HALOS isang linggo ring pinahirapan si Karizza ng nangyari sa kaniya sa kamay ng kaniyang kidnapper. Paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang panaginip ang sinapit niya sa kamay ng lalaking nagngangalang Red. Sa tuwina ay mas malalang scenario pa ang nangyayari sa kaniyang panaginip dahilan upang magising siya tuwing hating-gabi. At sa tuwina rin ay nagigising si Zi upang kalmahin siya. Kaya nagpapasalamat siya sa presensiya ng kaniyang asawa. Maaga rin ito kung umuwi galing sa trabaho. Hindi na ito inaabot pa ng gabi. At sa tuwing pag-uwi nito, hindi ito umaalis sa tabi niya. Napakamaasikaso ni Zi sa kaniya. Siguro ay talagang bumabawi ito sa kaniya. Matapos nilang maghapunan ay sinamahan pa siya ni Zi sa may terrace sa pangalawang palapag ng kanilang bahay upang magpahangin. “Gusto mo ba