BACK to reality ang buhay ni Karizza. Ang asawa niya, balik na rin ulit sa trabaho. Pero hindi katulad noon, maaga ito kung umuwi. Dahilan pa nito, ayaw nito na matagal siyang hindi nakikita. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa mga simpleng banat ng kaniyang asawa? Naiisip tuloy ni Karizza, kapag kaya nag-I love you na siya kay Zi, tugunin din kaya nito ng I love you too? Pero paano kung hindi niya makuha ang tugon na gusto niya? Paano kung nariyan lang ito dahil siya ang tagapagdala ng magiging anak nito? Malungkot na napangiti si Karizza. Nang maalala na may itinanim nga pala siyang mga mamahaling rosas sa may hardin ay bigla na lamang siyang tumayo mula sa matagal na pagkakaupo sa may gilid ng kaniyang kama habang may binabasang libro. Kailangan niyang diligan iyon. Dahil siya ang