KINABUKASAN, nang magising si Karizza ay literal na hindi maganda ang kaniyang gising. Napakapormal ng kaniyang awra nang bumaba siya upang mag-almusal. Hindi mabanat ng ngiti ang kaniyang labi. Nakaligo na rin siya at fresh tingnan. Ngunit iyong awra niya, para bang walang panahon para sa pakikipagbiruan. Sanay na rin naman siyang mag-almusal ng mag-isa. Tingin niya, iyon ang isa sa dapat niyang kasanayan. “Good morning, Madam,” bati pa sa kaniya ng mga kawaksi. Simpleng tango lang ang ginawa niya. Kapag kuwan ay naupo siya sa silya na palagi niyang inuupuan tuwing kakain siya ng almusal. Napatingin si Karizza sa inilapag na tasa na mayroong umuusok na mainit na kape sa may kabisera ng mahabang hapagkainan na iyon. May pagtataka na nag-angat siya ng tingin sa kawaksi na nagdala niyon