UBOD NG INGAT nang unti-unting buksan ni Karizza ang pinto sa kanilang silid ni Zi. Napalunok pa siya nang makita nga niya ang kaniyang asawa na nakahiga sa kanilang kama. Doon nga ito natulog. Siguro dala ng jet lag kaya naman antok pa rin ito. Naglakad si Karizza papalapit sa kama at buong ingat din nang mahiga siya sa may gilid ni Zi. Malaya pa niya itong pinagmasdan. Napakaguwapo nito. Ikinuyom niya ang isang kamay na nangangating haplusin ang makinis nitong pisngi. Tipong pagod ito, pero nakuha pa siyang sabayan sa pag-aalmusal. Zi… how can I hate you? Minsan, hindi kita maintindihan. Pero heto ka, patuloy na nagpapakita ng dahilan para hindi ka tuluyang kamunghian… Isang titig pa sa kaniyang asawa bago ito hinayaang makapagpahinga pa at makapagbawi ng lakas. Deserve rin naman