ALIGAGA at hindi matahimik sa iisang puwesto lamang si Hada. Paroo’t parito ang lakad niya sa malawak na Function Hall kung saan gaganapin ang anibersaryo ng Mueble Empresa sa darating na linggo. Dahil siya ang naatasan na gumawa sa bagay na iyon, hindi mag kanda-ugaga ang dalaga; utos dito, utos doon. Tingin dito, tingin doon. Iyan ang kaniyang trabaho sa loob ng halos anim na oras sa loob nang malawak na kuwartong iyon. Mag a-alas tres na rin ng hapon, pero hindi pa rin siya nakakapagtanghalian. Nakalimutan na niyang kumain sa dami ng kaniyang ginagawa. Hindi niya maiwan-iwan ang kaniyang trabaho dahil alam niyang oras na umalis siya roon ay hahanapin na naman siya ni madam Eliza. “Hada, pahinga ka na muna kaya,” anang isang lalaki na kasama at katulong niya roon. Isang ngiti naman ang