“TAY!” bungad na sagot ni Hada sa kaniyang ama nang sagutin niya ang kaniyang selpon. Kasalukuyan pa siyang naglalakad sa gilid ng kalsada at naghahanap ng drug store para bumili ng gamot para sa Tatay niya.
“Pauwi ka na ba anak?” tanong nito na nauubo pa.
“Pauwi na po. Sorry at over time po kasi kami e! Pero malapit na po ako. Nagugutom na ba kayo? Wala pa ba si tiya Felipa para maghatid ng pagkain mo?” tanong niya.
“Nandito na ang ate kanina pa. E, naubos na pala ang gamot ko. Medyo nananakit na kasi ang lalamunan ko kakaubo kaya tumawag na ako sa ‘yo para makabili ng gamot.” Turan nito na muli na namang umubo.
“Sige po! Saglit lang ako sa drug store ‘Tay. Uminom ka na muna ng tubig. Sige po at papatayin ko na ‘tong tawag mo.”
“Sige! Sige! Mag iingat ka anak.”
Anang kaniyang Tatay bago niya pinutol ang tawag sa kabilang linya.
Nagmamadali naman siyang pumasok sa drug store. Bumili siya ng vitamins, gatas, gamot at ibang kailangan ng Tatay niyang may sakit. Mabuti na lamang at hindi matao ang store na iyon kaya madali lamang siyang nakalapit sa cashier nang magbabayad na siya.
“Six thousand thirty five po ma’am.”
Anang babaing cashier matapos nitong i-total lahat ng kaniyang pinamili.
Mabilis naman niyang inilabas ang wallet na nasa bag niya. Pero gano’n na lamang ang pagngiwi ng mukha niya nang malaman na hindi pala kasiya ang pera niya. Kung bakit kasi sa dinamirami ng puwedeng makalimutan, ang mag withdraw pa ng sahod niya ang hindi niya naalala kanina kakamadali niya.
“A, p-puwede bang pa void na muna ang iba kasi ano—”
“Sorry po ma'am. Pero—”
“Isama mo na ’tong akin.”
Saad ng lalaki at iniabot sa babaeng cashier ang binili nito.
Mabilis na napabaling ang tingin ni Hada sa lalaki para sana tumangi. Pero gano’n na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata; halos mahulog pa sa sahig na marmol ang kaniyang panga nang makilala ang lalaking nasa tabi niya ngayon.
“Six thousand two hundred sir.” Saad ng babae pagkuwa’y inabot nito ang card galing sa lalaki.
“S-sir Cohen?” nauutal na sambit niya sa pangalan ng binata.
Saglit namang napatitig ang binata sa kaniya habang nakakunot ang noo. Siguro kinikilala siya nito. “Oh, it’s you! H-eda! Heda right?” tanong nito.
“A, Ha—”
“Where are you going? Pauwi ka palang galing sa trabaho?” tanong nito kung kaya’t naputol sa pagsasalita ang dalaga.
“Opo sir. Overtime po!”
“It’s already Eight thirty in the evening.” Anito. “Saan ka ba umuuwi?” tanong nito mayamaya matapos sipatin ang orasang pambisig na suot nito.
“Malapit lang po rito, sir.” Sagot niya. “S-salamat po pala rito. Don’t worry po, bukas ay babayaran po kita. Nakalimutan ko lang mag withdraw ng sahod ko kanina kakamadali ko.” Tila nahihiya pang saad niya.
“No problem. Don’t mention about it. Let’s go, ihahatid na lang kita pauwi. Mahirap ang sakayan dito.”
Pag-aalok nito sa dalaga na siyang ikinatigil naman ni Hada sa paghakbang palabas ng store.
Tila nagpalakpakan na naman ang kaniyang mga tainga dahil sa itinuran ng binata. Nasa cloud nine na naman siya sa sobrang kilig na nararamdaman ng kaniyang puso.
Ito na ‘yon Hada. Ang unang pangarap mo ay magkakatotoo na ngayon gabi. Masasakyan mo na siya—este makakasakay ka na sa kotse niya! Sa isip-isip niya habang nag d-daydream na naman siya.
