UMIIHIP NA NAMAN ang malamig na hangin. Unti-unti na ring nanlalagas ang mga dahon sa puno. Winter season na naman. At iyon ang panahon na ayaw na ayaw niya. Hindi dahil sa malamig na panahon. Ngunit dahil nagpapaalala lang iyon ng sakit na dinanas niya noon. Sugat ng kahapon. At hanggang ng mga sandaling iyon, hindi pa rin pala talaga madaling humilom ang sugat. Sugat na hindi naman nakikita, ngunit wagas niyang nararamdaman. Huminga muna nang malalim si Karizza bago ipinasyang isarang muli ang bintana sa kaniyang silid na gamit. Nilapitan niya ang crib ng kaniyang anak na si Khai. Tulog pa rin ang isang taon at kalahati niyang anak. Malaking bulas ito kaya akala mo ay hindi iisang taon ang edad. Ngunit tuwing pinagmamasdan niya si Khai, naaalala lamang niya ang ama nitong literal na