SA SOBRANG tagal ng kanilang biyahe, mukhang nakarating na rin sa paroroonan nila sina Karizza at Zi nang tuluyang mag-landing ang jet na sinasakyan nila. Bago bumaba sa luxury private jet ay pinagsuot pa siya ni Zi ng isang makapal na coat. Mukhang malamig na lugar ang kanilang pinuntahan dahil sa makapal na coat na ipinasuot nito sa kaniya. Medyo hilo pa siya dahil sa napakahabang biyahe kaya hindi niya makuhang magtanong kay Zi kung nasaang lupalop na ba sila ng mundo? Pagbaba nila sa jet ay may nakaabang na agad na mamahaling itim na sasakyan sa pinakaibaba niyon. Sinalubong din ng napakalamig na panahon si Karizza. Halos manuot pa sa suot niyang makapal na coat ang naturang lamig. Agad niyang nayakap ang sarili habang inaalalayan siya ni Zi sa pagbaba sa may hagdan ng jet. Marami