SINUBUKAN ni Karizza na kumurap nang dalawang beses, baka kasi aparisyon lang ang Kenzie Castellano na nasa kaniyang harapan ngayon. Ngunit hindi ito nawala sa kaniyang paningin na parang isang bula. Totoong naroon si Zi sa kaniyang harapan. Gusto niyang itanong kung paano nitong nalaman na naroon siya. Pero naalala niya, wala nga palang imposible para sa isang Kenzie Castellano. Kahit siguro sa impiyerno pa siya magtago ay mahahanap at mahahanap din siya nito. Isang linggo pa lang ang nakalilipas ngunit heto, nakita na agad siya ng taong pinagtataguan niya. “Anong ginagawa mo rito?” hindi niya napigilang itanong. “Nagkusa na akong umalis. Bakit kailangan mo pang magpakita? Kailangan mo ba ng pirma ko sa,” lumunok si Karizza. Nananakit na naman ang kaniyang lalamunan at nagbabanta ang