PINAGBUTI na lamang ni Karizza ang sarili sa pag-aaral ng mga dapat pa niyang matutuhan. Isa lang sa ayaw niya ay iyong para bang halos hindi niya maipakita ang totoong sarili dahil sa mga kailangan niyang ikilos. Ganoon din sa pagsasalita. At sa mga taong dapat kinakausap. At kapag daw lalabas siya ng mansiyon, hindi maaaring wala siyang kasa-kasamang mga bodyguard na siyang magiging alalay niya. Hindi na rin siya puwedeng dumalaw sa kanilang bahay basta-basta. Sa halip, papapuntahin na lamang daw ang kaniyang ina sa mansiyon kapag gusto niya itong makita at makausap. Pero dahil aabutin ng ilang linggo ang kaniyang pag-aaral para maging isang ganap na eleganteng babae, kaya naman hindi pa niya mapag-uukulan ng pansin ang ibang bagay. Ultimo pati sa pagpili ng kaniyang isusuot ay mayro