CHAPTER 1

2270 Words
Pagkatapos kong maghilamos ay agad kong tinungo ang Kusina para kumain. Isinalang ko na ang takore na may tibig sa stove para magtimpla ng tsaa, pagkatapos ay binuksan ko ang ref. Tumambad sa akin ang iba't ibang klase mga prutas at gulay. Lately lang ako nagtabak ng mga ganito kung kailan nalaman kong may sakit na ako. Ito ang palaging paalala sa akin ng aking doktor. Kinuha ko mula sa loob ang natirang ulam na ginawa ko kagabi. Hindi ko namalayang may natira pa pala. Siguro ay dahil na din sa pag-aalala o pag-iisip ko kung kailan ang uwi niya. Nang inilabas ko ang pagkain ay tinungo ko naman ang microwave oven para initin. Habang hinihintay ko 'yon ay sunod ko naman ginawa ay sinilip ang aking cellphone. Tinitingnan ko kung may mensahe o tawag ba akong natanggap mula sa kaniya. Nang nakita ko ang screen ng aking cellphone ay isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Kahit na alam ko kung ano talaga ang ginagawa niya sa likod ng mga rason niya, ay pilit ko nalang itindihin 'yon. Marahan kong ibinaba ang cellphone saka napatingin sa pader. May isang malaking larawan na nakadikit doon. Nilapitan ko 'yon saka tumingala. Malungkot kong pinagmamasdan ang wedding picture namin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Sinasariwa ko ang mga magagandang alaala na pareho naming ginawa. Kakalabas ko lang mula sa library. Balak ko na sanang bumalik na sa classroom nang natigilan ako saka bumaling sa aking gilid. May nakatayo na isang lalaki na tingin ko ay kasing edad ko lang. He seems down. Problematic. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. It's none of my business but I still choose to approach him. "Okay ka lang ba?" kusang lumabas sa aking bibig nang tanungin ko 'yon. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Marahil siguro bigla ako lumitaw sa kaniyang tabi nang walang pasabi. "H-hindi..." daig pa niya na nawala sa kaniyang sarili nang sagutin niya ang aking katanungan. I offered him my sweetest smile. "Anong problema? May nawawala ba sa iyo? Tulungan kitang maghanap." sumulyap ako saglit sa aking relo sa pulsuhan. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. "May oras pa naman ako bago magtapos ang lunch break." Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Ramdam ko na bigla siyang nahiya sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Pero mas nagtawag ng aking pansin ang pamumula ng kaniyang magkabilang-tainga. "Nalimutan ko ang nireview ko para mamaya sa quiz... N-nawala pa ang notes ko." tugon niya na hindi pa rin siya makatingin sa akin. "A-ah..." saka tumingin ako sa likod ko. "Tara?" Doon ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob para tingnan ako. Mas lalo siya nagtaka sa aking sinabi. May halong pagtatanong. Tinuro ko ang bandang likuran ko. "Pwede ka magreview dito. May kopya naman ang Library ng mga topic sa libro mo." wika ko nang nakangiti. He looks enlighten. Sumunod siya sa akin aa pagpasok sa Library. Naglog-in kami saka agad namin hinahanap ang libra na kailangan niyang ireview. Fortunately, nakit ko ito pero medyo mataas 'yon para sa akin. Tumingkayad ako para abutin ang makapal na libro. Halos mawalan na ako ng pag-asa na maabot 'yon. May naisipan naman akong paraan pero naunahan ako nang may naramdaman ako sa aking likuran. Mas idiniin pa niya 'yon sa akin. Tumingala ako at nagulat ako nang bahagya nang tumambad ang lalaking tinutulungan ko. He extend his one arm to reach the book. Tagumpay niyang nakuha 'yon. Nagtama ang aming paningin nang wala sa oras pero ramdam namin ang pagkailang dahil sa posisyon namin ngayon. Para mabura 'yon kahit papaano ay ginawaran ko sia ng ngiti. "T-tara na? Reviewhin na natin?" aya ko. Para mas lalo mawala ang ilangan namin sa isa't isa. Mukhang nagpagtanto niya ang ibig kong ipahiwatig. Humakbang siya pag-atras. Dahil bawal mag-ingay sa Library, ang tanging nagawa lang namin ay bumungisngis. Mapait akong ngumiti. Tinanggal ko na ang tingin ko sa malaking litrato. Bumalik na ako sa Kusina. Dinaluhan ko ang stove para patayin ko na ito dahil natunog na ang takure, naghuhudyat na mainit na ito. Kumuha na din ako nang malinis na basahan saka binalot ko ito sa hawakan para hindi ako mapaso. Nang hawakan ko na ito ay umawang ang nang bahagya ang aking bibig dahil sa pagtataka. "Kaunti nalang..." mahina kong sambit. Madami at medyo mabigat pa ito bago ko man ito isinalang. 'Parang pagmamahal niya sa akin.' Kumawala ako nang buntong-hininga. Pilit ko nalang balewalain kung anong nga sumasagi sa isip ko. Nagtimpla ako ng tsaa. Sunod ko naman ginawa ay inilabas ko ang pagkain mula sa microwave. Inilipat ko ang mga 'yon sa dining table. Tahimik akong umupo at sinimula ko na kumain. Tatlong subo palang ang nagawa ko ay ramdam ko na ang pagkabusog. Kasabay na nananakit na naman ang aking tyan. Napasapo ako doon. Pilit kong tumayo. Hindi ko ininda ang paghihina nang binilisan ko ang kilos ko upang marating ang kitchen sink. Diniin ko ang sarili ko at humigpit ang pagkahawak ko sa tiles na akala mo ay doon ko nakuha ang aking lakas. Isinuka ko lahat, pati ang kinain ko ngayon lang binawi din ng sakit na iniinda ko ngayon. Ang mas matindi pa ay may kasamang dugo. Nang mahimasmasan na ang aking sistema ay hinatak ko ang kitchen drawer. May inilabas akong bote mula doon. Binuksan ko ito saka kumuha ng tableta. Isinubo ko 'yon saka uminom ng tubig. Pagkatapos ay rinig kong tumunog ang aking cellphone. Kahit na nanghihina pa ay pilit kong dinaluhan 'yon. Tumambad sa akin ang isang text message. Hindi mula sa kaniya. Mula sa aking sekretarya ng aking doktor. Good day, Mrs. Manimtim! This is a reminder that uour appointment is scheduled today with Dr. Zalanueva. If you cannot make this appointment today, please call our office +6391582***** at least 24 hours prior to this appoinment. We would be happy to reschedule your appointment for a more convenient time. Tinanggal ko din ng tingin ko sa screen ng cellphone pagkatapos kong basahin ang mensahe. Yeah, right. Ngayong araw din ay kinakailangn ko kitain ang aking doktor. Kahit na alam ko ay wala din magbabago sa aking kalagayan. * * * Sa pagbalik ko sa isa sa mga pribadong Ospita dito sa Tagaytay ay agad hinahanap ng aking paningin ang sekretarya ng doktor na tumitingin sa akin. Walang mababasang takot o negatibo sa aking mukha. Parang nasanay na din ako na madalas akong napunta dito. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko paring pumunta dito kahit na alam kong kukulitin lang ako kaugnay sa mga suhesyon na igagamot para sa akin. "I'm here for an appointment with Dr. Zalanueva..." wika ko nang nakaharap ko nanang sekretarya. Agad niya ako binigyan ng ngiti dahil kilala na din niya ako at ilang beses na din ako pabalik-balik dito. "Oh!" bulalas niya saka umalis siya sa kaniyang kinatayuan. Sinundan ko siya ng tingin. Mabilis niyang dinaluhan ang pinto ng opisina ng doktor saka pinihit ito. Marahan niya ito itinulak. "Pasok na po kayo, Mrs. Manimtim. Kanina pa po kayo hinihintay ni doc." malumanay niyang sambit. Ngumiti din ako. Nagmartsa papalapit sa pinto. "Salamat." mahina kong sabi nang tagumpay akong nakatapak sa loob ng opisina. Nagpahabol pa siya ng you're welcome hanggang sa tuluyan nang nagsara ang pinto. Inilipat ko ang tingin sa desk. Doon ay tumambad sa akin ang isang binata na may binabasa pa siyang papel. Base sa kaniyang hitsura, sa tingin ko ay mas matanda siya sa akin nang kaunti pero nangingibabaw ang pagiging makisig niya kahit na nakasuot siya ng antipara. Kahit ganoon, hindi pa rin nawawala sa awra niya ang pagiging matikas niya. Bagay na bagay sa kaniya ang propesyon niya bilang doktor. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Tila natauhan siya nang maramdaman niya ang aking presensya. Agad siyang tumayo saka sinalubong niya ako nang matamis na ngiti. "Good afternoon, Mrs. Manimtim." he greet me with his gentle tone. Yeah, right. Ala una na pala ngayon. "Good afternoon din po, doc." balik-bati ko. Tumango siya saka nilahad niya ang isang palad niya. Itinuro niya sa akin ang isang silya kung saan ako uupo. Nang pareho na kaming makaupo ay nagkatinginan kaming dalawa. Para bang nag-aabangan kaming kung sino ang magsasalita. "So... How are you, Mrs. Manimtim?" Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Ganoon pa rin po..." kahit gustuhin ko man magsinungaling, hinding hindi magbabago ang resulta sa oras na magkakaroon na naman ako ng check up. "Pero, nagpaisipan mo na ba?" seryoso niyang tanong. Oh, that. Hindi ko magawang magsalita. Sa halip ay yumuko ako, kasabay na kinuyom ko ang aking mga kamao. "Hangga't maaari sana, tanggapin mo na ang chemotheraphy sa lalong madaling panahon, Mrs. Manimtim. Habang tumatagal ang sakit mo sa iyong katawan, mas lalo nagiging aggressive ang cancer cells. Mababawasan natin kahit papaano ang panganib." punung-puno at marahan niyang pangungumbinsi niya sa akin. Kinagat ko ang aking labi. Wala na akong naririnig. Isang nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa silid sa mga oras na ito. Huminga ako nang malalim. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loobna tingnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata. Ganoon din siya sa akin. Inaabangan niya kung anuman ang sasabihin ko. "S-sa totoo lang... Natatakot akong mahirapan. Lalo na't mag-isa ako ngayon. Baka hindi ko na kakayanin pa." pilit ko siyang bigyan ng isang positibong ngiti. "Kung pwede sana... Resetahan mo po nalang ulit ko ng mga gamot habang pinag-iisipan ko po ang suhesyon ninyo." He looks defeated when he heard my choice for now. He sighs. Kinuha niya ang isang papel at may isinulat siya doon. "Doc," pahabol ko pa. Tumingin siya sa akin. Para bang mataimtim niya akong papakinggan. Lumapat sa sahig ang aking paningin. "Nababawasan na po ang pagsusuka ko ng dugo. Pero grabehan pa rin kapag nilalagnat ko... Ang akala ko, katapusan ko na." "Pasyente kita, at kahit anong mangyari, nasa tabi mo ako. Walang kaso sa akin 'yon." saka inabot niya sa akin ang reseta. Tinanggap ko ito. "And there's always hope, right?" Ngumiti ako. "Titingnan ko pa po." Tumayo siya. "And here," he handed me a pot of plant. Hindi ko alam kung anong klaseng halaman ito. "Instead overthink about it, why don't keep yourself occupied. Like growing this flower?" "B-bulaklak...?" "Yeah, that flower is iris. It means hope." ngumiti siya. "So please take care of my treasure, Mrs. Manimtim." * * * Ilang beses akong kumurap haban tinititigan ko ang halaman na nasa harap ko. Nilagay ko siya sa bintana ng kuwarto. Natapos ko na din siyang diligan. May alam naman akong sa mga halaman dahil buhat nang nagkamalay na ako sa mndi ay may nagmamay-ari ng flower farm si mama. I still remember that she treated it as her child. Umulan man o bumagyo, bantay-sarado niya ito. Kung nasira naman, hindi niya maitago ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Kaya nang nagkaisip ako ay napagturo ako kay mama kung papaano mag-alaga ng mga halaman. Napapangiti nalng ako kapag naalala ko ang gulat kagalakan sa mukha niya nang sinabi ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon. But she died before my high school graduation. Pero kahit na wala na si mama ay hindi namin inalis ang flower farm. Pero dahil sa ilang taon na din ako hindi nakakabisita sa bahay ni papa ay wala na akong balita kung buhay pa ba ang farm. Alam kong galit pa rin siya sa akin sa naging desisyon ko sa buhay. Ako na ang kusang pumutol sa pag-iisip mula sa nakaraan. Napagpasyahan ko nang lapitan ang kama at matulog na. Pero sa gitna ng aking pagtulog ay nagising ako sa pamamagitan ng pagyapos mula sa aking likuran hanggang sa paghaplos sa aking katawan. Unti-unti kong idinilat ang aking katawan. Naaninag ko ang mukha ng lalaki sa aking paningin dahil sa liwanag mula sa lampshade. Bumungad sa akin si Edwyn. Namumungay ang mga mata niya nang nagtama ang aming paningin. Patuloy pa siya sa kaniyang ginagawa. "E-Edwin..." "I miss you." namamaos niyang sabi, pabulong. "Bakit parang nangangayayat ka?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig para matauhan. Kusa ko hinawakan ang kamay niya, pinipigilan sa anumang babalakin niya. Mukhang nakuha niya. Subalit kusang kumunot ang noo niya dahil sa aking ginawa. Hindi niya pwedeng malaman kung ano ang kalagayan ko ngayon. Na may sakit ako. Na may alam din ako sa mga ginagawa niya. Lahat. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko." medyo matigas at maawtoridad niyang sabi. Ibinuka ko ang aking bibig. Nangangapa ako nang idadahilan. "Wala akong gana, kaya kaunti lang kinain ko." mas lumungkot ang aking pakiramdam. "At, wala akong gana gawin ang gusto mo ngayon, Edwin." "Ang tagal kong nawala, hindi mo man lang ba ako namimiss, ganoon ba?" bakas sa boses niya ang pagkairita. Tama, halos dalawang buwan ka nang nawala sa tabi ko. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. "Nilalamig ako ng mga nakaraang araw at hindi maganda ang pakiramdam ko. Baka sisipunin ako. Ayokong mahawa ka." mahinahon kong sagot. Rinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga niya. Sa puntong ito ay tila wala na siyang magagawa pa. Sa halip ay pinatay nalang niya ang lampshade. Kinuyom ko ang aking kamao. Pumikit ako ng mariin. Parang sinaksak na naman ako ng ilang ulit kaya kumawala na naman ang luha at hinayaan ko lang kung saan man ito pumatak. Hangga't nabubuhay ako, hangga't may natitira pa akong hininga, Edwin, titiisin ko ang panlalamig mo. Na halos itakwil mo na ako bilang asawa mo. Pero ang pinakamasakit lang, sa kabila ng mga ginagawa mong 'to, kilala mo lang ako bilang asawa mo kapag pareho na tayo sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD