UNTI-UNTING iminulat ni Karizza ang kaniyang mga mata. Ngunit pawang kadiliman ang kaniyang nakikita. Animo hinigop din ang kaniyang lakas kaya naman hinang-hina ang kaniyang pakiramdam. Nasaan siya? Bahagya niyang inilibot ang kaniyang tingin. Sa bandang dulo ay mayroon siyang liwanag na naaaninag na mukhang nanggagaling sa labas. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya magawa. Saka lang niya naramdaman na nakatali ang kaniyang mga kamay sa kaniyang kinauupuang silya. Ganoon din ang kaniyang mga paa. Pati bibig niya ay mayroong busal kaya hindi siya makasigaw ng husto kahit na ano’ng pilit niya. Humihingi siya ng saklolo. Ngunit tila ba walang nakakarinig sa kaniyang daing. Zi… Paano na siya ngayon? Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga taong dumukot sa kaniya. Nasisiguro