukha sa mga miyembro nang lumaon. “I have a lot of things to do, Lucas. Iba na ngayon Ma'am na wala na si Dad. I have to be organized.” “Sige,” anito naman sa kanya kaya tumalikod na siya. Mabilis siyang naglakad papalabas ng restaurant na iyon. Kahit na siya ang boss, hidni rin naman siguro tama na papaghintayin niya ang mga estudyante nang matagal. Iyon ang natutunan niya sa Daddy niya. His father never neglected his responsibilities just because he was the boss. Helios checked his phone on his way out. Nakita niya ang mensahe ni Violeta sa kanya sa notification panel. “PH, nandito po ang fiancee ninyo, siya na po ang nag-i-interview.” What the hell? Ano na naman ang ginagawa ni Avva? She was supposed to be at her school. Ang aga-aga pa ay nasa kumpanya na pala iyon, sa halip na pumasok sa eskwela. Wala siyang naging sagot. Avva knows nothing about that interview. Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng girlfriend niya, at nakikisawsaw sa kanyang trabaho? Maybe she wants to learn. Iyon na lang ang kanyang naisip. Napangiti na lang siya at napailing. That's quite good. May interes si Avva na matulungan siya kahit na mag-a-abogada iyon. Itinago na lang niyang n muli ang smartphone at dumiretso na sa kanyang sasakyan. Well then, he hopes na abutan pa niya ang girlfriend sa opisina para naman makapag-lambing pa siya. PAKIRAMDAM ni Odette ay gusto niyang magpalamon sa sahig. Gusto niyang tumungo pero ang pride niya ay nagsasabi na huwag niyang gawin iyon. Why did the woman say strange things to a student like her? It broke her whole being. It broke her heart. Pigil niya ang kanyang mga luha, at kung ano ang saya niya nang tawagin siya para sa interview ay ganun naman ang panlulumo niya ngayon na siya ay papalabas na siya. Para siyang nasa loob ng isang bangungot. Totoo ba ito na nangyari? Matatag niyang hinawakan ang knob at iyon ay ipinihit. She was interviewed by the owner. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Ang babaeng maganda na dumating ang may-ari ng Royal Cervantes. She was humiliated. Kung anong ganda ng babae sa panlabas ay ganun naman kapangit ang kalooban at ang tabas ng bibig na mukhang retokado. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaklase niya? Kaisa-isang babae siya sa block tapos ay siya pa ang hindi nakapasa? Saan kaya siya magkukumahog na maghanap ng bagong mapag-a-applayan bilang intern? Dixon never explained it right to them. It wasn't clear. Hindi ganito ang sinabi ng kanilang propesor. Iba ang sinabi ni Dixon kaya ang puso niya ay umasa na magiging maayos ang lahat para sa kanya, sa kanilang lahat. Hindi pala para sa kanya. Hindi nagpakilala sa kanya ang lady boss, pero alam na niya. Iyon ang nakaupo sa likod ng isang napakagarang mesa, kampanteng naghihintay ng mai-interview, kaya wala ng ibang boss kung hindi iyon lang. Inilapat niya ang pinto ng opisina, dahan-dahan na parang halos wala siyang kalakas-lakas sa katawan. Hindi niya alam kung paano niya nakuhang tumayo at maglakad papalabas, sa kabila ng mga narinig niyang panghahamak sa kanya. Ni hindi siya lumingon sa kinauupuan ng babae. Para ano pa? Para makita sa mukha nun ang insulto na ipinaabot sa kanya? Huwag na lang. Nakatingin sa kanya ang mga kaklase niya, parang nahulaan na kaagad ang nangyari sa loob. Paano ba naman niya maipipinta ang kanyang mukha? She was insulted. She was mocked, and most of all, she was dumped. Hindi siya nakapasa sa interview. Maaari siyang mag-OJT pero wala siyang mapapala ni katiting na sahod dahil siya ay babae, at hindi raw nagha-hire ang Transverse ng mga babaeng marino. Imagine that. She tried explaining but the owner cut her off and dumped her. Itinuro pa nun ang pinto papalabas kaya mas lalo siyang nainsulto. “Sixto Gomez!” Tawag ng secretary na nakatingin sa kanya kanina pa. Nawala sa kanya ang atensyon ng kanyang mga kaibigan kaya dumiretso siya. “Sandali lang,” paalam niya sa mga iyon na hindi makaalis sa kanya-kanyang upuan, kaya malamang kahit na gusto siyang kamustahin ay walang makalapit. That's quite good. Malapit na siyang umiyak kaya mas mabuti na mapag-isa siya. Walang direksyon ang kanyang mga paa. Basta siya pumunta sa isang elevator na walang laman at pumasok doon. Hindi niya alam kung saang floor siya lalapag pero gusto na niyang umuwi. She pressed the L button. Lobby siguro iyon pero bahala na. Nakatayo siya nang laglag ang mga balikat. Paano na si Ammiry? Agad na napahikbi ang dalaga nang maisip ang anak niyang umaasa. Kanina sa traysikel ay planado na niya, na sa unang sahod niya ay bibilhin na niya ang Diana doll. Sa susunod naman ay bisikleta ang bibilhin niya. Mag-go-grocery sila ng marami at titigil na ang kanyang lola Ely sa pagiging tindera. She broke. Tumulo ang mga luha niya sa sobrang pagkadismaya sa kanyang sarili. No wonder that the owner of this company is arrogant and evil. Tila ba sa mga pananalita nun sa kanya ay napakalaking kasalanan na siya ay ipinanganak na babae… MINASAHE pa siya ni Yolo sa balikat nang unang-una na tawagin ang kanyang pangalan. “Odette Santiago!” Ani ulit ng secretary, na nakatingin na sa kanya. Sino pa ba naman ang magmamay-ari ng pangalan na Odette ay puro lalaki ang naroon, at siya ang bukod tangi na hinugot sa tadyang. Agad na tumayo siya na may ngiti sa labi, sabik at masaya. Mahusay naman siyang makipag-usap kaya alam niyang magugustuhan siya ng Presidente ng Royal Cervantes Inc. She stood up and walked straight toward the door. The secretary was assisting her with gentleness. Maingat niyang inilapat ang pinto. “I don't have much time, Miss Santiago. You think I am wasting time here? Ganyan ba ang isang seawoman, makupad pa sa pagong?” Litanya ng babae sa kanyang likuran kaya agad siyang natilihan. She looked and hastily walked, “I-I am so sorry, Ma'am. Good morning, po.” Aniya pa rin. “There's nothing good in the morning,” sagot nito na pabalang pero tumayo pa rin siya sa may harap ng mesa nito. “Your grade didn't meet the standards of my company.” “P-Po?” takang tanong niya rito. Hawak nito ang kanyang profile dahil nakita niya ang kanyang passport size picture na naka-attached sa papel. “N-Ninety-four po…” aniya pero tumikwas ang labi njti na tila nakakainsulto sa kanya. “You think this is enough? Alam mo ba kung anong kumpanya ito? This is Royal Cervantes. This is Transverse. We need competitive and competent students. Ang sinasahuran Namin ay may grade na 98 to 100. You're just 94, so don't expect any salary from my company. You think you're intelligent enough? Well, sorry dear,” mapang-uyam itong ngumiti at itinaas ang isang kilay. Kung magkakilala lamang silang dalawa, iisipin niya na matindi ang galit nito sa kanya dahil sa hilatsa ng mukha nito at talas ng bunganga. Hindi ito marunong mag-filter pero hindi naman sila magkakilala, kaya pihadong ganito lang talaga itong manalita. Parang ayaw na tuloy niya na tumuloy pa sa pag-o-OJT dito dahil sa ugali ng boss. Anong aasahan niyang marka? “Your grade didn't make it,” kibit balikat na dagdag pa ng babae, “Why did you choose Maritime anyway? If I may ask?” Naalangan siyang sumagot pero tumingin siya rito nang diretso, “I chose—” “Never mind,” anito pa, “My suggestion is, you had rather chosen another course that would suit your personality, pwede kang maging waitress, janitress, chambermaid, as starting career, road to being a hotel or a restaurant manager. Anong lakas ang meron ka para maging seawoman? Baka mauna ka pang tumalon kapag halos tumambling ang barko sa dagat.” Ngumiti siyang pilit pero ang sakit ng kanyang kalooban. Why does this woman have to insult her? Pwede naman na sabihin nitong hindi siya tanggap, tapos. “Thank you for your suggestions, Ma'am but I wanted to be a seawoman. That's all.” Iminuwestra nito ang pintuan papalabas, “Find another company that will hire you. We drop female interns.” Diyos ko… Muling humikbi si Odette. She was expecting too much and too soon for the sake of her child. Ngayon, hindi lang siya ang gumuho ang mundo, malamang ay pati na rin ang kanyang lola, tiya at si Ammiry. Daig pa niya ang pinatayan ng kinabukasan. Muling bumalik sa kanya ang lahat ng hirap na inabot niya noon, kung paano sila pinagsarhan ng gate ng huwes kahit na dumadaing sila ng tulong. Wala talagang mabuting puso ang mga taong nakikilala niya. Hanggang ngayon pala ay panghahamak pa rin ang makukuha niya. Ang mga salita na iyon ng babae ay parang matalas na bagay na pumutol sa isang pisi na magdurugtong sa kanyang determinasyon at matayog na pangarap. The elevator's door tings, yet she remains standing. Hinintay niyang bumukas iyon, at nang bumukas iyon ay natulala siya sa lalaking maghihintay na bumukas ang pinto. Napatigil siya sa pag-iyak. She saw a very tall man, masculine and gorgeous. Agad na napanganga si Odette. Hindi kaya sa langit siya dinala ng elevator? This man literally looks like an angel. Napakatangos ng ilong ng lalaki at ang ganda ng mga matang light brown. Nakapamulsa ito at napakunot noo nang siya ay makita na nasa loob ng lift. Men are surrounding him, like he was some kind of a VIP. Kinusot niya ang ilong at balewala na kumurap, habang ang lalaki ay matiim ang titig sa kanya. Sa pagbagsak niya sa isang interview, may magandang tanawin pa rin naman na ibinigay ang Diyos, isang gwapong lalaki na parang sa libro lang nag-e-exist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD