BANDANG alas dose na ng tanghali pero subsob pa rin sa trabaho si Hada dahil sa sandamakmak na folder na ibinigay sa kaniya ni madam Eliza. Tapos naman na niya iyon na i-encode sa nagdaang araw, pero ang dahilan ng babae ay kailangan niya raw ulitin. Bakit? Hindi niya rin alam. Siguro naiinis na naman sa kaniya ang babae kung kaya't gano'n na lamang kung makapag-utos sa kaniya. Kung hindi pa siya nilapitan ni Rowena at Adrian; hindi pa siya titigil sa ginagawa niya.
"Ang sipag a! Ano'ng nakain mo?" nagtatakang tanong ni Adrian sa kaniya.
Dahil ang totoo niyan, simula nang maging sekretarya siya ni Cohen, mas marami pa ang oras na iginugugol niya sa pagmamasid sa binata mula sa loob ng opisina nito at pag-i-imagine kasama ito kaysa sa kaniyang trabaho.
"Actually, wala pa siyang nakakain kaya ganiyan siya kasipag." Segunda naman ni Rowena sa kaibigan. "Hoy! Tara na at kumain na muna tayo." Pag-aaya nito sa kaniya.
Wala sa sariling napapabuntong-hininga na lamang si Hada at isinandal ang likod sa sandalan ng kaniyang swivel chair. "Gutom na nga ako." Pagrereklamo niya.
"Tara na at ng makakain na tayo." Anang Adrian at hinila pa siya sa braso para makatayo sa kaniyang puwesto.
Tamlay at nanghihina namang nagpatianod ang dalaga sa dalawang kaibigan. Mabuti na lang talaga at may mga kaibigan siyang kagaya nitong dalawa.
"Hada!"
Tawag sa kaniya ni madam Eliza na siyang nagpatigil sa kanilang tatlo sa paglalakad sa hallway.
"Yes madam?"
"Where are you going?" nakataas na naman ang kilay nito. Usual.
"Mag l-lunch po kami madam." Si Adrian ang mabilis na sumagot sa maarteng babae.
Agad naman nitong itinaas ang braso upang tingnan ang orasang pambisig nito. "Dalian mo at kailangan mong bumalik sa trabaho mo. I need those papers before two o'clock." Anito at walang paalam na tinalikuran ang tatlo. Pakimbot-kimbot pa itong naglakad.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga niya si Hada habang napapapikit pa siya dahil sa inis sa babae. "Alam n'yo... kaunti na lang, uupakan ko na ang babaeng 'yan." Naiiritang saad niya.
"Magtimpi ka lang bakla. Masisira ang byuti mo," saad sa kaniya ni Adrian at inayos pa ang kaniyang buhok na bumagsak sa tapat ng kaniyang mukha. "Tara na nga at nagugutom na ako." Dagdag nito at muling hinila ang dalawang dalaga.
"Hayaan mo na, Hada! Insecure kasi sa 'yo ang bruha kaya ikaw lagi ang nakikita." Anang Rowena.
SA HALIP na isang oras ang kaniyang pahinga; hindi pa man nagkakalahating oras ay bumalik na agad sa kaniyang trabaho si Hada para ipagpatuloy ang ginagawa kanina. Baka mag bunganga na naman ang madam Eliza sa kaniya.
Hindi pa man nag-iinit ang kaniyang puwetan sa swivel chair; saktong pag-angat ng mukha niya at mapatingin sa loob ng opisina ng kaniyang amo, nakita niya itong nakatingin sa kaniyang direksyon at tinawag siya. Nagmamadali naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto at halos inilang hakbang lang ang pagitan ng kaniyang lamesa papasok sa opisina ng binata.
"Y-yes po sir?" nauutal na naman siya.
"Can you give me a cup of coffee, please." Utos nito sa dalaga.
"Okay po sir! Saglit lang po." Ani Hada at nagmamadaling tumalima papalabas ng opisina nito. "Hay! Kung puwede ko lang lagyan ito ng gayuma para magustohan mo ako, ginawa ko na,” bulong niya sa sarili habang nagsasalin ng kape sa isang tasa. Nagpakawala siya ng buntong-hininga; malapad ang ngiti sa mga labi na muling bumalik sa opisina ng binata. "Here's your coffee sir." Untag niya bago inilapag sa lamesa, at tapat ng binata ang maliit na tasa. "Anything sir?"
"A—" anang Cohen at kunot ang noo na napatitig sa kaniya. "H-hada right?" tanong nito.
"Salamat naman at alam mo na ang pangalan ko." Mahinang bulong niya sa sarili na tila ay kinikilig pa. "A, opo sir."
"I saw your name tag."
Turan nito at itinuro pa ang tapat ng kaniyang dibdib. Napatingin naman siya sa kaniyang sarili. Tama! Naroon nga ang name tag na ginawa ni Rowena kanina para sa kaniya. Nakalimutan na pala niyang tanggalin iyon.
"Thank you, Hada!" nakangiting saad nito bago muling ibinalik ang buong atensiyon sa trabaho.
Napapangiti na lamang din ng mas malapad ang dalaga bago puhimit at lumabas. Thank you Hada! Iyon ang paulit-ulit na bumubulong sa kaniyang tainga. Tila isang napakasarap na musika, lalo pa't ang lalaking iniirog niya ang sumambit sa kaniyang pangalan.
"Ay! Nasa alapaap na naman ang bruha."
Anang Rowena nang makasalubong niya ito pabalik sa kaniyang lamesa.
"Thank you, Hada!" muling usal niya habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi. Nasisiraan na nga ata siya dahil kay Cohen.
"Alam mo, parang druga si sir Cohen,” ani Adrian na ikinabaling ni Rowena rito. "Kasi tingnan mo si Hada. Ang lakas ng tama kapag nasisinghot niya ang kilig galing kay sir." Dagdag pa nito na sinabayan ng nakakalokong pagtawa.
"Siya na ang druga na hindi nakakasama sa kalusugan." Aniya.
"Correction! Nakakasama ng utak." Kunwari ay pagtatama pa ni Rowena.
"Hayaan na nga lang natin na mangarap itong friend natin. Hanggang pangarap lang naman 'yan." Pagbibiro pa ni Adrian na ikinasimangot ng mukha ni Hada.
The real friends are bully. Minsan, imbes na iangat ka at tulungan na mapansin ng crush mo, sila itong hihila sa 'yo pababa, minsan ipapahamak ka pa at ibu-bully kapag nandiyan na ang crush mo.
"Back to work na mga bakla. Nandito na naman ang madam ninyo." Aniya nang matanaw ang madam Eliza na naglalakad palapit sa kanilang puwesto.
"Hada!"
"Yes madam?"
"Do this." Anito at may ibinigay sa kaniyang isang folder. "Gusto kong ikaw ang maging team leader sa gagawing preparation para sa Anniversary ng Mueble Empresa. I know mas may alam ka sa bagay na 'yan. Ikaw na rin ang bahalang pumili ng mga makakasama mo. Ang importante lang ay masunod kung ano ang nakabase sa theme natin. Got it?" turan nito habang nakataas ang kilay sa kaniya.
Sarap hilahin 'yang kilay pababa. Sa isip-isip niya.. Ngumiti naman siya ng pilit dito. "Yes madam."
"Did you have a copy of our sale last month?" bungad na tanong ni Cohen kay Hada habang abala ito sa pagtingin sa papel na hawak nito.
Agad naman na napatayo ng tuwid si Eliza at nagmamadaling inayos ang buhok maging ang purple dress na suot nito na kaunting kilos nalang siguro ay masisilipan na. Ang seryosong hitsura nito habang kausap si Hada kanina ay biglang naglaho at napalitan ng pagkatamis-tamis na ngiti.
"Hi Cohen!" bati nito sa binata.
"Ito po sir." Anang Hada at nagmamadali pang inabot dito ang puting folder na itinabi niya kanina sa ilalim ng kaniyang drawer. Alam niya kasing manghihingi ito ng kopya sa kaniya; kahit pa pinagsabihan na siya noon ni Eliza na ito na ang magbibigay sa binata ng mga kopya ng sales report nila.
"Thank you!" bale-walang saad nito habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa binabasang papel. Umangat ang isang kamay nito upang kunin sana ang kailangan.
Nagmamadali namang umikot si Hada sa tabi ni Eliza kung saan naroon nakalahad ang palad ng binata. Kusa niya iyong iniabot sa binata habang masama ang tingin sa kaniya ni Eliza. Paano, kukunin na sana nito sa kaniya ang folder pero hindi niya iyon ibinigay dito, sa halip ay umikot pa siya ng puwesto para iabot sa lalaki ang hinihingi.
"Welcome po sir!" nakangiting saad niya bago tuluyang tumalikod ang amo at bumalik sa opisina nito.
"What are you doing?" nanlalaki ang mga mata at tila naiinis na tanong sa kaniya ni Eliza.
"Ang alin po madam?" kunwari ay pag-mamaangmaangan na tanong niya.
"Nagpapapansin ka ba kay Cohen, Hada?"
"Ako? Bakit naman po ako magpapapansin kay sir, madam? Baka po kayo ang nagpapapansin." Aniya na ikinasingkit ng mga mata ni Eliza.
"What? O-of course n-not! I'm not flirting with him." kanda utal na pagtanggi nito.
Napapakibit-balikat na lamang si Hada na bumalik sa kaniyang trabaho at hindi na pinansin ang babae.
"Hindi daw? E, halatang-halata naman." Bulong niya sa sarili ng mawala sa tapat ng lamesa niya si Eliza.
BANDANG alas otso na ng gabi. Kanina pa nagpapabalik-balik ng kaniyang lakad si Eliza sa loob ng kaniyang opisina. Ilang beses na rin itong napapatingin sa kaniyang pambisig na orasan. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating si Cohen. Ang usapan nila kanina ay dadaan ang binata sa kaniyang opisina para sabay na silang lumabas at dumiretso sa kanilang dinner date. Wait! Okay! It's a date. Since iyon naman talaga ang plano niya kung kaya't inaya niyang kumain sa labas ang binata. Parang tutubuan na rin siya ng ugat kakahintay sa lalake pero kagaya sa nagdaang mga usapan nila, hindi na naman ata ito sisipot. Napapabuntong-hininga na lamang ito na dinampot ang kaniyang hand bag 'tsaka lumabas sa opisina niya. Siya na lang ang dadaan kay Cohen para sabihan ito. Ngunit taliwas sa inaasahan ni Eliza; pagdating niya sa opisina ni Cohen ay madilim na iyon. Wala na ang binata.
"Ma'am Eliza narito pa po pala kayo?" anang guwardiya na nag lilibot sa buong building.
"Have you seen, Cohen?"
"Si sir Cohen po? Opo ma'am! Maaga pong umuwi. Kanina pa pong alas sinco." sagot ng guwardiya na medyo may edad na.
Gano'n na lamang ang panlulumo ni Eliza ng malaman na kanina pa pala umuwi ang hinihintay niya. Jesus! Tatlong oras siyang naghintay doon para sa wala. "Okay." tipid na saad nito bago naglakad ulit para tunguhin ang kinaroroonan ng elevator.