Chapter 04

1018 Words
TAPOS NA ang kasal nina Karizza at Zi. Halos wala ring imik ang kaniyang asawa nang makarating sila sa malapalasyong bahay nito sa loob ng Ayala Alabang Village. Hindi na sila lumabas pa ng village para puntahan ang isang suite sa isang luxury hotel na nakalaan para sa kanila. Dahilan sa kaniya ni Zi ay pagod na ito para bumyahe pa ng malayo. Totoo nga ang sinabi ng kaniyang ama sa kaniya. Dahil malapalasyo nga ang bahay ng kaniyang napangasawa. Napakakintab ng sahig. Para bang nakakahiyang tapakan at baka madumihan. Tahimik lang na sumunod si Karizza kay Zi habang ang mga mata ay pasimpleng hinahangaan ang buong paligid niya. Daig pa niya ang nasa isang palasyo sa sobrang rangya ng lugar na iyon. As if a king really owned that place. Nang makapasok sila sa isang napakalaking silid, agad na naagaw ang pansin ni Karizza ng kaniyang maleta na naglalaman ng kaniyang mga personal na gamit. Agad niya iyong nilapitan. At walang salita na kumuha roon ng pamalit. Kapag kuwan ay hindi na nag-abala pang magtanong kay Zi, na nawala na rin sa kaniyang paningin, na hinanap niya kung nasaan ang banyo sa malawak na silid na iyon. Halos manghula pa siya ng pinto na papasukan. Nang pihitin niya pabukas ang isang pinto ay agad din niya iyong naisara nang makita niya si Zi na naghuhubad ng pang-itaas nitong suot. Napalunok pa siya. Mukhang ang kinaroroonan ng damitan nito ang nabuksan niya. Normal sa mayayaman ang magkaroon ng walk-in closet sa kanilang mga silid. “Ang sosyal,” anas pa niya dahil kay elegante rin ng kinaroroonan ng damitan nito. Ngunit hindi niya makita ang banyo sa silid na iyon. Wala ba roong banyo? Minabuti niyang kumatok sa pinto kung saan naroon si Zi. Nang bumukas ang pinto ay halos mapigil pa ni Karizza ang paghinga nang tumambad sa kaniyang paningin ang hubad na upper body ni Zi. Literal na tutulo ang laway mo kapag nakita mo ang perpekto nitong katawan na animo inukit ng isang napakasikat na eskultor. Lihim na napalunok si Karizza at sinikap na baliwalain ang nakakapaglaway na katawan nitong iyon. Unti-unting umangat ang tingin niya sa guwapo nitong mukha. Iyong tipo ng kaguwapuhan na para bang kahit lamok ay hindi kayang patayin. “What?” “N-nasaan ang banyo?” tanong niya na agad nagbawi ng tingin. Halos manlaki ang mga mata ni Karizza nang hawakan ni Zi ang kaniyang kamay at hilahin siya nito papasok sa silid na iyon. Magrereklamo sana siya ngunit dinala siya nito sa pakay niyang lugar. “Here,” tipid nitong wika. Iyon lang at tinalikuran na siya nito. Nahabol pa ito ng tingin ni Karizza. Hanggang sa lumiko ito sa isang pasilyo papunta sa mismong damitan nito. Napalunok na naman siya. Kapag kuwan ay minabuti ng pumasok sa loob ng banyo at isara ang pinto niyon. Ni-lock pa niya iyon. Ang dibdib niya ay kay bilis na naman ng kabog na para bang tatalon na anumang sandali ang kaniyang puso. How come na sobrang cool lang ng datingan ni Zi? Hindi ba talaga siya nito natatandaan? Kung ganoon man, mas pabor iyon sa kaniya. Wala kasing kabakas-bakas sa guwapo nitong mukha na natatandaan siya nito. Huminga pa nang malalim si Karizza bago isinagawa ang balak na pagbababad sa bathtub na nilagyan niya ng warm water. Iyong tama lang ang init. Animo inaalis ng maligamgam na tubig na iyon ang pagod sa kaniyang katawan. Muntik pa nga siyang makatulog. At bago pa siya tuluyang antukin ay inatupag na niya ang pagligo. Balot na balot naman si Karizza sa suot niyang pantulog. Siguro naman ay hindi siya pag-iinteresan na sipingan ng kaniyang asawa. Ang isiping iyon ay nagdulot na naman ng kakaibang kilabot na agad gumapang sa buo niyang katawan. Marahan pa nang pihitin ni Karizza ang pagbukas sa pinto ng banyo. Walang tao sa labas. O kahit sa walk-in closet ni Zi ay wala ring tao. Mukhang lumabas na ito roon. Nag-sign of the cross pa si Karizza bago lumabas sa silid na iyon. Nagtaka pa siya dahil wala ring bakas ni Zi sa malaking silid nito nang makarating siya roon. Hindi ba ito roon matutulog? “Mas pabor sa akin ‘yon,” aniya na napangiti pa. Kapag kuwan ay ngiting-ngiti pang nag-blower siya ng kaniyang basang buhok. Natapos na lamang siyang mag-blower ay wala pa ring Zi ang nagpapakita sa kaniya. Ang gaan tuloy sa pakiramdam. Humiga na siya sa malaking kama. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napabangon siya nang makita si Zi na kapapasok lang sa silid na iyon. Lihim na napalunok si Karizza. Parang ang hirap huminga nang makita na naman ang napaka-perpekto nitong hitsura. Nakasuot lang ng roba na yari sa mamahaling silk si Zi. As if he’s really a king. Well, he is fit to be a king. Hindi naman niya itatanggi ang bagay na iyon. “D-dito ka ba matutulog?” tanong pa niya rito. Huminto si Zi sa may bandang paanan ng kama. Hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Pati mga titig nito, literal na para bang tutunawin ka. “What do you think?” anang boses nito na talagang masarap sa pandinig. Napakasuwabe. Nagbawi siya ng tingin. “O-okay.” Akmang bababa sa kama si Karizza nang magsalitang muli si Zi kaya muli rin nitong naagaw ang kaniyang tingin. “Saan ka pupunta?” “Baka hindi ka sanay na may katabi sa pagtulog. Ako na ang mag-a-adjust.” “Stay there.” Sandali pang nagtama ang kanilang mga tingin. Tingin na siya rin ang naunang nagbawi dahil hindi niya kinakaya talaga. “How are you?” Gustong kumunot ng noo ni Karizza sa tanong na iyon ni Zi. Bakit naman kailangan pa siya nitong kumustahin? May pagtataka tuloy nang tingnan niya ito. “Ha?” Hinimas pa ni Zi ang magkabila nitong pisngi. “Know what? Kapag nakikita kita, para bang ramdam na ramdam ko ‘yong ginawa mong pagsampal sa akin,” wika ni Zi na nagpamaang sa mga labi ni Karizza. All this time, he really knows her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD