CHAPTER 2

1916 Words
Hanggang ngayon ay dilat parin ang aking mga mata. Kahit patay na ang mga ilaw. Pero dahil may liwanag pa sa labas ng building na ito, naaninag ko pa rin ang loob ng silid na ito. Naaninag ko pa kung anong oras na ngayon. Pasado ala una y media na. Lumipat ang tingin ko kay Edwin na ngayon ay mahimbing na ang tulog. Bakas sa mukha na hindi makapaniwala. Kung kanina ay wala siyang nababasa na pagkasabik ko sa kaniya, ang totoo niyan ay tinatagonko labg ang ganoon pakiramdam. Binibigyan ko na siya ng clue na may alam ako. Na sanay na ako sa panlalamig niya pero mukhang bigo pa ako. Humarap ako sa kaniya. Malungkot kong pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Bakas na sa kaniyang mukha na maturity. Gayumpaman, siya pa rin ang lalaking mahal ko. Kahit na magbago man ang hitsura niya sa paningin ko. "Edwin," marahan kong tawag sa kaniya. Pero bigo ako. Wala akong nakuhang reaksyon. Ni hindi siya gumagalaw. Dahil d'yan, inilapat ko ang mga labi ko at maingat akong umalis sa ibabaw ng kama. Dahil aa malalim ang kaniyang tulog, paniguradong hindi niya ako matutunugan. Kahit sa pagbukas ko ng pinto ay maingat pa rin hanggang sa pagsara nito. May kinuha ako mula sa kitchen drawer. Dinaluhan ko ang balkonahe na nasa tabi lang ng sala. Binuksan ko ang sliding glass door. Humakbang ang mga paa ko doon. Imbis na sumandal ako sa railings. Kahit malamig ay hindi ko ininda. Umupo ako sahig saka inilbas ko ang pakete ng sigarilyo at lighter. Kumuha ng isa. Sinindihan ko 'yon. Humithit ako ng isa at wala pang sampung segundo ay ibinuga ko din 'yon. Nakatitig lang ako sa kawalan. Simulang hindi na nauwi dito nang madalas si Edwin ay hindi ko na namamalayan na nagaagwa ko na anf mga bagay na ito. Siguro ay dahil gusto ko lang idivert ang atensyon ko. Hanggang sa natagpuan ko.nalang ang sarili ko na humihithit ng sigarilyo. At hindi ko na namamalayan kung ilan na ang nauubos kong stick sa isang araw. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Isinuko ko ito. Pinili kong tulungan ang lalaking pinakamamahal ko na abutin ang kaniyang mga pangarap. Sa abot ng aking makakakaya, sinuportahan mo siya. Pinansyal at emosyonal. Sa tuwing uuwi siya na malungkot ang mukha, hindi ko maiwasan na malungkot din. Pero dahil ako ang karamay niya ng mga oras na 'yon, hindi ako makatulog sa kakaisip ng paraan. Habang pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho, ako naman ay nagtatrabaho din ng hindi niya nalalaman. Naging alipin ako ng mga taong nakakakilala sa akin, kapalit n'on na mag-invest sila sa binabalak na negosyo ni Edwin. Alam kong pinagtatawanan na nila ako. Na ang tulad ko na kaya kong ibaba ang sarili ko para sa lalaking tulad niya. Na hindi galing sa isang mayaman at kilalang pamilya. Na nagawa ko siyang iharap at ipaglaban sa aking ama na ngayon ay tinalikuran na ako bilang anak niya. Anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya. Tipong kaya kong talikuran ang lahat makasama ko lang siya. Nang naubos ko na ang isang stick ay pinatay ko na ito saka itinapon ko na. Bumalik na ako sa loob, nagsipilyo at nghugas ng kamay bago man ako dumiretso sa kuwarto kung saan mahimbing pa rin ag tulog niya. Nilpitan ko ang kama at humiga. Humarap ako kay Edwin. Pinipigilan ko ang sarili kong humikbi, natatakot akong marinig niya ang luha ng aking daing. Itinaas ko ang isa kong kamay. Marahan kong hinaplos ang kaniyang mukha. Hanggangbsa hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Niyakap at isiniksik ko ang aking sarili sa kaniya. Doon na bumitaw ang aking luha. Pumikit ako ng mariin. 'Edwin, ikaw nalang ang makakapitan ko. Pakiusap, huwag ka nang maging masama sa akin... Dahil sa ginagawa mo, baka tuluyan na akong mawala...' * * Dahil nakauwi na si Edwin kagabi ay naghanda ako ng agahan para sa kaniya. Tama, para lang sa kaniya dahil hindi na ako nakakain nang marami tulad ng dati. Iniiwasan ko lang na mahalata niya tungkol sa sakit ko. Ayokong malaman niya na may problema sa akin. Gustuhin ko man sabihin sa kaniya tungkol dito pero inuunahan ako ng takot. Takot na baka iisipin niya na gagamitin ko ang sakit kong ito para lang manatili siya sa akin. At isa pa, ayokong manatili siya sa akin nang dahil lang sa sakit ko. Na mamahalin niya ako dahil lamang may sakit ako. "Charlize!" malakas na boses niya nang narinig ko. Sakto na kakatapos ko labg magluto nang tumapak siya dito sa Kusina. Isang pagtatakang tingin ang ibinigay ko, hawak ko pa ang frying pan. Isang iritableng ekspresyon ang umukit sa kaniyang mukha. "Edwin," mahina kong tawag sa kaniya nang nasa harap ko na siya. Nang makita niya ako ay doon na siya kumalma. Hindi ko alam pero parang nakakapanibago. Parang ngayon lang nangyari at nakita ang ganyang mukha. "Nawala ka na sa tabi ko nang nagising ako." aniya. "Ah..." saka ngumiti ako. "Naghanda na kasi ako ng almusal mo. Kain ka na." inilapag ko na ang playo sa dining table. Ang buong akala ko ay lalapitan na niya ang mesa para kain na pero nagkakamali ako. Nang muli ko siyang tiningnan ay nanatili lang siyang nakatayo at isang titig na punung-puno nang suspetsa na akala mo ay may ginagawa ako na hinding hindi niya magugustuhan. "Edwin?" nagtatakang tawag ko sa kaniya. Sa halip ay humakbang pa siya palapit sa akin. "Nakita ko na may halaman na ang kuwarto natin." wika niya sa isang matigas na tono. "Ang akala ko ba ay tinulikuran mo na ang mga bagay na may kinalaman sa pamilya mo?" Dumapo ang tingin ko sa sahig. Pumikit ako nang mariin. "Gusto ko dahil kay mama." ang naging sagot ko. "At ibinigay lang sa akin ng kaibigan ang halaman na 'yan." Medyo matagal pa bago ulit siya nagsalita. Tinititigan niya ako. Para bang sinusuri niya ako sa lagay na 'yan. "At kailangan ka nagkaroon ng kaibigan dito? Kilala ko na siya? All I know is you're introvert, Charlize." "I'm trying to get out of my box, Edwin." Bahagya siyang lumayo sa akin. Mukhang sa pagkakataon na ito, ay nakamit ko ang tagumpay. Iyon nga lang, tinalikuran na niya ako. Kasabay na nagkaroon ng after effect ang pagsagot ko kay Edwin. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan pati ng mga binti ko na kulang nalang ay bibigay na ako. Kaya ang tanging nagawa ko nalang ay nilapitan ko ang sofa saka umupo doon para mapakalma ang aking sarili. Medyo matagal pa bago ko natunugan na lumabas na si Edwin mula sa kuwarto. Nakasuot na siya nang business suits. Inaayos niya ang butones sa kaniyang pulsuhan. Inilapat ko ang aking mga labi. Alam ko na kung anuman ang mangyayari ngayon. "I'm off to work." 'Pero uuwi ka rin sa kaniya pagkatapos.' sa isip ko. Hindi na ako nagsalita pa. Hinatid ko lang siya ng tingin habang papalabas siya sa unit---hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Muli ako nanghina at napaupo sa sofa. Pumikit ako ng mariin. Pinipigilan ko na naman ang sarili kong maluha. "Kaya mo 'to, Charlize. Kumapit ka pa hangga't may lakas ka pa." pangungumbinsi ko sa aking sarili. * * Yakap-yakap ko ang halaman habang palapit ako sa Opisina ni Dr. Zalanueva. Wala naman akong appointment pero siya talaga ang sadya ko ngayon. Bahala na kung makapapayagan niya akong makita siya o hindi. Nagbabakasakali lamang ako. And fortunately, pinayagan akong makita siya kahit saglit lang. "May problema ba, Mrs. Manimtim?" salubong niya sa akin na may pag-aalala sa kaniyang boses at mukha. Ngumiwi ako saka umiling. "Wala naman, doc. Hindi naman ako inatake." komportable kong tugon. Kita ko ang pagbuntong-hininga. I'll take it as sigh of relief? "Glad to hear that." malumanay niyang pahayag. "Then, why you suddenly---" hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin niya nang ipinakita ko sa kaniya ang halaman na ipinahiram niya sa akin. "Huh?" Ngumiti ako. "P-pasensya na doc... Pero kasi... Sa tingin ko, hindi ko maalagaan ang halaman na ito." "Why?" Sa halip ay umiwas ako ng tingin. Hindi ako makasagot. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "It can't be help but I'm willing to give that plant all the way." Tumingin ako sa kaniya. "Pero..." Tatanggi pa sana ako nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti. Tinalikuran niya ako. Hinubad niya ang white coat niya saka isinabit niya ito sa coat rack ng kaniyang opisina. Kinuha naman niya ang kulay itim na coat jacket mula sa nakasabit doon. Isinuot niya 'yon sa harap ko. Mas nakikita ko pa ang kakisigan niya nang tanggalin niya ang kaniyang antipara. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "Mrs. Manimtim?" taka niyang tawag sa akin. Sa tawag niyang 'yon ay nanumbalik ang aking ulirat. "Doc..." mahina kong tawag sa kaniya saka tumikhim. Pull yourself together, Charlize! "So, let's go?" Mas lalo ako natauhan doon. "H-ha?" Wala akong narinig na anumang salita mula sa kaniya. Imbis ay tumango siya, hudyat na kami'y aalis na. Kusang sumunod ang katawan ko. Pinauna niya akong lumabas. Sakto na nadatnan namin ang kaniyang sekretary na nag-aayos ng mga papel. Mukhang naramdaman niya ang presensya namin. Lumapad ang kaniyang ngiti nang makita niya kami. Pero ang mas ipinagtataka ko nang mahagip ng aking paningin na nakatingin din si doc sa kaniya saka kumindat. Umiba ang ngiti ng sekretarya niya, may halong panunukso. "Have fun, doc." may mapaglaro sa boses niya nang sabihin niya 'yon. Pinili ko nalang na huwag pansinin 'yon. Nang narating namin ang Parking Lot ng Ospital ay tumambad sa amin ang isang magarang kotse. Sa hitsura palang ay iisipin mong limited edition ito o hindi kaya bagong labas. "Hop in, Mrs. Manimtim." aya niya sa akin. I flinched. Kusa ulit sumunod ang aking katawan sa kaniyan utos. Dinaluhan ko ang pinto ng backseat para buksan. "No, no. Not the backseat." Napaamangan ako. "H-ha?" Itinuro niya ang frontseat. "Here." "Nakakahiya, doc." "Don't be. Ayokong pagkamalan na driver mo, Mrs. Manimtim." may bakas na mapaglaro sa boses niya. Kahit na nangingibabaw sa aking sistema ang hiya ay nagawa ko pa rin sundin ang kaniyang sinasabi. Lumipat ako sa frontseat tulad ng gusto niya. Tagumpay din siya nakaupo sa driver's seat. "So... Saan mo gusto mong pumunta?" Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kaniya. "A-anong?" "It's not a date. Don't worry. I want to rest for my afternoon shift. Example, unwinding." he give me a sweet glimpse. Nang bawiin niya ang tingin ay sinimulan na niyang buhayin ang makina saka tinapakan ang gas hanggang sa tagumpay kaming nakalayo sa Ospital. Pareho kaming tahimik habang nasa loob ng sasakyan. Habang abala siya sa pagmamaneho, ako naman ay nakadungaw lang sa window pane. Pinagmamasdan ko lang ang mga nadadaanan naming gusali. "If you would like, we can stop over in some restos here." pagbabasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na bumaling sa kaniya. "Masasayang ko lang ang ililibre mong pagkain sa akin, doc. You know what I mean." Tumango siya. "Eh di ako ang uubos ng pagkain mo." ngumiti siya. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking mga labi. "I never thought you can be hilarous." ang naging kumento ko. Bumaling siya sa akin nang ilang saglit. "So you think I'm a serious since I'm a doctor? Nah." "Mapapagaan mo ang loob ng bawat pasyente mo." dagdag ko pa. "I think so. Hopefully, ikaw din." "Mukhang hindi ba?" Mas lumapad ang ngiti niya nang ibinalik niya ang kaniyang tingin daan. "I'm glad."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD