CHAPTER 3

2208 Words
Tahimik lang ako nanonood habang binabanggit ni Dr. Zalanueva ang mga inoorder sa waiter. Naapgpasyahan niyang sa La Creperie Twin Lakes daw kami maglalunch. Gustuhin ko man tanggihan ang kaniyang alok ay pinanungahan na naman ako ng hiya. Pero kanina ay ipinangako niya sa akin na ihahatid daw niya ako pauwi kaya wala ako ipag-aalala. Kung hindi ko man daw maubos ang pagkain ay sabihin ko lang daw sa kaniya at wala din ako poproblemahin. Hindi ko maiwasang iginagala ang aking paningin sa paligid. Mahahalata na French modern resto ang lugar na ito dahil sa pangalan palang mga pagkain dito. Mabuti nalang ay nakajacket ako dahil sa labas kami nakapwesto. Ang sabi kasi ni doc, mas maappreciate ko daw ang view kapag dito daw kami. Dahl ako ang nililibre, sumunod nalang ako. Pero napagtanto ko, sa ilang taon na namain ni Edwin, at kahit na may kakauahan na siyang bilhin kung anuman ang gugustuhin niya ay hindi pa niya ako nadadala sa ganitong lugar. "Ayos ka lang ba?" bigla kong narinig na tanong ksama ko. Tumingin ako sa kaniya saka ngumiwi. "Ano kasi... Ngayon lang ako nakarating sa resto na ito..." dahil madalas ako dinadala ng magulang ko sa Maynila sa tuwing may lakad kami o kaya family date. Tumango siya. "Hindi na ba kayo lumalabas ng mister mo?" may bakas na kuryusidad nang tanungin niya 'yon. Well, at this point, it hits me. Yumuko ako at umukit ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi. Umiling ako bilang sagot. 'Sa tingin ko, ang babae niya ang dinadala niya dito na imbis ay ako.' sa isip ko. "It's a shame, maraming magagandang lugar dito na pupwede mong pasyalan." bigla niyang kumento. Tumingin ako sa kaniya. "When you still have energy to live, seize the day." ngumiti siya. "Marami akong lugar na pupwede mong puntahan. Huwag kang magkulong. Pwede kitang samahan kung saan man gusto mong puntahan." I lean my back against the chair and wave my palm in the air. "Ay naku, mas nakakahiya, doc." mas lalo ako nahihiya nang sambitin ko ang mga bagay na 'yon. I lean himself forward. Nagpangalumbaba siya't diretso siya nakatingin nang diretso sa aking mga maya. "I don't mind, Mrs. Manimtim." Natigilan ako nang bahagya nang sabihin niya ang mga katagang 'yon. Kumurap ako. Bakit parang hindi na si doc ang nasa harap ko ngayon? Parang umiba ang pagkatao niya sa lagay na 'yon? Sa puntong ito, nakakaramdam ako ng hipnotismo. Kung tama ba itong naiisip ko. Bago man ako tuluyang hatakin nito ay mabilis kong iniwas ang aking tingin mula sa kaniya. Wala na akong masabi pa. I heard him chuckled. "Well, seryoso ako. Kaya kitang samahan kung saan man..." "Here's your order, ma'm, sir." biglang nagsalita ang waiter, nasa harap na namin siya't dala na niya ang mga inorder ni doc. Finally! Someone's break the ice! Isa-isa at maingat na inilipat ang mga pagkain sa mesa. Medyo nagtaka ako nang makita ko na maliit na portion ang ibinigay sa akin. Hinintay lang namin makaalis ang waiter at tinapunan ko ng nagtatanong na tingin ang kasama ko. Mukhang natunugan naman niya ang ibig ko ipahiwatig. "I did a personal request to make a small proportion for you. You seems you worried na hinfi mo maubos." he explained with his sweet smile. Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Thank you, doc." sabi ko saka ipinagdikit ko ang mga palad ko at nagbow nang kaunti. Tumango din siya. "Just dig in, eat well." Doon ko na hinawakan ang kurbyertos. Sinimulan ko na kumain. Unang subo ko palang ay hindi ko mapigilang mamangha at umukit talaga sa mukha ko na nasarapan talaga ako sa pagkain na inihain para sa akin. "Ang sarap!" bulalas ko habang nakatakip ang isang palad ko sa aking bibig na namimilog pa ang aking mga mata. Wari'y nagulat pa si doc sa aking inasta. Na akala mo ay ngayon lang ako nakitang ganoon sa tanan ng buhay niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maging madaldal sa harap niya. Ewan ko, sa tuwing nakikipag-usap ako ng ganito ay gumagaan ang pakiramdam ko. Para bang nanunumbalik ang dating ako. 