HINDI inaasahan ni Karizza ang upgraded version ni Zi sa magiging barbeque setup ni Karizza para sa araw na iyon. Paano ba naman kasi, sa mismong luxury yacht nila iyon gagawin! Buong akala niya ay sa tabing dagat sila mag-iihaw. Pero mukhang balak pa ni Zi na sa gitna sila ng karagatan mag-ba-barbeque. “Dito talaga?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Karizza nang makasakay din siya sa yate. “Mas maganda rito. Isa pa, ito ‘yong sinasabi ko sa iyo kahapon.” Bahagyang umawang ang labi ni Karizza. “Talaga? Ano’ng gagawin natin?” “Mamamasyal.” Na-excite siya sa kaalaman na iyon. “Okay. Puwede bang libutin ko muna itong loob ng yate mo?” na-e-excite niyang tanong dahil iyon ang unang pagkakataon na nakakita siya ng yate sa personal. “Okay. Enjoy yourself. Nasa may upper deck lang ako