KINAHAPUNAN, nang magising si Karizza mula sa pagkakaidlip sa may beach lounge, katabi ang kaniyang asawa na si Zi, na anito ay nakatulog din daw, pinuntahan na nila ang bahay na nasa may dulo ng boardwalk. “Ang ganda rito,” nasisiyahang bulalas ni Karizza na niyuko pa ang tubig sa dagat. High tide ng mga sandaling iyon at ang tubig na crystal clear sa linaw ay para bang nag-aanyaya na talunan niya. Nakakaakit sa ganda. “Ang sarap tumalon.” “Hey, mia moglie, medyo malalim ang tubig dito kapag high tide. You should be careful. Hmm? Unless you’re a good swimmer. Are you?” Mula sa pagkakatingin sa tubig ay pumihit siya paharap sa kaniyang asawa. Kapag kuwan ay umiling. “Hindi ako marunong lumangoy. Siguro naman, kapag nalunod ako, sasagipin mo ako,” nangingiti naman niyang wika. Hinila na