HINDI maikakaila ang pagkagulat sa magandang mukha ni Karizza dahil sa sinabing iyon ni Zi.
Nahawakan niya nang mahigpit ang comforter na akmang aalisin niya kanina buhat sa pagkakapatong niyon sa kaniyang katawan.
Kung ganoon, hindi lang ito nagpapahalata, pero kilalang-kilala siya nito.
Naging kampante siya na hindi siya nito natatandaan. Bakit napakagaling nitong artista? Dalang-dala siya sa pag-acting nito.
Napalunok si Karizza nang makabawi. Halos hindi na niya magawa pang salubungin ang tingin ni Zi sa kaniya. Hiyang-hiya ang kaniyang pakiramdam.
“Remember that day? Napagkamalan mo lang naman akong namboboso sa iyo,” paalala pa nito sa kaniya. “Tss.”
Paano ba naman niyang makakalimutan ang bagay na iyon kung siya mismo sa sarili niya ay napahiya dahil sa pagkakamaling nagawa? Hindi naman talaga isang mamboboso ang lalaking nasampal niya ng dalawang beses.
Magmamatigas pa ba siya sa harapan ng lalaking ito? Syempre hindi.
Very apologetic nang magbaba siya ng tingin.
“Patawad. Aminado ako na… na nagkamali ako ng araw na ‘yon. H-hindi dapat ikaw ang… ang napagbuhatan ko ng kamay. Kasalanan ko,” nakagat niya ang ibabang-labi pagkasabi niyon.
Hindi naman mainit sa silid na iyon ngunit para bang pinagpapawisan pa siya nang malamig.
Ang galing mong artista, Kenzie, nadala ako sa palabas mo na hindi mo ako natatandaan. Tatapusin mo lang pala ang kasal bago ka magsalita tungkol sa nangyari sa atin, two weeks ago…
Pangyayari na buong akala niya ay maibabaon niya sa limot. Pero paano? Kung ito mismo ang nag-ungkat ng bagay na iyon?
“I’m sorry,” ulit pa niya.
“Sorry?” tumawa nang pagak si Zi. “I’m sorry too,” ganting wika nito sa kaniyang sinabi. “Hindi kasi ako tumatanggap ng sorry. Lalo na kung may kasalanan ka.”
Ganoon ba ito kabato?
“Kahit ba ang asawa mo na ngayon, hindi mo pa rin magagawang patawarin? Ganiyan ka ba kawalang puso? Hindi ko naman sinasadya na mangyari ‘yon. Nagkamali lang ako at aminado naman ako roon. Ang totoo niyan, gusto kong humingi ng sorry sa iyo noon, pero hindi na kita makita.”
“Hindi ako mabilis magpatawad, Karizza.”
Karizza…
Bakit kay ganda sa kaniyang pandinig ang kaniyang pangalan na binanggit nito?
“You’ll pay for it. Hindi naman ako makakapayag na hindi man lang makakaganti sa ginawa mo. At maniningil ako sa ginawa mong ‘yon.”
Bahagyang umawang ang kaniyang labi. “At ano naman ang ibabayad ko sa iyo? Halos katatapos ko lang sa kolehiyo at ni hindi ko man lang naranasan na magtrabaho. Kaya wala kang masisingil sa akin na pera. Wala akong ipon.”
“Pera?” he smirks. “Aanhin ko naman ang pera mo? Baka ako pa ang magbigay sa iyo kahit hindi mo kailangan.”
At talagang nakuha pa nitong ipamukha sa kaniya na mayaman ito. Ibang klase rin.
Huminga si Karizza nang malalim.
“Okay. Ano’ng kabayaran ang gusto mo? Pagsilbihan ka? Sige, gagawin ko. Gigising ako nang maaga para pagsilbihan ka.”
“Wife’s duty. Napaka-common.”
Wife’s duty…
Wife…
Ibig ba niyong sabihin ay asawa talaga ang tingin nito sa kaniya?
Bigla, naalala niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama noon na gusto siyang pakasalan ng amo nito bilang kabayaran sa malaking halaga na kinailangan nila para madugtungan ang buhay ng kaniyang ina.
Pero bakit ginusto nito na makasal sa kaniya?
Hindi niya inalis kay Zi ang kaniyang tingin nang muli niya itong tingnan.
“G-gusto ko lang itanong. Para kasing imposible na nauubusan ka ng babae sa mundo. Pero bakit… bakit sa akin mo ginustong magpakasal?”
Mukhang hindi na nasurpresa pa si Zi sa kaniyang tanong.
“Kung ayaw kong sagutin, may magagawa ka ba?”
Ibang klase rin talaga ito.
“Okay. Huwag mong sagutin. Siguro, kapag nagsawa ka na sa mukha ko, ipapawalang bisa mo rin ang kasal natin.”
“You think so?”
Pero bakit mukhang wala itong balak na mangyari ang kaniyang sinabi? Wala nga ba talaga? O baka naman dinadaya lamang siya ng kaniyang paningin?
Humalukipkip pa si Zi habang ang tingin ay nasa kaniya pa rin.
Gusto na niyang makawala muna sa paningin nito. Kaya naman minabuti niyang ituloy na ang pagbaba sa malaki at malambot nitong kama.
“H-hindi ako matutulog dito. Siguro, hahanap na lang ako ng ibang silid. Good night,” umakma siyang hahayunin ang pinto nang humarang naman sa kaniyang dinaraanan si Zi.
Napapalunok na napatingala siya rito.
“Where do you think you’re going?”
“Alam kong pagod ka sa maghapon. At ganoon din ako. Kaya maghahanap na ako ng puwede kong tulugan sa bahay na ito.”
“Hindi ka ba na-orient ng Papa Abel mo na kailangan mong sumunod sa lahat ng gusto ko?” Niyuko pa ni Zi si Karizza, na halos mapigil ang paghinga, upang magpantay ang kanilang mga mukha. “You’ll obey your husband, Karizza. Like it or not.”
Husband… animo batingaw iyon sa kaniyang pandinig.
Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang bagay na iyon. Na ang lalaking kaharap niya ay asawa na niya ngayon.
“Now,” ani Zi na tumayo na ulit nang tuwid. “Maninigil ako sa kasalanang ginawa mo. Bago tayo magkalimutan.”
“S-sandali,” reklamo niya nang humapit sa kaniyang baywang ang mga kamay nito. Naiharang niya ang kaniyang mga kamay sa may dibdib ni Zi nang muntik na siyang mapasubsob doon. “A-ano bang paniningil ang sinasabi mo? Kung… kung ayaw mo naman ng pera, ano’ng gusto mo?”
“You really want to know, huh? Then I’ll tell you, mia moglie. Gusto ko ng anak. Anak na lalaki kung maari.”
“A-anak?”
“Hmm. Ang magiging tagapagmana ng lahat-lahat ng ari-arian na mayroon ako. At ikaw, Karizza,” ani Zi na bumaba pa ang mukha palapit sa kaniyang tainga. Nagdulot ng kakaibang kiliti ang mainit nitong hininga na tumatama sa kaniyang balat. “Ikaw ang pagpupunlaan ko ng magiging anak ko.”
Literal na pagkagulat ang bumalatay sa buong mukha ni Karizza. Bigla, para bang nanlambot maging ang mga tuhod niya sa sinabing iyon ni Zi. Mukhang hindi ito nagbibiro.