ISANG buong araw na naka-bonding ni Karizza ang kaniyang ama’t ina na talagang na-miss niyang makasama. Dalawang buong araw ring pahinga si Karizza sa mga dapat niyang matutunan na tamang etiquette ng isang eleganteng babae. “Papa, bakit ayaw mo pong magkuwento ng tungkol kay Zi?” mahina pang bulong ni Karizza sa kaniyang ama kinagabihan. Magkatabi sila nitong umiinom ng mainit na kape sa may tabi ng swimming pool. “Anak, hindi na ako puwedeng magsalita pa ngayon ng tungkol sa asawa mo. Hayaan mo at makikilala mo rin siya ng husto. Mas okay na ‘yong ikaw ang mas makakilala sa kaniya.” Napabuntong-hininga siya. Nang magbaling siya ng tingin sa swimming pool ay hindi niya maiwasang hindi isipin si Zi. Ano kaya ang ginagawa nito? Naiisip kaya siya nito? Bigla na namang rumihistro sa kan