Seraphine Rose
“We need to find a way to get into billionaire people’s businesses. Kailangan natin sila.”
‘Yon agad ang narinig ko mula sa daddy ko habang marahan ang bawat paghakbang na ginagawa ko papunta sa dining area kung nasaan sila ng kapatid ko.
After my class, I immediately went to my father’s mansion here in Oak Residence. Daddy Winston has a huge house and five cars, but he wants me to be independent. Kaya lumipat ako sa apartment mag-isa para matuto sa mga bagay-bagay. Pinili ko na rin magtrabaho para talagang matutunan kong maging independent.
Naiintindihan ko naman na gusto ako ni Daddy na matuto tungkol sa kung ano ba talaga ang normal na ikot ng buhay. Hindi ‘yong aasa na lang ako palagi sa pera niya na ibibigay niya sa akin.
“Daddy, I can marry a rich and handsome man who can help our business grow!” my sister said. Angelina. The real daughter.
“No,” matigas na sagot ni daddy.
Pumasok na ko ng tuluyan sa dining area at napalingon silang dalawa sa akin. Ngumiti ako sa kanilang dalawa pero agad din nilang inalis ang tingin sa akin. Sila lang din ang tao rito sa dining area. Ang mommy ni Angelina ay namatay na noong ipanganak siya at pagkatapos no’n hindi na rin nagpakasal o naghanap pa ng ibang babae si Daddy Winston.
“Angelina, walang mayaman at may itsurang lalaki na magpapakasal sa’yo lalo na kung bata pa. Kahit pa gaano ka kaganda, wala silang pakialam sa kasal,” seryosong saad ni daddy.
Tahimik akong naupo sa kaliwang side ni Daddy at napatingin sa mga pagkain sa harapan ko. Hindi naman ako nagugutom at gusto ko lang talaga na makita sila pero mukhang busy sila sa usapan nila tungkol sa business.
“Seraphine is the one who needs to marry a rich man for our business.” Daddy looked at me at nasa akin na ang buong atensyon niya ngayon. “Para naman may magawa kang maganda para sa pamilya namin.”
Napalunok ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Daddy Winston sa akin. Biglang bumalik ang ala-ala ko noon. My biological father had a business before he died. He owns three big malls here in Metro Manila, and his partner in business is Daddy Winston. So, when my father died, all his shares became Daddy Winston’s shares.
“Dad, gusto ko pong mag-focus sa pag-aaral ko—”
“And what are you studying?” He cut off my words. “Accounting? There is no money in accounting, Seraphine! You should follow Angelina’s path. She’s studying science to be a doctor.”
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko na lang. Alam ko naman na wala talaga kong laban pagdating kay Angelina. I know na disappointed ang daddy Winston ko dahil sa pinili kong program. Pero gustong-gusto ko talaga ang inaaral ko. Malapit na rin akong matapos kaya ayoko naman na tumigil pa.
“I’m sorry, dad,” mababang boses na saad ko dahil ‘yon lang naman ang kaya kong iparating sa kanya.
“And why are you even here, Seraphine?” tanong ni Angelina. I lifted my head and looked at my sister sitting in front of me.
“I just want to visit.”
“We don’t need you here, Seraphine. You are not helping us with our business, so you should not have come here.” She rolled her eyes at me.
I am so strong at my work and at my university. I never let anyone say bad things about me, but when it comes to my family, it always hurts, and I can’t do anything about it.
“I’m done,” my father said, and he stood up and left us.
Pinanood ko ang likod ni daddy habang palabas siya ng dining area hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nang tuluyan na siyang mawala sa mga mata ko, bumalik ang tingin ko kay Angelina na masama na naman ang tingin sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Ayoko lang talaga siyang patulan dahil mas nakakatanda ako sa kanya. Mas nakakaintindi ako.
“My dad lost his appetite because you came here. You ruined our dinner, orphan! Hindi ka na sana pumunta pa rito sa bahay namin!” she hissed and stood up madly, which made the chair move fast backwards and make a noise.
Alam ko naman na hindi niya ko gusto noon pa man na lumipat ako rito sa bahay niya at ampunin ni Daddy Winston. Hindi rin naman niya ko tunay na kapatid kaya gano’n na lang din ang inis niya sa akin. But I never remove my respect for them because they are the only family I have, especially Daddy Winston. He gave me everything. Yes, he lets me become independent, but he is still the one who pays for everything I need for university and my tuition. Even though he really doesn’t like my program.
“SERAPHINE! Mabuti naman nandito ka na! Diyos ko!” ani ng manager kong si Vonie sa akin pagpasok na pagpasok ko ng resto-bar na pinatatrabahuhan ko.
“Ah… May problema ba?” kinakabahan na tanong ko at naglakad papunta sa locker room namin para ilapag ang mga gamit ko.
Pagpasok na pagpasok ko sa locker kasama si Vonie, binuksan ko agad ang locker ko at ipinasok ko ang mga gamit ko. Kinuha ko ang apron ko at hairnet at humarap ako kay Vonie habang sinusuot ko ang mga ‘to.
Mukha siyang stress na stress kaya mas lalo akong kinabahan. Baka tungkol ‘to sa nangyari noong nakaraan…
“Uhm… May nagawa ba ko—”
“Seraphine, absent si Maggie simula noong Sabado! Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Wednesday na ngayon pero wala pa rin ang gaga!”
Absent siya simula Sabado? Dahil ba ‘yon sa nangyari noong Friday? Pero wala naman akong pinagsabihan na kahit na sino. Noong dumating ‘yong security ni Mr. Hofs, bumalik na rin ako sa trabaho ko pero hindi ko na nga nakita si Maggie pagbalik ko.
“Tapos ito pang si Nick biglang uuwi raw sa probinsya nila! Ang gagaling!” iritadong sigaw niya sa harapan ko.
“Magtatrabaho na ko, Vonie,” mahinahon na saad ko.
Ang dami kong gustong isipin pero mamaya na. Kailangan kong magtrabaho muna kaysa isipin sila Maggie na may hindi magandang ginawa.
Hinawakan ko ang pinto ng locker room namin at pinihit ko ‘to pabukas. Hinila ko pabukas ang pinto pero agad na sinara ‘yon ng kamay ni Vonie kaya napalingon ako sa kanya.
“May problema ba?” kalmadong tanong ko kahit kinakabahan na ko.
Paano kung alam pala ni Vonie ang nangyari? Paano kung ako ang sisihin niya?
“Hindi mo na kailangan tumulong sa kanila sa labas,” kalmadong sambit ni Vonie sa akin.
“Huh?” naguguluhan na tanong ko.
Wala kaming dalawang empleyado so basically kulang kami sa tao pero ito ang sinasabi niya?
“Maraming customer sa labas, Vo—”
“May lalaking VIP customer tayo ngayon na naghihintay sa’yo sa third floor.”
My mouth dropped because of what I heard. The third floor is the most private room here at ‘yon din ang pinakamahal sa lahat. Tapos lalaki pa ang nasa taas…
“Vonie—”
“H’wag kang mag-alala, Seraphine. Wala naman siyang gagawin na masama sa’yo,” ani ng boss ko na puno ng assurance. “Kahapon nagpunta rin dito ‘yong lalaking ‘yon at hinahanap ka pero sabi ko wala kang pasok dahil may klase ka. Kaya tinanong ko siya kung gusto ba niyang contact-in kita dahil big customer ‘yon, Seraphine. Big customer.” Pinagdiinan pa niya ang huling salita.
I don’t know why, but Mr. Hofs immediately came to mind…
“Pero alam mo ba, ‘tong big customer na ‘to ayaw niyang contact-in kita. Sabi niya maghihintay na lang daw siya na pumasok ka dahil ayaw ka raw niyang maistorbo. Kaya sigurado ako na gusto ka ng lalaking ‘to. Siguradong-sigurado ako, Seraphine. Baka isa rin ‘to sa mga nagkagusto sa’yo rito.”
Dahan-dahan akong napailing kay Vonie dahil wala talaga kong oras sa ganyan. Graduating na ko at masyado akong busy para isingit pa sa oras ko ang pakikipag-relasyon.
“Pupunta na ko sa third-floor,” pagpapaalam ko kay Vonie.
She nodded at me, so I went out of the locker room, and I immediately walked towards the stairs to go to the second floor. When I reached the second floor, I walked through the hallway, and I stopped at the end of the hallway, where there was an elevator. I click the elevator button, and I enter the passcode because it will not open without one. Only the staff knows about the passcode, while VIP customers usually use a card.
The lift opened for me, so I went inside, and my heart started to beat so fast again, and I don’t know why. For what reason is my heart beating like this? O baka dahil nasosobrahan na ko sa kape ko?
Pinindot ko ang V button at sumara na ang pinto. Napapikit ako nang madiin pero ilang saglit lang at narinig ko rin ang pagtunog ng elevator. Binuksan ko ang mga mata ko kasabay nang pagbukas ng pinto.
Dahan-dahan akong humakbang palabas habang pinagmamasdan ang lalaki sa dulo ng kwarto. The light is so dim that I can see the back of a tall man with a broad shoulder in front of the glass wall. I am astounded by how flawless his back appears while he’s wearing a suit and slacks.
“H-Hi, sir,” nauutal na bati ko! “My boss said that you want to talk to me.” Dagdag ko pa at this time hindi na ko nautal!
Dahan-dahan na humarap sa akin ang lalaki at sunod-sunod ang paglunok ko ng laway ko nang makita ko kung sino ang lalaking nandito! Tama nga ko! Anong ginagawa niya rito? Siya ba ang rason kung bakit wala si Maggie ngayon?! Pero imposible dahil wala naman siyang alam tungkol sa ginawa ni Maggie at ni Nick.
“M-Mr. H-Hofs…” nauutal na naman na sambit ko sa pangalan niya.
“You looked so scared, my angel,” he said, which sent shivers down my spine. “I will not hurt my angel.”
Hearing that endearment from him again and again makes me feel a new feeling inside me. Somehow... it comforts me na kahit kailan hindi ko pa naramdaman simula nang mawala ang mga magulang ko. Pakiramdam ko walang mangyayaring masama kahit pa lalaki ang kasama ko ngayon sa kwartong ‘to.
“Come here, Sera...”
And like a slave again, I walked towards him, who’s still standing in front of the huge glass wall while his left hand is in his pocket.
Huminto ako sa harapan niya at naramdaman ko agad ang kanang kamay niya na marahan na dumapo sa bewang ko. Wala akong naging kahit anong reaksyon at nagustuhan pa ng katawan ko kung paano niya ko maingat na hinahawakan ngayon sa bewang ko.
“How are you, my angel?” he asked with a tone filled with warmth.
“I’m good,” I replied, almost whispering.
Damang-dama ko ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa kaba ko sa sobrang lapit ko sa kanya.
“Then why are you so scared? Hmm?” Umangat ang isa niya pang kamay at dahan-dahan na dumapo sa hairnet na suot ko.
Inalis niya ang hairnet at naramdaman ko ang pagkahulog no'n kasabay nang pagbagsak ng buhok kong lumagpas sa balikat ko. Marahan niyang inilapat ang palad niya sa buhok ko at hinaplos 'to nang dahan-dahan.
Bumaba ang mga mata ko sa mga labi niya at kitang-kita ko kung paano umangat ang isang sulok ng labi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na kabang-kaba pero hindi talaga nakatulong ‘yon.
I feel his hand snaking around my waist and slowly pulling me towards him until there is no space between us. My body becomes more tense, and I look up at his mesmerizing blue eyes, which seem to have the magic of controlling me.
“I’m not scared,” I mumbled.
Why would I be scared of this man? He did not do something bad to me.
“Good, because you should not be scared of me, my angel. I will not hurt you, and I will never let you get hurt,” he said coldly.
“Why do you want to see me?” I changed the topic because I don’t know what will happen to me if he continues to talk like this.
“Because I want my Seraphine.”