Kabanata 7
HELIOS inhaled deeply as he surveyed the entire room. Violeta was in front of him, smiling. Tahimik ang babae na nakamasid sa kanya.
“Welcome po, PH,” magalang na sambit nito sa kanya kaya tumango siya.
Violeta is no longer treated as an ordinary employee. Pamilya ang naging trato rito ng kanyang namayapang ama. Kapatid ito ng ex-girlfriend ng kanyang Daddy, pero dahil mabuti ang naging paghihiwalay ng dalawa, nanatili si Violet sa kanilang kumpanya.
“Ito ang naging opisina ni Dad, di ba?” Tanong niyang nakapamulsa.
“Opo. Ipinag-request niya na i-renovate ito nang siya ay may sakit na. He was preparing for your management.”
Management, yes. He nearly sighs but nodded. He doesn't know how to run a billion worth company but what's his choice? Ngayon ay masa-sample-an na ang lahat ng mga seminars at pag-aaral na kanyang sinalihan at ginawa.
Kung alam lang niya na darating sa ganitong punto, sana ay matagal na niyang pinagbigyan ang kahilingan ng kanyang ama, na aralin na niya lahat. He never saw it coming. Akala niya ay matagal na magiging malusog ang Daddy niya, hindi pala.
“What time is the interview, Ate V?” Tanong niyang napasulyap sa relo.
Naalala niya na kikitain niya ang internal vice-president niya ng organisasyon niya. Nag-set lang naman iyon ng thirty-minute meeting sa kanya.
“Ngayon po, PH. Bale, first schedule niyo po iyon ngayon. Buenas manos,” anito sa kanya.
“I'll be out for a short while. Babalik din ako kaagad. Tell those students to wait.”
“Matanong ko lang po, gaano pa ho ba kahalaga ang interview? Di ba po, sigurado naman na pasok na sila rito? Hawak ko na po ang record ng mga bata, ang mga marka nila.”
“They will not get the same salary. I will base it on my interview. I will categorize where to put them. Kapag may nakita akong walang potential papag-usapan namin ng propesor kung paano.”
“Okay po, PH.”
“And… mark the name, Odette Santiago. She is my Dad's scholar. I wanted to see how far she could go.”
Tumango si Violet at parang tinandaan sa isip ang pangalan. Sa pagkakaalam niya ay hindi lang isang block ng isang unibersidad and i-interview-hin niya ngayon. Magkaibang paaralan ang maghihintay sa kanya.
He wants to personally meet those students. Kahit na medyo makakakuha iyon ng malaki sa kanyang oras, gusto niya pa rin ang schedule na interview. He saw his father conducting interviews a long time ago. Nakakatawa dahil hindi alam ng iba na ang kaharap ay ang chairman pala.
Gusto niyang maramdaman Kung paano ang maupo sa silya ng Presidente at humarap sa mga estudyante na gustong makapasok sa kanilang kumpanya bilang mga regular na empleyado sa hinaharap.
ODETTE was sitting on a chair, facing the office of the President. Palinga-linga lang siya sa paligid habang naghihintay sila ng mga kasama niya.
She was so excited at the same time, nervous. Kung sa swerte ay napaka-swerte talaga nila. Sikat sa buong mundo ang Transverse. Malaking pera ang naghihintay sa kanila sa oras na makapasa sila para magtrabaho sa barko.
Lumingon siya sa likod at napa-second look siya sa isang babaeng lumabas sa isang elevator. Posturado ang babae at napakataas ng suot na sandalyas. Parang suot iyon ng mga modelo sa TV.
Napatitig siya sa babae dahil parang pamilyar iyon sa kanya, pero hindi. She would never forget the face of Liza and her elder sister back in the province.
Iba naman ang mukha ng kapatid ni Liza sa babaeng ito. Tuloy-tuloy ang babae habang nakataas ang noo sa lahat. Ni wala itong tiningnan na sinuman, pero siguro ay naramdaman nito ang titig niya kaya tumingin ito sa gawi niya.
The woman was so beautiful and she was mesmerized. Wavy ang blonde at medyo mahaba nitong buhok, na abot sa balikat.
Naglalakad ito pero nakatingin sa kanya, may kasungitan ang mga mata.
She decided to smile at the woman when a hint came into her mind. Baka ito ang anak ng may-ari ng Royal Cervantes. Iyon ang inisyal na utos ng kanyang isip, ang ngumiti sa babae, pero sa halip na ngiti pabalik o simpleng appreciation man lang sa ginawa niya ay hindi ganun ang natanggap ni Odette. The woman roamed her eyes in her entire being and haughtily looked away. This isn't good. Mukhang hindi mabait ang may-ari ng kumpanya.
Sabagay, sino nga ba naman siya para ngitian ng isang bilyonarya? Isa lang siyang hamak na aplikante para sa internship. She was also wondering why they have to undergo an interview. Di ba nga at tanggap na sila?
Kinabahan na naman tuloy siya sa naisip niya, na baka kapag hindi sila pumasa sa interview ay hindi pa talaga tuloy ang OJT nila sa sikat na cruiseship na ito. Huwag naman sana. Nasisira ang kanyang tiwala sa sarili sa mga negatibong bagay na sumasagi sa kanyang isipan.
“WHERE is Helios?” Avva asked the woman behind the desk. Ito si Violet, sa kanyang pagkakaalam.
Kung hindi lang ito nasa kwarenta na mahigit ay ipadidispatsa niya ito. Maganda ang babae kahit Na may edad niya, pero dahil nga matanda na ito ay tanggal na ito sa listahan ng kanyang mga pwedeng pagselosan.
She's so damn territorial when it comes to Helios. Dahil sa pagiging frat lord ng kanyang boyfriend noon, nagkaroon siya ng malalim na takot, na isang araw ay bumalik ang pagiging babaero nito.
Hindi maaari. Helios is a great catch. Ito ang gusto ng kanyang ama na kanyang mapangasawa. Cervantes is Cervantes, rich and famous. Kapag ito ang kanyang napangasawa niya, buhay reyna siya. Lahat ng bagay ay kanyang mabibili, sigurado. Hindi na niya kailangan na magtrabaho o magpakahirap sa pag-a-abogada kung sakali.
Mayaman din naman sila pero sa probinsya iyon. Kumpara sa isang Helios Cervantes, wala sila sa kalingkingan nito. Ang ektaryang lupain nila ay walang sinabi sa laki ng negosyo ng pamilya Cervantes. Nakuha lang naman nila ang mga lupain na iyon bilang suhol sa kanyang ama na isang huwes. May mga pagkakataon na kapag gusto ng isang kliyente na maipanalo ang kaso, binabayaran ang ama niya ng lupa. Tulad na lang ng isang lupain na kinamkam ulit ng isang intsik sa mga tenants.
Dalawang ektaryang palayan ang nakuha nila na share mula sa intsik na iyon nang manalo sa kaso.
Tumingin sa kanya si Violet at inayos ang salamin na suot.
“Lumabas po sandali dahil may kikitain.”
Uminit na kaagad ang ulo niya at saka siya nataranta. Anong kikitain. Sino ang kikitain ng boyfriend niya, babae?
“Who?” Kaswal na tanong niya rito, habang nakatayo sa likod niya ang kanyang bodyguard, na may bitbit ng kanyang bag.
Papunta siya sa University ngayon pero dumaan muna siya para magpapansin sa boyfriend. Today's Helios first day in the office.
“Confidential po, kahit ako ay di ko alam. Babalik po siya agad kasi may i-interviehin Po siya na mga estudyante.”
Agad na parang trumpo na pumihit ang ulo ni Avva sa mga nakaupong estudyante. Naka-uniform ang mga iyon, at may isang babae na bukod tangi sa lahat ng kalalakihan.
These students were wearing uniforms. Nakatitig siya sa babaeng naka-palda, maputi at maganda. Napakalinis nitong tingnan sa suot na puting uniporme. She was wearing a white seawoman's hat, a black skirt and a white blouse. Naka-necktie itong itim at ang suot ay puting de takong na sapatos.
Kumulo kaagad ang kanyang dugo sa mala-anghel nitong mukha. Hindi ito pwedeng makaharap ni Helios. Hindi siya bulag para hindi makita ang kagandahan ng babaeng ito. Mahaba ang buhok nito na parang abot sa gulugod. It was black and was in a ponytail. She's still so young. Malamang dahil estudyante nga.
Hindi ito payat na parang nalosyang na kawayan. This woman is quite chubby, not as petite as her.
Isipin pa lang niya na mag-uusap ito at si Helios ay umiinit na kaagad ang ulo niya.
Binawi niya ang tingin nang ngumiti ang babae sa kausap nitong lalaki. Avva saw the woman's dimples and it irritated her so much.
Ibinaling niya ang mga mata sa mesa ni Violet, at nakita niya ang isang listahan. She grabbed it to calm herself.
“What's this?” Usisa niya, “Saan siya pumunta?”
“Lalabas lang daw po saglit pero walang sinabi kung saan. ‘Yan po ay listahan ng mga estudyante.”
Napakunot-noo siya dahil may naka-highlight na pangalan.
Odette Santiago.
“What's this?” Kunot noo siya kay Violet, saka itinuro ang pangalan na nasa papel. Tumingin naman dun si Violet, clueless.
Sa pagkakaalam niya, ang pangalan na ito ay paaral ni Senyor. Kaya nga tinanggap ng Cervantes ang internship dahil sa batang babae na may pangalang Odette. Bilin daw ng matanda na huwag pabayaan si Odette at ituloy ang pagtulong kahit na mamatay na ang mayamang Senyor.
Malamang, gusto lang ni Helios na makilala kung sino si Odette, kaya pinalagyan sa kanya ang marker.
At hindi madaling kalimutan ang pangalan na iyon dahil unique.
Tukikhim si Violet at inayos na muli ang suot na salamin. Masyadong possessive ang nobya ni Helios, sa isip nito. Pangalan lang ay inaalam pa kung bakit may marker.
AVVA looked at the secretary again.
It's a woman's name, a very rare name unofficially used since then and now.
“Pinamarkahan lang po ni PH. Hindi ko po alam kung bakit.”
“Secretary ka, yet you don't know. This is a woman's name,” ani Avva, pero nagkaroon na siya ng kutob na ang may marka na ito ay ang pangalan ng babaeng nasa waiting area.
Lalo siyang nakaramdam ng inis. It means to say, markado na ang babae na ito. Does Helios know this student? Hindi pwede. Maganda ang babae at threat sa kanya.
Ibinaba ni Avva ang papel na hawak niya Saka nakataas ang mga kilay na tumingin kay Violet.
“Papasok ako sa loob. I want to help my boyfriend. I will conduct the interview.”
Napatanga ang babae sa kanya pero tila wala naman itong maisagot dahil girlfriend siya ng may-ari.
They're engaged, in fact. Binilhan na siya ni Helios ng singsing kaya malapit na silang maging mag-asawa.
She lifted her hand to show Violet the engagement ring she was wearing. It was a high karat diamond ring.
“Don't just make tanga. Open the door for me and call these students one by one,” determinadong sabi niya kaya napamadali si Violet.
Lumapit ang sekretarya sa pinto ng opisina ni Helios tapos ay binuksan iyon.
Tingnan niya lang kung makapag-intern pa ang Odette na iyon.