“ZI!” palirit ni Karizza nang maramdaman ang animo pag-alon ng kanilang kinahihigaan. “May kwarto naman dito, doon na lang tayo!” Ang mga kamay ni Karizza ay hindi niya inalis sa pagkakakunyapit sa batok ng kaniyang asawa. Nininerbiyos siya at baka bumulusok sila sa tubig. “Relax, will you?” Isinagad pang lalo ni Zi ang kahabaan nito sa kaniyang loob. Nahahati ang nararamdaman ni Karizza ng mga sandaling iyon. Takot at sarap. Ngunit hayon at tila nangingibabaw ang takot. Hindi niya magawang mag-focus sa kaligayahang dulot ng pakikipag-isa sa kaniya ng kaniyang asawa. “Zi! Dahan-dahan kasi! Baka mahulog tayo sa tubig.” Natatawa na lamang si Zi sa kaniya. “S-sandali,” pigil pa ni Karizza kay Zi. “Baka biglang may sumunod dito na tauhan mo at makita tayong—” “Sshh. Walang pupunta rito.