CHAPTER 2

1320 Words
"GOOD MORNING EVERYONE!" Ang boses na iyon ang naging dahilan upang mapabaling agad ang tingin ni Hada sa entrada ng kanilang opisina. There he is. Wearing those beautiful smile. Parang pakiramdam ni Hada nasa alapaap na naman siya at idinuduyan sa sobrang saya ng kaniyang puso. "Hoy! Ngingiti ka na lang ba riyan?" untag na tanong sa kaniya ni Adrian na ilang segundo na palang nakatitig sa kaniya. "Ang guwapo niya, bakla!" bulong na saad niya habang may matamis na ngiti sa mga labi. "Mas guwapo 'yan sa malapitan. Kaya kung ako sa 'yo... magtimpla ka na ng kape niya at ihatid mo sa loob. Dali na!" anito na siyang nagpabalik sa ulirat ng dalaga. "Oo nga pala! Wait lang, baka unahan pa ako ng madam mo." Nagkukumahog pa niyang inilapag sa kaniyang lamesa ang bitbit na folder at lumapit sa isang lamesa na nasa sulok ng malawak na kuwartong iyon. Nagmamadaling ipinagtimpla niya ng kape ang lalaki. Pagkatapos ay malawak ang pagkakangiti niya habang palapit sa opisina ng binata. Kumatok pa siya ng tatlong beses sa bubog na pinto bago iyon itinulak at pumasok doon. "Magandang umaga po sir!” matamis at malambing na bati niya rito. "Goodmorning!" ganting bati nito sa kaniya. Hay! Mas lalong nagwawala ang puso ni Hada habang papalapit na siya sa lamesa nito. Kumpara kanina, hindi na ito nakangiti, ngunit hindi naman iyon naging dahilan upang mawala ang pagiging guwapo nito sa kaniyang paningin. "Kape n'yo po sir." "Thank you!" sagot nito na hindi man lang nag-abalang tapunan ng tingin ang dalaga. "May ipag-uutos pa po ba kayo sir?" tanong niya. "Mmm! Nope! Thank you again!" "A, o-okay lang po kayo sir?" usisang tanong niya muli sa kaniyang boss. Sa pagkakataong iyon ay nag-angat ng mukha ang binata at tinapunan siya ng tingin. Nakakailang man salubungin ang mga titig nito sa kaniya; pinilit ni Hada na huwag iiwas ang paningin dito. Diyos na mahabagin! Napakaguwapo niya talaga. Sa isip-isip niya. "I mean, ano po kasi—biglang nawala po ang ngiti sa mga labi n'yo. T-tapos... nakakunot p-po ang noo n'yo." kanda utal na saad niya. "H-hindi po kasi bagay sa inyo ang nakasimangot." Dagdag pa niya na ikinangiting bigla ng lalaki sa kaniya. "Guwapo!" hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili. Mahina lamang iyon ngunit sapat na para hindi makaligtas sa pandinig ng binata. "Me?" tanong nito habang suot pa rin sa mukha ang matamis na ngiti. "A—" mabilis siyang napangiwi ng mapagtanto ang naging tanong ng kaniyang boss. Napapakamot na lamang siya sa kaniyang batok dahil sa hiyang biglang naramdaman niya. "S-sorry po sir! A-ano po kasi... kahawig n'yo po 'yong crush ko. Iyon po." Napapatango naman ang binata sa kaniya. "Akala ko ako e!" anito. Nahihiya pang ngumiti si Hada sa lalaking lihim niyang hinahangaan. Hay! Kung puwede nga lang na gano'n lagi ang tagpo sa pagitan nilang dalawa, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero siyempre, mukhang malabo naman mangyari iyon. "What's your name again?" tanong nito na siyang naging dahilan upang mawala ang pagkakangiti sa mga labi ng dalaga. That's the problem! Dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa kumpanya nito. Apat na buwan na siyang nagtatrabaho bilang sekretarya nito, ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nito alam ang kaniyang pangalan. Kulang na lamang ay isulat niya ang kaniyang pangalan sa malapad na tarpaulin at isabit iyon sa leeg niya tuwing papasok siya sa opisina nito para hindi na nito makaligtaan kung sino siya. At ng hindi na rin ito nagtatanong sa kaniya. "Cohen..." anang Eliza nang pumasok ito habang may bitbit na tasa ng kape. "Here's your coffee." Anito gamit ang tono ng boses na halata namang pinipilit lamang pa-sexy-hin. "Oh, nag abala ka pa Eliza! Pero may kape na ako. Ginawan ako ni—what's your name again?" "Nah! Don't bother to ask her name. Hindi naman mahalaga 'yon." Mabilis na saad nito at palihim na nilakihan ng mata si Hada, na nakatayo pa rin sa harap ng lamesa ng binata. "Go back to your work." Utos nito sa dalaga. Nanggagalaiti man; lumabas ng opisinang iyon ang dalaga habang abot langit ang galit sa maarteng babae. Paano, panira sa moment nila ni Cohen. Tapos sinabi pa na hindi mahalaga na malaman ng binata ang kaniyang pangalan. Ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon. Sa isip-isip niya. "Bakit mukhang nakasagupa mo ata si Lucifer?" salubong sa kaniya ni Rowena. "Paano, sinira ni madam Eliza ang moment nila ni sir Cohen." Mabilis na singit ni Adrian at inginuso pa ang opisina ng binata. Naroon nga ang madam Eliza nila habang nagpapa-impress at nagpapa-bebe na naman sa binata. "Nakakabuwiset!" anang Hada at padabog na umupo sa kaniyang puwesto. "Who? Si sir Cohen o si madam?" nakangiti pang tanong ni Rowena. "Si sir! Mantakin mo, apat na buwan na akong nagtatrabaho bilang sekretarya niya pero hanggang ngayon pala hindi niya pa rin ako kilala." "What? True 'yan bakla?" ang Adrian. Natawa naman ng pagak si Rowena dahil sa hitsura niya. Mukha siyang bata na inagawan ng lollipop ng kaniyang kalaro pero pinipilit na huwag umiyak. "Duda pa akong makilala ako niyan bilang empleyado niya kung magkikita kami sa labas ng kumpanya niya." Dagdag pa niya at nangalumbaba sa kaniyang lamesa. "Wait lang..." anang Rowena na agad naglakad pabalik sa lamesa nito. Mayamaya muling lumapit sa kanila ni Adrian habang may bitbit na maliit na papel at tali. "...isulat natin ang pangalan mo rito at isabit mo sa leeg mo. Tingnan lang natin kung makalimutan niya pa ang pangalan mo bakla." Anito. Natawa naman ng malakas si Adrian dahil sa naging ideya ni Rowena. "MAY LAKAD ka ba after work, Cohen?" tanong ni Eliza sa binata habang nakatayo pa rin ito sa gilid ng lamesa; samantalang abala naman si Cohen sa monitor ng laptop nito. "Nope! Why?" tipid na saad nito. Mabilis namang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Eliza nang malamang wala ng lakad ang binata pagkatapos ng kanilang trabaho. So it means, puwede na nitong ayain ang binata na kumain sa labas? Ilang beses na rin kasi nitong inaaya ang binata ngunit palaging hindi natutuloy. Kung hindi ito busy dahil sa tambak na trabaho... madalas nitong nakakalimutan ang usapan nila dahil sa pagmamadali nitong umuwi. "Is it okay if I invite you to dinner?" tanong nito. "Sure." "Thank you, Cohen! So... see you later." anang babae na kaunti na lamang ay mapupunit na ata ang mga labi dahil sa malapad na pagkakangiti. Isang tango naman ang ginawang tugon ng binata rito. "Okay! See you." Muling saad nito habang umaatras pa ng lakad palabas ng opisina. Muntikan pa itong mabunggo sa salamin na pinto nang pag-pihit nito ay nasa harapan na pala iyon ng babae. "B-bye Cohen! See you later." Anas nitong muli kahit hindi naman ito pinapansin ng binata na abala pa rin sa trabaho. "Bye Cohen." Anang Hada na naiirita pang sinundan ng tingin si Eliza. "Ang arte! Gusto mong bugbugin kita?" bulong niya sa sarili habang nanggigigil na nilamusak ang papel na hawak nito. "Kawawa ang papel bakla! Wala siyang kasalanan sa selos mo." Saad ni Rowena na basta na lamang sumulpot sa tabi niya. "Alam mo bang kaunti na lang makakalbo ko na ang Eliza na 'yan? Aba! Inaya ba naman si sir Cohen na lumabas mamaya. Ano mag d-date sila?" naiinis pa ring saad niya. "May magagawa ka ba kung sakaling mag date nga sila? Bakla, hindi nga kilala ang name mo pero makapag-selos ka to the highest level. Iba rin." Pang-aasar pa sa kaniya ng kaibigan. Dahil sa sinabi ni Rowena, wala sa sariling napatayo sa kaniyang upuan si Hada na ipinagtaka naman ng huli. "Teka, saan ka pupunta? Iiwan mo 'tong trabaho mo?" "Gawin mo muna, bakla! Magdadasal lang ako na huwag matuloy ang dinner nila mamaya." Aniya at walang paalam na nagtuloy sa paglalakad. Napapailing na lamang si Rowena na ipinagpatuloy ang iniwang trabaho ng kaniyang butihing kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD