MAGING sa pagbalik sa ICU, kung saan naroon si Zi ay halos takbuhin ni Karizza. Gising na ang kaniyang asawa na lubos niyang ipinagpapasalamat. Halos habol pa ni Karizza ang kaniyang paghinga nang makarating sa tapat ng ICU. Agad na nagsuot ng visitor gown si Karizza. May isinuot din siya sa kaniyang ulo na head cover na disposable rin at gloves. Ang huling isinuot ni Karizza ay ang disposable facemask. Kapag kuwan ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng bodyguard na naroon. “I want to see my wife. Let me go!” Sandali pang natigilan si Karizza nang makita si Zi na gustong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ngunit hindi ito hayaan ng doctor, nurse at ni Massimo. “Boss, narito na si Madam,” narinig pa ni Karizza na wika ni Ravano buhat sa likuran niya. Agad na nagpatuloy si Karizza sa