“Hey!” muling untag sa kaniya ng binata.
Nagmamadali naman siyang lumabas at lumapit dito.
“Come!”
“A, h-huwag na po sir! Nakakahiya naman po sa inyo.” Kunwari ay pagtanggi pa niya.
“Okay, kung ayaw mo. Mauuna na ako!” Mabilis na saad naman nito na siyang ikinagulat ng dalaga.
Walanghiya! Ang bilis naman pumayag. Ang akala niya pipilitin pa siya nito e! Nagpapa-cute pa nga siya rito e! Napaismid na lamang siya.
Mayamaya ay kaagad na naglakad si Cohen para tunguhin na ang mamahaling sasakyan nito na nakaparada sa tapat ng store. Nagmamadali naman siyang napasunod dito.
“A, joke lang po sir. Ito naman! Sige po sasabay na ako sa inyo.” Nakangiting saad niya at nilagpasan pa ang binata para unahan itong makarating sa sasakyan nito.
“Hey! That’s not my car.”
Tawag sa kaniya ni Cohen nang sinusubukan niya ng buksan ang isang itim na SUV na nasa harapan niya.
Tila napapahiya naman na tumungo siya at naglakad ulit palapit dito. “S-sorry sir.” Aniya.
Natawa naman ng pagak si Cohen dahil sa hitsura niya. “Let’s go.” aya nito at ipinagbukas pa siya nito ng pinto bago umikot sa driver seat.
“Gentleman, bakla!” kinikilig na bulong niya sa sarili bago tuluyang lumulan sa sasakyan nito.
“What?”
“I mean, on the way po ba kayo sir?”
“Saan ka ba umuuwi?” balik na tanong nito.
“Sa kanto lang po ng Mapagmahal.” Aniya.
“Okay! Magkapitbahay pala tayo e!” turan nito habang binubuhay na ang makina ng sasakyan.
“Po?” hindi makapaniwalang tanong niya at sinabayan pa ng paglingon dito. Kapitbahay niya si Cohen? Bakit ngayon niya lang nalaman iyon?
“Diyan lang din ako sa kanto ng Mamahalin.” Pagbibiro pa nito.
Muli ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang matamis at guwapo nitong ngiti. Kahit corny, natawa na rin siya dahil sa joke nito. “Palabiro po pala kayo sir?”
“Only to the beautiful ladies.” Mabilis na saad nito.
“Like me po?” wala sa sariling lumabas iyon sa bibig niya na siyang ikinalingon sa kaniya ng binata. “A, joke lang po sir,” aniya at pilit na tumawa bagaman ramdam niya ang pag-iinit sa kaniyang mukha.
“Palabiro ka rin pala.” Saad nito na tumawa na rin ng pagak.
Napapahiya pa ring ibinaling na lamang ni Hada ang paningin sa labas ng bintana. Hanggang sa tuluyan ng nilamon ng nakakabinging katahimikan ang loob ng sasakyan ni Cohen. Hindi naman niya magawang magsalita dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa makulit niyang bibig. Kaya kahit kating-kati siya na kausapin ang lalaking lihim na iniirog, mas pinili niya na lamang ang manahimik. Hanggang sa matanaw niya ang kanto papasok sa tinitirhan niyang apartment kasama ang tatay niya.
“Dito na lang po ako sir. Salamat po!” aniya at itinuro pa ang kanto.
Agad namang inihimpil ni Cohen sa gilid ng kalsada ang sasakyan para makababa siya.
“Salamat po ulit sir. Good night po!” muling paalam niya rito.
“Goodnight!”
Nanatili pa siyang nakatayo sa gilid ng kalsada hanggat hindi pa nawawala sa kaniyang paningin ang sasakyan ng kaniyang amo. Nang masigurong wala na nga ito... tila nababaliw na naman siya na nagtitili roon sa kalsada. Napapasayaw pa siya habang bitbit ang kaniyang mga pinamili kanina sa drugstore.
“Hoy! Hada, ano ang nangyayari sa ’yo?” tanong sa kaniya ng tiya Felipa niya na naroon na pala at nakita ang kabaliwan niya.
