CHAPTER 4

2300 Words
Payapa akong nakarating sa aking upuan nang tumuntong ako sa classroom. Abala ang mga kaklase ko na makipagkwentuhan at tawanan sa isa’t isa. Tahimik kong ipinatong aking bag sa upuan pero bahagya akong natigilan nang bumungad sa aking ang isang bulaklak sa mesa ng aking upuan. Bago ko man ito hawakan ay nagawa ko pang luminga-linga sa paligid, nagbabakasakaling mahagip ng aking mga mata kung sinuman ang naglagay ng bulaklak na ito dito. Pero bigo ako. Nakita ko ang mga kaklase ko na nakatingin din sa aking gawi, pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi. Nababasa ko pa sa kanilang mga mukha na may pang-aasar. Pinili ko nalang balewalain ‘yon at doon ay nagawa ko nang hawakan ang bulaklak at inamoy. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. Pero, sino ba ang naglagay ng bulaklak dito? Hindi kaya nagkamali siya ng lagay? Baka kasi sa ibang tao pala ibibigay ito at hindi sa akin. "Charlize…” May isang lalaking tumawag sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na tingnan kung sino ‘yon. Napagtanto ko na isa pala siya sa mga kaklase ko. In my eyes, he's just an ordinary senior high school student. Katamtaman ang kaniyang taas, gayunduin ang kaniyang katawan. “Bakit?” tiningnan ko siya na may pagtataka. Bago man niya ako sagutin ay napakamot siya sa kaniyang ulo, nakapamulsa siya. Nababasa ko sa kaniya na kinakabahan siya. Pinili ko nalang balewalain ‘yon. Pero ang mas nakakatawag ng aking pansin ay may dinudukot siya sa kaniyang bulsa hanggang sa may inilabas siya mula doon hanggang sa ipinakita niya ‘yon sa akin. Isang branded na chocolate na may nakalakip na sulat na mukhang pinaghandaan niya dahil sa kulay palang ng papel, stationary ito. “Tanggapin mo sana…” aniya. Rinig ko ang hiyawan at kantyawan sa buong silid-aralan. Huh? Hindi ko naman birthday ngayon. Tumango ako saka tinaggap ko ang ibinigay niya. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin at ginawaran siya ng isang matamis na ngiti. “Salamat…” malumanay kong pahayag na dahilan upang mamula ang magkabila niyang tainga. Dahil d’yan, natataranta siyang umalis sa aking harap at lumabas siya ng classroom. Malapit na dumating ang first subject teacher namin, bakit aalis pa ang isang ‘yon? Umupo na ako sa aking armchair ay mas doon nagsilapitan ang mga kaklase ko, lalo na ang mga kalalakihan. Kaniya-kaniya sila ng bigay ng mga regalo na halos ang iba doon ay nahuhulog na dahil sa dami at hindi na sila kasya sa aking mesa. Nahagip ng aking mata ang isang lalaki na nakaupo sa sulok. Nakatingin din siya sa aking gawi, may pag-aalangan sa kaniyang mukha habang hawak niya ang isang maliit na paperbag. Nang nagkasalubong ang aming paningin ay para siyang nabuhusan ng malamig na tubig saka umiwas ng tingin. Ang ipinagtataka ko pa ay ibinalik niya ang ang maliit na paperbag sa kaniyang bag. Umayos siya ng upo at yumuko. “Happy Valentines day, Charlize!” kahit hindi sabay-sabay ang pagbati nila ay naiitindihan ko pa rin ang ibig nila ipahiwatig. Natigilan ako. Kung hindi nila binanggit kung ano ang meron ngayong araw ay hindi ko malalaman at buong araw ako magtataka kung bakit niregaluhan nila ako ng mga matatamis na pagkain at binabaha ng mga sulat. Sumapit na ng uwian ay buong araw kong hindi nakita si Edwin. Nagkaroon na kami ng komunikasyon pero wala din akong natanggap na mensahe mula sa kaniya. I’m wondering where he is. Ay! Valentines Day ngayon, wala pa ako mairegalo sa kaniya! Napahilot ako sa aking sentido. Kung mas maaga ko lang nalaman, tiyak may maihanda akong regalo para sa kaniya, pero mukhang mabibigo lang ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya. Pwede kaya late nalang ako magregalo sa kaniya? Napahinto ako sa paglalakad nang naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Tahimik kong dinukot ang aking cellphone mula sa aking bulsa saka sinilip. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang pangalan ni Edwin. May ipinadala siyang mensahe. FROM EDWIN : Narito ako sa main building. 3rd floor. Hihintayin kita. Kumurap ako saka tumingin sa direksyon kung nasaan ang main building ng campus. Umukit ang ngiti sa aking mga labi at doon ako dinala ng aking mga paa nang walang alinlangan. Nang tumuntong ako ng third floor ay medyo nakaramdaman ako ng pagkahapo. Napahawak ako sa aking dibdib saka ilang beses kumawala ng ilang buntong-hininga para maibsan ang pagod. Pagkatapos ay iginala ko ang aking paningin sa lobby ng third floor. Nagtataka ako dahil wala akong makita ni bakas niya. Malinaw ang pagkabasa ko na hihintayin daw niya ako ito. Dahil sa hndi ko talaga siya makita ay muli ko dinukot ang aking cellphone para tawagan siya kahit na may parte sa akin na nahihiya ako dahil hindi ako sanay na ako ang unang tumatawag o mag approach sa lalaki. Nang idinikit ko ang telepono sa aking tainga ay nagriring na ito, pero halos mapatalon ako sa gulat nang may naririnig akong tunog sa bandang likuran ko lang. Sinundan ko ‘yon ng tingin. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang bulto ng isang lalaki na nakatayo sa hagdan. Sa hindi malaman na dahilan, bumiis ang pintig ng puso ko. I don’t clear saw who he really is because of silhouette. Bahagyang umawang ang aking bibig nang makita ko nang tuluyan kung sino ang nasa harap ko. He beamed at me. He take steps downstairs while looking at me, hindi rin maalis ang tingin ko sa kaniya hanggang tuluyan na siyang nasa harap ko. “Edwin…” mahina kong tawag sa pangalan niya. “Charlize…” masuyo niyang tawag sa aking pangalan. Lumunok ako sak umiwas ng tingin. Dumapo ‘yon sa sahig. Bukod pa doon ay kinakastigo ko ang aking sarili na kumalma dahil sa hindi ko malaman na dahilan ay mas bumilis ang t***k ng aking puso nang nasa harap ko na siya mismo. Marahan kong ipinikita ang aking mga mata. “Bakit mo pala ako pinapapunta dito?” pagtatanong ko nalang, umiiwas lang ako na baka maging weird ako sa harap niya. Bago man niya sagutin ang aking katanungan ay mas humakbang pa siya palapit sa akin. Sa puntong ito, pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Medyo kinakabahan din ako dahil baka may tao at baka ano bang iisipin niya sa amin lalo na’t hindi kami magkarelasyon! “Natanggap mo ba ang bulaklak?” balik-tanong niya. Natigilan ako. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Medyo nawindang ako nang tumambad sa akin na siya naman ang umiiwas ng tingin sa akin habang nakahawak siya sa kaniyang batok. Kita ko pa ang pamumula ng kaniyang mukha. Inaalala ko kung anong mga natanggap ko ngayong araw hanggang sa sumagi sa aking isipang ang bulaklak na natanggap ko kanina. “S-sa iyo galing ang rosas?’ mahinang sambit ko. Tumingin siya sa akin na parang nagulat pa siya, na akala mo ay nakuha ang tamang sagot. Ilang saglit pa ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. “Naalala mo…” aniya. Tumango ako saka ginawaran din siya nang ngiti. Ang sunod naman niyang ginawa ay inaabot niya ang aking kamay. Hindi ko alam kung bakit pero parang binigyan ko siya nang pahintulot na mahawakan niya ako. I could feel the gentleness and warmth through his touch. Until he clasped my hands and darted his eyes on me. “Alam kong Valentines Day ngayon. Pasensya na kung iyon lang ang kaya kong mairegalo dahil kapos na ako sa oras. Mabuti nalang din ay nalaman ko sa kakilala mo na gustong gusto mo ang mga bulaklak…” huminto siya saglit. Nanatili akong nakatitig sa kaniya, inaabangan ang mga susunod niyang sasabihin. Ramdam ko na mas humigpit ang paghawaka niya sa aking mga kamay. Ramdam ko ang kaba niya, sa papamagitan ng paghawak niya doon ang nagsisilbi niyang lakas. Makaipon ng lakas ng loob. “Sana… Sana magustuhan mo din ako.” Nang marinig ko ang huling pangungusap, muli na naman bumilis ang t***k ng aking puso. Kasabay na ramdam ko ang panginginig ng aking puso. “Edwin…” nang masambit ko ang kaniyang pangalan ay tuluyan na akong nanghina kaya bumagsak ako sa sahig. “Charlize!” nag-aalala niyang tawag sa akin. Bumagsak din siya sa sahig. “Okay ka lang ba?” Kinagat ko ang aking labi at marahas na tumango pagkatapos ay isang nakakabinging katahimikan na ang bumabalot sa lugar na ito. “...Charlize-” Pinigilan ko siya sa pamamagitan ang paghigpit ng pagkahawak ko sa kaniya. Nagtataka siyang tumingin sa aming mga kamay. “Gusto din kita, Edwin.” lakas-loob kong wika. Nagtama ang aming mga mata. “Sa mga sinabi mo kanina, ginawa mo akong pinakamasayang babae.” Tahimik kong niyakap-yakap ang aking mga binti habang nakaupo sa gilid ng pinto ng unit. Kahit na nilalamig na ako ay pilit kong tiisin. Nakatingin ako sa kawalan sa pamamagitan ng malulungkot kong mga mata, Masakit lang na ang isa sa mga pinakamasayang araw sa aking buhay mananatili nalang na isang alaala. Kahit na hihilingin kong bumalik para maranasan ko ulit na maging masaya ay hinding hindi ako pagbibigyan. Kahit na gusto kong kumapit sa mga alaala na ‘yon ay sinasabi naman na kinakailangan ko nang bitawan ito. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pilit kong tumayo at humarap sa kaniya kahit na may naiwang ebidensya na inatake na naman ako ng sakit. “Siguro naman ay lumamig na ang ulo mo-” hindi na naituloy ang sasabihin niya nang makita niya ang hitsura ko ngayon. Dumapo ang tingin niya sa mantsa ng dugo sa aking damit. Agad ko siya iniwasan ng tingin saka tahimik akong humakbang papasok sa loob. Walang kibo akong pumasok Master’s Bedroom. Dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng mga damit pamalit. Pagkatapos ay pinuntahan ang banyo na dala ang mga damit para magshower. Hot shower ang ginawa ko para maibsan ang lamig na naranasan ko sa labas. Nanatili akong nakatayo sa tapat ng shower habang nakayuko. Hinahayaan ko lang na bumuhos ang tubig sa aking katawan. Nilahad ko ang aking mga palad. Lumipat ang tingin ko sa aking balat na nasa aking braso. Kinagat ko ang aking labi nang makita ko ang pagbabago sa aking balat. Tulad bfg sabi ni Dr. Zalanueva, sa oras na nagkaroon ako ng skin metastasis, sensyales ‘yon na mas lumalala ang aking sakit. Mas pinipiga ang puso ko nang makita ko ang aking sarili sa ganitog kalagayan. Mukhang sinasabi sa akin na ilang saglit nalang ang nalalabi ko sa mundong ito. Pero sumang-ayon na ako na magpapagamot ako sa pamamagitan ng chemotheraphy. Haggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na sagot mula kay doc. Pagkatapos kong magshower ay nagsuot na ako ng pajama pati ng long sleeves sweat shirt. Nakasampay sa aking leeg ang tuwalya. Nang lumabas ako ay nakita ko si Edwin na nakaupo sa malapad at malambot na kama, nagbabasa ng mg dokyumento. Nankuha ko ang kaniyang atensyon. Malamig na tingin ang inabot niya para sa akin. Nanatiling tikom ang aking bibig saka umiwas ng tingin. Dumiretso ako sa pwesto ko sa kama. Hinawakan ko ang tuwalya para magpatuyo ng buhok pero may umagaw no’n. Lumingon ako. Si Edwin na malamig ang tingin habang hawak niya ang aking tuwalya. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka kumawala ng malalim na buntong-hininga. Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Binawi ko ang aking tingin saka tumingin sa labas kahit na madilim. Ang lampshade lang ang nagsisilbing liwanag sa silid. Naramdaman ko nalang na ipinatong niya ang tuwalya sa aking ulo na halos wala na akong makita. Napagtanto ko nalang na siya na ang nagpatuyo ng aking buhok. Pero imbis na matuwa ako dahil sa ginagawa niya ay mas pinipiga ang puso ko. Dahil ba sa namimiss ko ang dati naming pagsasama? Ang dating kami? Hindi ba, ito ang gusto mo, Charlize? "Ayos ka na ba?" aniya. Hindi ko magawang sumagot. Nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi ko alam pero nawawalan na ako ng bagay sa lahat. Kahit isang salita, ayaw ko magbitaw. "Charlize…" tawag pa niya sa akin. Muli akong tikom. I heard him tsk-ed. Umalis siya mula sa aking likuran saka lumipta siya sa aking harap. Lumapat sa sahig ang isa niyang tuhod saka tumingala na tumingin sa akin. Kahit na nagtama ang aming mga mata ay pakiramdam ko ay isa na siyang hangin sa aking paningin. "Bakit ayaw mong sumagot?" naiirita na niyang tanong sa akin. Dama mo na umiiksi na naman ang kaniyang pasensya. Imbis na matakot ay wala na akong magawang reaksyon ukol doon. Dahil d'yan ay itinulak niya ako. Napahiga ako sa kama. Nakatitig naman ako ngayon sa kisame hanggang sa maaninag ko na naman ang kaniyang mukha. Yeah, nasa ibabaw ko siya ngayon. Nagpalitan kami nang malamig na tingin. Sa tagal na din ng aming pagsasama ay alam ko na kung ano na ang susunod niyang gagawin-ipinasok niya ang isang kamay sa loob ng aking damit. Hinahaplos ang aking balat. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. "Kung anuman ang gugustuhin mo, pagbibigyan kita." bigla kong sabi upang siya'y matigilan. "Pero sa isang kondisyon." "Kondisyon?" naguguluhan niyang ulit. "Patayin mo ang ilaw… Utang na loob." halos wala na ako sa sarili nang muli ako nagsalita. Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Alam kong nagtataka siya sa mga ikinikilos at sa mga binibitawan kong mga salita. Sa huli ay nagbuntong-hininga siya at ginawa niya ang hinihiling ko saka sinimulan na niyang halik-halikan ang bawat parte ng aking katawan. Para sa akin ay mas mainam na ito-ang hindi niya makita kung ano talaga ang kondisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD