KASABAY ng mabigat na bawat paghakbang ni Karizza habang marahang umaakyat sa bawat baitang ng grand staircase ay ang lalo ring pagbigat ng kaniyang pakiramdam. Sa halip na dumiretso sa silid nila noon ni Zi, hindi na nag-expect pa si Karizza na doon pa rin siya dapat magpahinga. Baka mamaya ay sugurin pa siya ng babaeng mukhang ibinahay na rin doon ni Zi. Kaya naman ang unang guest room na naraanan niya ang kaniyang binuksan ang pinto. “Madam,” pigil sana sa kaniya ng kawaksi na nakasunod sa kaniya. “Dito na lang kami ni Khai magpapahinga,” baling niya roon. “And I insist,” agad niyang dugtong nang akmang magsasalita pa ito. “Eh, Madam, ang bilin po sa amin, kapag dumating kayo ay sa nursery room daw po dalhin si Sir Khai. Baka po malintikan kami kapag sinuway namin ang utos ni Boss Z