“Tiya...” aniya at nagmamadali pang lumapit sa matanda at nag mano rito.
“Anong nangyari at nagsasasayaw ka riyan?”
“Wala po! Masaya lang.” Kinikilig pa ring saad niya. “Halika na po at nagugutom na ako.” Aniya at hinila na sa braso ang matanda.
“SALAMAT ANAK!” anang kaniyang Tatay matapos niya itong alalayan na makahiga sa higaan nito.
“Matulog na po kayo. Bawal sa inyo ang nagpupuyat.” Turan niya sa ama habang inaayos ang kumot sa katawan nito. “Hinabilin ko na rin po pala kay tiya Felipa na dalhin kayo sa clinic bukas para mag pa-check up. Pasensiya na po at hindi ako makakasama sa inyo.”
“Ano ka ba! Walang problema roon anak. Ako nga dapat ang humingi ng pasensiya sa ’yo at masiyado na akong abala para sa ’yo at sa ate Felipa. Kung sana hindi lang dahil sa sakit kong ito—”
“Nako, at magsisimula na naman tayo sa MMK na usapan e!” putol niya sa sasabihin pa ng kaniyang Tatay. Alam niyang mauuwi na naman sa iyakan ang pag-uusap nila kung hahayaan niyang magsalita ito ng ganoon. Kilala niya itong Tatay niya. “Wala kang dapat na ihingi ng pasensiya sa akin ‘Tay. Kahit magpakapagod man ako sa trabaho ko, gagawin ko para sa ’yo. Ano naman po ang silbi ko bilang anak mo kung hindi ko tutulungan ang Tatay kong may sakit hindi po ba? Kaya nga ako nagtatrabaho, iyon ay para sa inyo. Para gumaling ka na sa sakit mo.” Turan niya.
“E, alam mo naman ang Tatay mo. Masiyado ng nahihiya dahil sa tulong mo sa akin noon pa man. Hayaan mo’t makakabawi rin ako sa ’yo balang araw.” Saad nito na bahagya pang pinunasan ang gilid ng mga mata. Ganito siguro kapag matanda na; ang hilig ng mag drama at madali ng maiyak.
“Ang gumaling ka po sa sakit mo ay malaking pagbawi mo na ’yon sa ’kin ’Tay kaya magpagaling ka lang.” Aniya at ngumiti.
“Napakabait mo talaga!”
Napangiti siyang lalo dahil sa sinabi ng kaniyang Tatay. “Siyempre, saan naman ako magmamana, kundi sa Tatay kong pogi na mabait pa.” Saad niya pagkuwa’y ginawaran ng masuyong halik ang noo ng kaniyang Tatay. “Sige na po at matulog na kayo. Good night po!” paalam niya rito bago siya lumabas sa silid nito at pumanhik na sa ikalawang palapag ng bahay para tunguhin naman ang kaniyang silid. Medyo inaantok na rin siya; kailangan niya pang mag linis ng katawan bago matulog.
SUOT ang kulay asul na amerikana habang plain white V-neck ang pang-ilalim. Nakasuot ng ray-ban at halatang bagong ahit lang ang balbas nito sa mukha. Sa gano’ng ayos; simple man ngunit sapat na upang mahuli pa rin ng lalaki ang atensiyon ng mga kababaehan na makakasalubong nito sa daan.
Taliwas sa laging inaasahan ng mga empleyado nito sa Mueble Empresa, blanko ang ekspresiyon sa mukha ni Cohen nang umagang iyon. Tila wala ito sa mode para maging masigla kagaya sa nakagawian na nito araw-araw.
“Goodmorning po sir!”
Bati rito ng mga empleyadong nakakasalubong nito sa pasilyo. Ngunit tanging tango lamang ang ibinibigay nitong sagot hanggang sa makarating ito sa opisina nito.
“Adrian!” tawag nito sa lalaki na agad din naman tumalima papasok sa opisina nito.
“Yes po sir?”
“How’s the preparation of the Mueble Empresa Anniversary?” seryoso pa ring tanong nito.
“A, si Hada na po ang gumagawa sir. Nasimulan na rin po kahapon kasama ang ibang tutulong. Then, about sa theme po sa venue—”
“Where is Heda?” agaw nito sa pagsasalita ni Adrian.
“P-po?” naguguluhang tanong pa nito sa binata.
“Heda? Where is she?”
“Baka po, Hada sir.” Pagtatama pa nito.
“Whatever! Just call her, now.” Tila naiinis na utos nito.
Agad namang kumilos ang huli at nagmamadaling lumabas sa opisina nito para tawagin ang kaibigan nito. Mabuti na lamang at agad na nahagip ng paningin ni Adrian ang dalaga na pabalik na sa puwesto nito habang malapad ang pagkakangiti at may suot pang earphone na kung minsan ay napapasaway pa at sinasabayan ang tugtog na pinapakinggan nito.
“Bakla!” tawag sa kaniya ni Adrian.
“Bakit?” tanong niya na hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti sa mga labi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya maka-get over dahil sa paghatid sa kaniya ni Cohen pauwi sa bahay nila sa nagdaang gabi.
“Iyong jowa mo hinahanap ka!”
Anang Adrian na ikinakunot naman ng noo niya.
“Jowa?”
“Heda raw. Tawagin ko raw si Heda!”
“A, okay!” aniya na napangiti pang lalo at sinabayan ng pagtaas-baba ng kaniyang mga kilay. Alam na niya kung sino ang tinutukoy nito. Kagaya sa pagkakasabi ni Cohen sa pangalan niya sa nagdaang gabi sa drug store. He called her Heda instead of Hada. Pero okay na rin iyon. Nakakakilig pa rin naman.
Nagmamadali naman na tinanggal niya ang earphone sa kaniyang tainga at naglakad papunta sa opisina ng kaniyang sir. Kumatok muna siya ng tatlong beses sa bubog na pinto bago itinulak iyon at pumasok. “Goodmorning sir.” Nakangiting bati niya rito.
“About the preparation of Mueble Empresa’s Anniversary. How was it?” seryosong tanong nito na hindi man lang nag-abalang tapunan ng tingin ang dalaga. Nakatuon pa rin ang paningin nito sa makapal na papel na nasa harapan nito at abala sa pagpirma.
“Okay na po sir! Gaya po ng gusto ninyo... ang venue po ng party ay dito lamang po sa loob ng building. Pinaayos ko na rin po kagabi ang Function Hall. Pinadala ko na po lahat ng kakailanganin doon para sa pag-aayos ng designs. If you want po, puwede ninyong silipin ang Function Hall para po makita kung magugustohan n’yo ang lugar. Para din po makahanap agad kami ng ibang space before po mag start mamaya sa pag-aayos.” Pagpapaliwanag niya sa binata.
“Cohen!” ang boses ni Eliza ang umagaw sa pag-uusap nilang dalawa mayamaya.
Pumasok ang dalaga na may bitbit na tasa ng kape. ’Tsaka lamang niya naalala na hindi niya pa pala nadadalhan ng kape ang lalaki. Sayang at naunahan siya ni madam Eliza.
“Nakausap ko si Enara kanina...” anito na siyang nagpaangat sa mukha ni Cohen.
“What? Sinabi niya ba kung nasaan siya? Did she tell you kung okay lang ba siya? Tell me.” anang Cohen na biglang nagbago ang hitsura nito. Kung kanina ay blanko at walang ekspresiyong makikita sa mukha nito; pero dahil sa binanggit ni Eliza na pangalan ng isang babae, biglang nabalot ng pag-aalala ang mukha ng binata. “Did she tell you anything, Eliza?”
“A, nasa condo mo na raw siya kanina lang. Hindi kayo nagpang-abot.” Tugon naman nito.
Tila nahahapo naman na napasandal si Cohen sa swivel chair nito nang marinig ang sinabi ni Eliza. Sunod-sunod pa itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Samantalang tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng mesa nito si Hada. Nag-iisip kung sino ang Enara na pinag-uusapan nang dalawa.
“Thank you! Mabuti naman at doon siya nagpunta. Kagabi pa ako nag-aalala sa kaniya.” Anang Cohen.
“Huwag ka ng mag-alala sa kaniya. Kausapin mo nalang mamaya kapag nakauwi ka na.” Suhestyon pa nito. “By the way, hinintay kita kagabi sa office ko. Akala ko kasi dadaanan mo ako kagaya ng sabi mo e.” Saad pa nito na tila nagtatampo sa binata.
“For what? Maaga akong umuwi kagabi.”
“Hindi ba usapan natin na kakain tayo sa labas? I was waiting for you in my office for almost three hours. Pero naghintay lang pala ako sa wala.”
“Did we? Oh, sorry! Nakalimutan ko.” Hinging paumanhin ni Cohen kay Eliza pagkuwa’y.
Hindi naman napigilan ni Hada ang mapatawa ng impit nang marinig niya ang usapan ng dalawa. Tagumpay pala ang pagdadasal niya kahapon na huwag matuloy ang dinner date ng dalawa. At masuwerte siya, dahil siya ang nakasama ni Cohen kagabi kahit saglit lang. Inihatid pa siya nito pauwi.
“What?” mataray na tanong ni Eliza nang balingan nito ng tingin si Hada. Nakataas na naman ang kilay nito at nakapamaywang pa.
“W-wala po madam!”
“Parang pinagtatawanan mo ata ako?”
“Eliza, just stop it.” Saway ni Cohen sa babae. “Sorry again. Nakalimutan ko lang! Ang dami ko kasing iniisip last night kaya nawala na rin sa utak ko.” Muling saad nito.
“It’s okay, Cohen. May be next time again!”
“Huwag ka ng umasa!” bulong ni Hada sa sarili na siyang ikinalingon muli sa kaniya ni Eliza.
“Are you saying something?”
“Ang ibig ko pong sabihin, aalis na po ako at mukhang nakakaisturbo na po ako sa usapan ninyo ni sir,” aniya at pilit pang ngumiti sa maarteng babae.
“Much better! Bumalik ka na sa trabaho mo. Go.”
Napapairap na lamang siya na tumalikod sa dalawa at nilisan ang opisina ng binata. Pero hindi pa rin maalis sa kaniyang isipan ang tungkol sa Enara na napag-usapan ng mga ito. Sino si Enara? Tanong ng isipan niya.
“Oy! Iniisip mo?” untag na tanong sa kaniya ni Adrian mayamaya nang makabalik na siya sa kaniyang lamesa.
“May kilala ka bang Enara? I mean, kakilala ni sir Cohen?”
“Enara?” anito at nag-isip pa. “Wala e! Bakit?”
“Narinig ko lang na pinag-usapan nila ni madam Eliza sa loob. Mukhang nag-aalala pa si sir Cohen. Iyon siguro ang dahilan kung bakit seryoso siya kanina nang pumasok.” Saad niya bago muling bumalik sa kaniyang puwesto.
“Hindi ko alam! Ngayon ko lang naman narinig ang pangalan na ’yan.” turan pa nito at muling nag-isip. Pinipilit kung may nabanggit na noon si Cohen tungkol sa pangalan na iyon. “Bakit? Selos ka?” mayamaya ay nakangiting tanong nito sa kaniya.
Mabilis naman na napa-angat ang kaniyang mukha at tinapunan ng tingin ang kaibigan. “Selos? Ako nagseselos? E, hindi ko nga kilala ang Enara na ’yon ba’t ako magseselos?”
“Aba malay ko sa ’yo amiga! Iyon kasi ang nababasa ko sa hitsura mo.”
“So, si madam Auring ka na rin pala ngayon? Gano’n ba ’yon?”
“Just admit it. Ang dami mo pang pasakalye girl. Hay nako! Ewan ko nga sa ’yo.” Anang Adrian at walang paalam na lumayo sa kaniyang puwesto.
Napapairap na lamang siya na sinundan ito ng tingin. Is she jealous? Nagseselos nga ba siya? Sa anong dahilan? E, hindi niya naman kilala ang Enara na ’yon.