HINDI maiwasan ni Karizza ang makaramdam ng lungkot. Hindi niya alam pero inaatake siya ng lungkot. Tipong wala siyang ginawa kung ‘di ang umiyak lang nang umiyak sa loob ng silid nila ni Zi habang wala ang kaniyang asawa at nasa trabaho. Ang lungkot-lungkot ng kaniyang pakiramdam. Para mawala iyon ay pinili niyang ayusin ang sarili at pumunta sa lugar na alam niyang malilibang siya. Ang Castellano Foundation. Hindi na lamang niya pinansin ang marami niyang bantay na nakamata sa bawat galaw niya. “May nagpapabigay po sa inyo.” Napatingin si Karizza sa isang bulaklak na gawa sa papel na ibinibigay sa kaniya ng isang bata. Nakangiti na tinaggap niya iyon. “Thank you. Kanino galing?” Nagkibit ng balikat ang batang babae. “Hindi ko po kilala, Madam. Basta po ang sabi, ibigay ko raw po sa