IPINAGTAKA ni Karizza na lalong dumami ang bodyguards sa buong mansiyon. Sa entrada ay may dalawang bodyguard na nakatayo sa may labas niyon. Ganoon din sa bawat lagusan papasok at palabas ng malaking bahay na iyon. Kahit nga sa labas ng silid nila ni Zi ay mayroon din. At kahit saan siya pumunta ay may dalawang malalaking lalaki na nakasunod sa kaniya. Nakasunod lang ang mga iyon at hindi naman siya pinakikialaman. “Nana Regina, bakit ang daming bodyguards ngayon? At saka po, noon naman ay walang nag-stay na bodyguard sa labas ng silid namin ni Zi. At wala ring sumusunod sa akin. Pero ngayon, kabaligtaran ‘yon. May nangyari po ba?” Bumuntong-hininga si Nana Regina. “Nagdodoble ingat lang ngayon si Boss Zi kaya naka-high alert ang lahat ng bodyguard ninyo sa loob at labas nitong mansiyo