Chapter 29

2058 Words

KABADO si Karizza sa plano niyang gawin. Ngunit gusto niyang malaman ang totoo sa katauhan ng kaniyang asawa na si Zi. Ayaw niyang tumunganga lang maghapon sa mansiyon o ‘di kaya naman ay ang mag-iiyak sa silid nila ni Zi. Kung kay Zi siya magtatanong siguradong wala siyang makukuhang sagot mula rito. Mga simpleng tanong na nga lamang ay hindi pa nito magawang sagutin. Iyon pa kaya na sobrang personal? Baka maghinanakit lamang siya kapag hindi siya nito pinansin o ‘di kaya naman ay makuha pa nitong magalit sa kaniya dahil sa pagiging mausisa niya. Naalala na naman niya iyong ibinigay niyang slam book kay Zi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito iyon nagagawang ibalik sa kaniya. At maging ang bagay na iyon ay ikinatatampo na niya sa kaniyang asawa. Makaraan ang tatlong araw ay muling bum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD