Seraphine Rose
Zachary Hofs did not leave my mind after the second time that we met at my work. I barely managed to get enough sleep because the thought of what he said yesterday kept me awake. Alam ko naman ang gusto niyang iparating. Hindi ako inosente para roon.
Nalaman ko rin kay Vonie na talaga ngang big time si Mr. Hofs. Siya ang may-ari ng SkyWing Aviation. Kaya pag-uwi ko kagabi, nag-research agad ako about sa kumpanya niya at pangalan niya nga ang lumabas bilang may-ari.
Pero wala rin akong masyadong nakita na tungkol sa kanya. Walang impormasyon doon tungkol sa personal na buhay niya maliban sa bilyonaryo siya at kilala sa buong mundo dahil ang business niya ay pang international din.
“Ano bang gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.
I don’t have class, and I also don’t have work today. All I want for now is to sleep. To have a complete rest. Pero hindi ko alam kung paano ko gagawin ang bagay na ‘yon kung isip naman ako nang isip kay Mr. Hofs.
Napabuntong hininga ako ng bigla naman tumunog ang phone ko. Napatingin ako sa cellphone ko sa gilid ng ulo ko at dinampot ko ‘yon habang nakahiga pa rin ako. Hindi ko na tinignan ang caller at basta na lang sinagot ang tawag.
“Seraphine.”
“Daddy!” mabilis akong napaupo sa kama nang makilala ko ang boses na kinasakit ng ulo ko dahil sa bigla kong pagbangon.
I close my eyes, and I massage my head. I overreacted because I did not expect that my dad would call me. Bago ‘to at hindi naman talaga tumatawag sa akin si Daddy. Palaging ako ang tumatawag sa kanya.
“Prepare for tomorrow night. I have a meeting. I will send you the time and location.”
“Me? Talaga po, dad? Isasama niyo po ako sa meeting niyo?” sunod-sunod na tanong ko dahil parang mali ang narinig ko.
Ito ang unang beses na isasama ako ni Daddy sa meeting niya kung talagang totoo nga ang narinig ko. Pagdating kasi sa negosyo, palaging si Angelina ang sinasama niya.
“Are you deaf, Seraphine?” my dad asked sarcastically. “I will not repeat myself to you. It’s not my fault that you are deaf.”
Gusto ko lang naman masigurado na tama ang narinig ko kaya nagtatanong ako. Pero syempre hindi ko sinabi ‘yon, “Okay po, dad,” magalang na sambit ko sa kabilang linya. “So—”
I did not finish what I was about to say because I heard Angelina’s voice in the background.
“Dad, instruct that stupid girl to attend the meeting in a seductive dress tomorrow evening, para magustuhan talaga siya ng matandang lalaki na papakasalan niya!”
My mouth dropped because of what I heard from my sister. I know she’s not lying dahil ito ang usapan namin noong huli kaming magkita sa bahay. Hindi pwede mangyari ‘to dahil ayoko pang makasal. Bata pa ko!
“D-Dad…”
Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung ano ang sasabihin ko pagkatapos kong marinig ang mga ‘yon kay Angelina. Sobrang saya ko na isasama ako ni Daddy sa kanya pero hindi ko alam na ito pala ang dahilan. Ayokong maikasal dahil lang sa pera.
Isang beses lang akong ikakasal sa buhay ko at ayokong pakasalan ang hindi ko naman kilala.
“You heard it, Seraphine,” dad said coldly. It feels like he does not care, even though I already told him that I don’t want to get married. “Follow me because this is the only thing that you can do to repay me for all the things I did for you. Magkaroon ka naman ng utang na loob kahit pa paano!”
Ito pala ang kabayaran sa pagkupkop niya sa akin. Ang magpakasal sa lalaking hindi ko naman gusto. Ang hayaan na mawala sa akin ang kasiyahan ko para sa negosyo.
“’Di ba, daddy, okay naman ang business mo? Maayos naman po ang lahat kaya bakit ko pa kailangan na—”
“Shut up, Seraphine! Ayokong marinig ang pagrereklamo mo! Daddy yelled. “If I don’t see your face tomorrow night, I will make sure that you will be the next homeless person scattered in this city!”
He ended the call, and I burst into tears out of frustration. It feels like a knife stabbing my heart because it’s too hurtful. When Daddy Winston adopted me, I thought I would never feel empty, but ever since I lost my parents, there has always been a lot of empty space inside me.
I’m still alone at the end. I am always alone, and I don’t have anyone besides me to help me or to take my side.
I WENT out of my apartment wearing my jacket while the hood was on my head while walking in the middle of a rainy street. My head is looking down on the path that I am walking, where the rain falls. Basang-basa ang mga sapatos ko pero alam kong mas basang-basa ang mga mata ko.
I cried while walking outside to go somewhere. I want to feel the rain. I want to think. And I want to go to my parents. I want to see them…
“Ah!” I bumped into a wall, and because of the impact, I stepped backward. I thought I would fall, but the wall held my waist!
No! Hindi ‘yon wall! Tao ‘yon!
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa taong pumulupot ang braso sa bewang ko para suportahan ako at sa pangatlong pagkakataon sinalubong ako ng mapupungay na mga mata ni Mr. Hofs.
His forehead frowned when he saw my eyes. I gently pushed him, stood straight in front of him, and wiped my cheeks.
Mr. Hofs’ wearing a black jacket, covering his head, and he’s also wearing black pants.
“Why the f*ck are you crying?” he asked coldly.
“I’m not.” Iniwasan ko ang mga mata niya at napatingin ako sa gilid ng kalsada. Nakita ko ang isang itim na Mercedes na naka-park sa gilid at sa tingin ko kanya ‘yon dahil mamahalin ang kotse.
“You are crying,” he uttered coldly. “What happened?”
“It’s just the rain, Mr. Hofs,” tipid na sagot ko.
Hindi ko alam kung bakit pa kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Ayokong may makausap na kahit sino ngayon. Gusto ko lang na mapag-isa muna.
Humarap ako sa kanya at sinalubong ang mga tingin niya, “I’m not cry—”
“Hindi ako pinanganak kahapon, Seraphine,” madiing putol niya sa sasabihin ko.
Napaawang ang labi ko dahil sa diretso at matigas na pagsasalita niya ng Filipino language. Hindi ko in-expect na gano’n siya kagaling. Akala ko foreigner siya dahil may accent din siya…
Nang makabawi ako sa pagkagulat, isinara ko ang labi ko, “Kailangan ko ng umalis, Mr. Hofs.”
Mabilis akong tumalikod sa kanya pero agad niyang nahawakan ang braso ko at hinarap ako sa kanya ng walang kahirap-hirap. Naramdaman ko ang dahan-dahan na paghina ng ulan at mukhang matatapos na.
“I made myself clear that I want you, Seraphine,” he said, straight to the point that makes my heart jump. “I will not hurt you, and I will not let anybody hurt you. You protected me, and this time I want to protect you.”
So, pakiramdam niya may utang na loob siya sa akin dahil sa ginawa kong pagtulong sa kanya.
“Hindi mo na ko kailangan protektahan, Mr. Hofs,” magalang na sambit ko. “Ginawa ko lang ang nararapat kong gawin nang gabi na ‘yon dahil alam kong responsibilidad ko ang nangya—”
“I don’t care about your reason, Seraphine.” Zachary cut me off like a superior who has the authority to halt anyone who wishes to speak. “I told you; I want you.”
A young, rich, and handsome man wants me…
“Now, who the f*ck hurts you, Seraphine?”