“ANO’NG TINITINGNAN mo?” taka pang tanong ni Zi kay Karizza na bahagyang inililibot ang tingin sa paligid nila. “Bakit parang wala akong nakikitang mga bodyguard? Nasaan sila?” taka ring tanong ni Karizza sa kaniyang asawa. Mga babaeng kasambahay lang ang nakikita ni Karizza. Iyong iba ay nasa kinaroroonan ng kanilang pagkain. Nagbabantay. Kasalukuyan kasi silang naliligo sa dagat ni Zi. Dumapa pa siya sa buhangin habang ang kaniyang katawan ay nakalubog sa tubig. “Nasa kabilang side sila ng isla,” sagot ni Zi sa tanong ni Karizza. “Lahat sila?” Tumango si Zi. “Oo.” “Bakit naroon sila? Ano’ng ginagawa nila roon?” “Nagsu-swimming.” “Bakit hindi pa rito? Ang lawak-lawak dito.” “Kapag ganitong naliligo ka rito, hindi mo sila makikitang pakalat-kalat dito.” Pero bakit? Bigla ay nai