Chapter 44

2555 Words

NANG MAKARATING si Karizza sa mansiyon ay kulang na lamang ay takbuhin niya ang papasok sa entrada niyon nang pagbuksan siya ng pinto sa gilid niya sa may kotseng dr-in-ive pa ni Ravano. Sabik na siyang makita si Khai. Agad naman siyang sinamahan ng kawaksi papunta sa may lanai kung saan naroon ang kaniyang ama’t ina at si Khai na nilalaro ng mga ito. Ang kaniyang ama ang unang nakapansin sa kaniyang pagdating. “Sol, ang anak natin,” ani Papa Abel sa kaniyang ina na agad napalingon sa tinitingnan ng kaniyang ama. “‘Ma, ‘Pa,” tuwang-tuwang niyang bulalas dahil iyon pa lang ulit ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga ito matapos ang dalawa’t kalahating taon. Mahigpit pa niyang niyakap ang kaniyang ama na unang sumalubong sa kaniya. “Mommy!” halos palirit pang wika ni Khai nang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD