OBEY your husband… ginamit na naman ni Zi ang mga salitang iyon para wala lalo siyang kawala rito. Animo lalong may naghabulang mga kabayo sa lakas ng kaba ni Karizza ng mga sandaling iyon. Sana lang ay hindi marinig ni Zi ang kabog sa kaniyang dibdib. Napalunok pa siya. Nagbaba siya ng tingin nang lalong mahantad ang kaniyang katawan sa harapan ng kaniyang asawa. Maging ang kaniyang suot na bra ay tuluyan na ring nahulog sa sahig nang alisin iyon ni Zi. Agad niyang itinakip sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkapahiyang nararamdaman. “Relax,” masuyo pang wika ni Zi nang hawakan nito ang kaniyang baba at bahagyang itaas upang magtama ang kanilang mga tingin. “Sa susunod, magiging normal na lang sa atin ‘yong ganito, Karizza. Wala kang dapat na ikahiya.” Siguro dahil f