'Yung tipong wala akong iniindang sakit, problema o pighati. Siguro dahil matagal na akong pasyente ni Dr. Zalanueva. Pero kahit ganoon ay ngayon lang nangyari na naging komportable sa harap niya. Parang nawala na parang bula ang mga panahon na sinasabi ko sa kaniya kung anong nga negatibong pakiramdam na nararanasan ko sa tuwing inaatake ako ng sakit ko. Pero ang mas ipinagtaka ko dahil naubos ko ang pagkain na nakahain sa akin. Kahit siya ay nabigla. Sabay kaming napatingin sa isa't isa at sabay kami nagpalitan ngiti. Pagkatapos namin kumain at magbayad ay oras na para ihatid na niya ako sa bahay. Kahit sa loob ng kaniyang sasakyan ay nagawa ulit namin magkwentuhan. So, I learned that he was originally a son of a humble business tycoon. Bunso siya magkakapatid. Dalawa lang daw sila at ang kuya ngayon ang kasama ng kaniyang ama na pagmamanage ng mga business nila. Like me, he lost his mom in his teenage years who's very dear for him so much. He admit he's mama's boy daw. Nagawa ko pa siyang asarin nang nalaman ko 'yon pero imbis na mapikon ay sinakyan pa niya ang biro ko. ** Hanggang sa itinigil na niya ang sasakyan sa mismong harap ng building ng condominium kung saan ako nakatira. Ako na mismo ang nagkalas ng seatbelt. Bago ko man buksan ang pinto na nasa tabi ko ay lumingon ako sa kaniya. "Thank you so much, doc." nakangiti kong sabi. Lumapad ang ngiti niya. "I'm so much happy to hear that." Tagumpay akong nakalabas ng kotse. Yumuko ako. "Ingat ka po sa pagdrive." tuluyan ko nang isinara ang pinto. Humakbang ako ng dalawa paatras. Inusad na niya ang sasakyan. Hinatid ko lang ito ng tingin. Nang tuluyan na siyang nawala sa aking paningin ay doon na ako magpasyang pumasok na. Pero isang palad ang humawak sa aking pulsuhan. Dahil sa gulat ay tiningnan ko kung sino ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Si Edwin! Ang akala ko ba nasa trabaho siya ngayon? Bakas sa mukha niya ang galit, na parang akala mo ay may ginawa ako na karumal-dumal sa paningin niya. Sa tingin niyang 'yon ay akala mo ay handa siyang pumatay! "Edwin..." mahina kong tawag sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Ramdam ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa aking pulsuhan. Hinatak niya ako papasok sa loob ng gusali. Wala akong sinabi. Maski panlalaban ay wala akong ginawa dahil alam kong magiging bigo lang ako. Na may limitasyon na ang aking katawan. Kusa nalang sumunod ang katawan ko sa anumang kagustuhan niya sa ngayon. Nang tumapak na kami sa loob ng unit ay halos pahagis na niya ako ipinasok. Lumapat ako sa pader. Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka. Naguguluhan. "Edwin..." "Sino 'yon, Charlize?" matigas niyang tanong. Pakiramdam ko ay nandidilim na ang kaniyang paningin dahil sa galit. "Sumagot ka!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang dumadagundong niyang sigaw. Bumilis pa ang t***k ng aking puso. "Tinatanong kita, sino ang naghatid sa iyo?!" ulit pa niya. Kinuyom ko ang aking kamao. Lihim ko kinagat ang aking labi. Hindi niya pupwedeng malaman na doktor ang naghatid sa akin dahil paniguradong sunud-sunod na ang pagkukwesyon niya. "Kaibigan ko." lakas-loob kong isinagot. I heard him scoffed. "Really? Ang kailan ka nagkaroon ng sobrang mayamang kaibigan dito?" he asked again. This time, with his sarcastic tone. "Siya ba ang padala sa iyo ng halaman na 'yon? Oo nga pala. Isang mamahaling sasakyan ang ginamit ni doc. Bukod pa doon, naikwento niya sa akin na anak siya siya ng isang business tycoon. Sa oras na malaman niya ito, tiyak--- "Kung ganoon, ipakilala mo siya sa akin." Natahimik ako. "Bakit hindi ka nasagot? Ayaw mo bang malaman ko na may lalaki ka?! HA?!" sunod niyang sabi. Sa aking narinig ay napantig ang tainga ko. Lakas-loob ko siyang tiningnan. "Bakit? Nasasaktan ka? Kung ganoon pala, narealize mo kung anong ginagawa mo sa akin!" dahil sa bugso ng damdamin ay nagawa ko nang isatinig ang aking hinagpis. Para akong nilalamon. Para bang lahat ng sakit at negatibong pakiramdam ay nilalamon na ako. Unti-unti na nababalot ng kadiliman ang aking paningin at ang tanging naaninag ko lang sa aking harap ay si Edwin. Ngumisi ako at taas-noo akong tumingin sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, masyado siyang perpekto. He's young and rich, attentive and gentle... At paniguradong hinding hindi niya papatulan ang isang tulad ko." "So ibig mong sabihin nalulungkot ka dahil madalas ako wala? Hindi ka naman ganyan---" "Hindi mo lang napapansin. Bakit? Natatakot ka ba...?" kalmado kong sabi. Natigilan siya sa sinabi ko. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Dahil siguro nalaman ko na kung ano ang sikreto niya. 'Yun nga lang, inangat niya ang isa niyang kamay at handa nang dumapo 'yon sa aking balat anumang oras. Kahit na ginagapangan na ako ng takot ay hindi ako nagpatinag. Siguro ay oras na para tanggapin ko ang katotohanan na ang lalaking pinakamamahal ko ay handa rin ako saktan sa huli. Pumikit ako nang mariin, kasabay na ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamao. Bukas ang aking palad na tanggapin ang kasagutan. Tila ako natauhan nang naramdaman ko ang mabibigat niyang palad sa aking pisngi. Kahit na alam ko na ang kasagutan ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa unang pagkakataon ng mahigit sampung taon na pagsasama namin, pinagbuhatan niya ako ng kamay. Kahit ang ama ko ay hinding hindi niya ako masasaktan nang ganito. Magagalit man siya pero hinding hindi niya ako kayang pagbuhatan ng kamay. Ramdam ko nalang ang pag-agos ng aking luha sa aking pisngi. Agad ko ito pinunasan. Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa pagkairita. "Sabi ko naman kasi sa iyo. Stop throwing your tantrums!" bulalas niya. "Iyang kaibigan mo, mukhang hindi siya nakakabuti sa iyo. Tigilan mo na makipagkita sa kaniya." Mapait akong ngumiti at tumawa sa harap niya. "Hindi ka rin naman mabuting lalaki at asawa." unti-unti nawawala ang ngiti sa aking mga labi pero nagawa ko pa rin maging kalmado sa harap niya. "Kung ganoon man, maghiwalay na tayo..." "Charlize..." Muli ko kinuyom ang aking mga kamao. Doon ako kumukuha ng lakas ng loob sa ngayon. "Noong una, ang akala ko matatagalan at matitiis ko ang lahat hanggang sa tabi mo ako. Sa loob ng mahabang panahon, ang akala ko nararapat lang ba magawa kong manatili sa iyo kahit na sinasaktan mo na ako ng ilang ulit." lakas-loob ko siyang tiningnan. "Lahat ibinuhos ko sa iyo, tinalikuran ko ang lahat kahit ang sarili kong pamilya dahil mahal kita. Maipakita ko lang sa iyo na kaya kitang ipaglaban. Balewala sa akin na talikuran nila ako basta kasama lang kita. Kahit na nawala na ang pagmamahal mo sa akin at ibinaling mo na iyon sa ibang babae, nagawa ko pa rin manatili at pagsilbihan ka. Kasi kumakapit ako sa pangako mo sa akin. Naniwala ako... Kumakapit ako sa pag-asa na ang lalaking minahal ko... babalik." kahit na nanginginig na ang boses ko dahil sa pinaghalong lungkot at galit ay pilit kong labanan 'yon para lang masabi ko ang mga bagay na ito. Nanatili siyang nakatingin na tikom ang bibig. "Ang dahilan lamang ng isang taong ay dahil gusto niyang magbago. Iyon ang pinili mo, Edwin. Kaysa sa akin." "Charlize..." dinaluhan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Huwag naman ganito... Hinding hindi tayo maghihiwalay. H-hindi ko sinasadyang saktan ka... Hindi ko intensyon 'yon. Masyado lang talaga maikli ang pasensya nitong mga nakaraang araw pero inudyok mo pa rin ako---" Tinanggal ko ang mga kamay niya sa akin. "Let's break up, Edwin." medyo matigas kong sambit. "Stop joking with me..." "Seryoso ako." He gritted his teeth. Rinig ko pa ang matigas niyang mura. Marahas niyang hinawakan ang isang kamay ko. Kinaladkad niya ako palabas ng unit. Binuksan niya ang pinto at walang sabi na itinulak niya ako palabas ng bahay. "Lumabas ka na ngayon! Umalis ka na sa paningin ko!" bulyaw niya hanggang sa pinagbagsakan niya ako ng pinto. Nanatili akong nakatayo. Umiba ang ekspresyon ng aking mukha. Nalalasahan ko na umiiba na ang panlasa ng aking laway. Napasapo ako sa aking bibig para pigilan ang sarili ko na atakihin ulit pero mukhang mabibigo pa ako. As much as possible. Hangga't may lakas pa ako ay pilit kong lumayo sa pinto ng unit para hindi ako marinig ni Edwin. May natanaw akong basurahan sa hindi kalayuan. Dinaluhan 'yon. Doon ako nagsuka, kasama na din ng dugo. Medyo matagal bago ako mahimasmasan. Pero ang masama lang, nabahiran ng dugo ang aking damit at jacket. Pinili kong umupo sa baitang ng hagdan na nasa tabi lang ng basurahan. Nanghihina kong isinadal ang aking likod ng pader. Tumingala ako saka marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Malalim akong lumanghap ng hangin at hininga ko ito. Ito ang aking pinagmumulan ng aking enerhiya sa mga oras ito. May sumagi sa aking isipan. Agad ko dinukot ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking jacket. Hinahanap ko ang kaniyang pangalan at numero sa aking contacts. Tinapik ko ang message button. Dr. Zalanueva, tinatanggap ko na po. Magpapatreatment na po ako under chemotheraphy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD