bc

The Heartless Don's Angel

book_age16+
5.5K
FOLLOW
73.7K
READ
billionaire
HE
arranged marriage
arrogant
mafia
bxg
lighthearted
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng babae gagawin maikama lang sila ng isang Zachary Ellis Hofs pero isang babae lang din ang gustong-gusto ni Zachary na makuha.

“Kapag sinaktan ka niya, wala kong pakialam kung kapatid ko siya. Papatayin ko siya.” - Zachary Ellis Hofs

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Seraphine Rose “Good evening, ma’am. What’s your order?” It’s a busy night again. Maraming tao ngayon dito sa resto-bar na pinatatrabahuhan ko— Elite Highball Club. Hindi na bago ‘to dahil Friday pa naman ngayon kaya mas maraming tao ngayon. “Baby back ribs with mash potato and wine,” nakangiting sagot sa akin ng babaeng customer sa tabi ng glass wall. “Ano pa po, ma’am?” magalang na tanong ko habang sinusulat ang order niya sa papel na hawak ko. “That’s all and please pa add na lang ng water,” ani pa nito. “Okay po.” Kinuha ko ang menu sa table niya at naglakad ako papunta sa kitchen. Pagpasok na pagpasok ko sa kitchen, amoy na amoy ko agad ang mabangong amoy dahil sa iba-ibang mamahalin na pagkain. Our resto-bar is a one of the famous place here in Makati Downtown dahil sa masasarap na pagkain. Pricey pero masarap talaga. “Order for table 17!” sigaw ko at dinikit ko ang post it note na order ng customer sa pader kung saan nakalinya lahat ng order ng mga customer. Hindi ako nagtagal sa kusina at lumabas din agad para asikasuhin ang ibang customer. Napadaan ako sa harapan ng bar counter at napatigil ako dahil humarang si Maggie bigla sa harapan ko habang hawak ang tiyan niya. “Seraphine, emergency lang. Paki dala naman nitong order ng private room sa second floor. Room 7.” “Sige ba,” mabilis na sagot ko dahil mukhang masakit ang tiyan niya. “Salamat! Salamat!” mabilis na sagot ni Maggie sa akin at umalis din siya sa harapan ko. Kinuha ko ang tray sa ibabaw ng counter na may dalawang wine glass at napatingin ako sa bartender namin na umiiling-iling sa akin. “Nagdadahilan lang ‘yan si Maggie dahil masyadong maraming tao at tinatamad magtrabaho,” ani ni Danny. “Baliw!” natatawang sagot ko sa kanya at umalis din agad para magtungo sa ikalawang palapag. Hindi naman magloloko ng gano’n si Maggie lalo na’t marami kaming customer ngayon. Tsaka hindi naman siya tamad. Mapagloko lang talaga si Danny. Pagdating ko sa hallway ng second floor, naging tahimik kumpara sa first floor na masyadong busy sa dami ng customer. Three story ang restaurant namin. First floor ay para sa lahat talaga habang ang second floor pang private room naman and ang third floor naman ay para sa mga malalaking party. Huminto ako sa harapan ng room 7 at hinawakan ko ang tray gamit ang kanang kamay ko. Kumatok ako sa pinto at pinihit ko ang doorknob pabukas. Sana naman walang ginagawang kababalaghan ang tao rito sa loob… “Mr. Hofs, this is a win-to-win offer.” Napatingin ako sa matandang lalaki na nagsalita habang nakaupo siya sa couch. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila dahil hindi man nila ko nilingon kahit saglit. Diretso lang ang tingin ng matandang lalaki na nakasuot pa ng pormal na suit sa lalaking kaharap niya. Mr. Hofs… That’s his name. The guy is wearing his white polo dress shirt. I can’t see the face of the guy, but his build is sexy. I can see from here his biceps in his tight white dress shirt while he is wearing sunglasses. Nag-igting ang panga niya at nakakaintimida ang paggalaw no’n kahit hindi pa siya diretso na nakatingin sa akin. “Excuse me, sir. I’m here for your drinks,” I said with gentleness. Ayoko talaga na ma-interupt ang pag-uusap nila pero ayoko rin naman na magtagal dito para marinig ang pag-uusapan nila na mukhang personal. Mukhang parehas na mayaman ang dalawa at hindi na rin nakakagulat dahil karaniwan na customer talaga rito ay mga taga corporate. Dahil sa suot nila kaya alam kong mayaman sila. I know that brand. I know how to find out if the suit is expensive or not. I am good at looking at expensive and not expensive things because my father, Winston Everhart, is wealthy and has all his things expensive. “You just need to marry my daughter, Mr. Hofs, and I will give you my company in New York,” the old man uttered desperately. Itinago ko agad ang pagkagulat ko dahil sa narinig ko mula sa matandang lalaki. Dahan-dahan kong inilapag ang wine sa ibabaw ng center table sa pagitan nilang dalawa at nagsimula akong kabahan. And I don’t know why… Tumayo ako ng diretso sa harapan nila at hindi ko mapigilan na sulyapan na ang tinatawag ng matandang lalaki na Mr. Hofs. Marami na kong nakitang gwapong lalaki pero iba ang lalaking ‘to. Hindi lang siya basta gwapo dahil sobrang gwapo siya. Bagay na bagay pa sa kanya ang salamin na suot niya. Hindi siya mukhang nerd sa salamin niya sa mata… this guy, Mr. Hofs, is build different. He’s not just handsome. He’s like a king sitting on the couch while his two elbows are pressing his two knees. His legs are wide open, and he’s so big that the sofa looks so tiny. “I don’t like marriage, Mr. Eversman. I am not interested in your offer.” I almost drop the tray I am holding out of shock because of how cold and deep his voice is. Parang manginginig na ang mga tuhod ko. Kinabahan ako kaya napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko pa alam niyang nakatingin ako sa mukha niya! “Do you need anything, sir?” magalang na tanong ko habang nakatingin na sa matandang lalaki. “Mr. Hofs, what do you want? My daughter is beautiful, and she graduated as a law student. She will also pursue being a doctor after that. She’s also a virgin.” Gusto kong umiling pero ayokong lumabas na bastos kung gagawin ko ‘yon pero parang grabe naman yata ang matandang lalaking ‘to. Para bang binebenta niya ang anak niya. Hindi niya rin pinansin ang sinabi ko at para lang akong hangin dito. Para tuloy ang awkward at hindi ko alam kung paano ko aalisin ang sarili ko sa harapan nila. Bakit parang ang desperado ng matandang lalaking ‘to na ipakasal ang anak niya sa lalaking ‘to? Hindi ko mapigilan na isipin ‘yon imbis na dapat iniisip ko kung paano aalis sa harapan nila. “We don’t need anything,” mahinahon at kalmadong sambit ni Mr. Hofs. Hindi kasing lamig tulad kanina. Hindi ko mapigilan na lingunin na naman siya at nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Parang mas nabigyan pa tuloy ako ng pagkakataon na pagmasdan ang buong mukha niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, magandang labi at ang mga mata niya… He’s looking at me with his dazzling blue eyes while holding his wine glass. I know hindi siya pure Filipino. Kitang-kita ko ‘yon sa mga mata niya na natural na natural ang kulay. Oh, baka nga wala rin pagka-Filipino sa dugo niya. Hindi yata pwedeng mag-Filipino sa harapan niya. “E-Enjoy your drinks, sir,” nauutal na kinakabahan pa na saad ko na para bang ang tagal kong hindi naibuka ang labi ko para magsalita. Pero pinanatili ko pa rin ang ngiti sa labi ko kahit punong-puno na ng kaba ang dibdib ko ngayon. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya dahil para kong na-lock sa mga mata niya. “Call me if you need anything,” magalang na saad ko pa. The side of his lips slightly rose to make a smirk on his lips, and he nodded to me, ignoring the guy he was talking to. Ngayon parang ang matandang lalaki naman ang hangin dito dahil hindi siya pinansin ni Mr. Hofs. Umalis ako sa harapan nila at tumalikod na. Naglakad ako papunta sa pinto at pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin o baka guni-guni ko lang ‘yon. Lumabas ako ng private room nila at dahan-dahan kong sinara ang pinto. Doon lang ako nakahinga nang maluwag na para bang pinipigilan ko ang paghinga ko sa loob ng pribadong kwarto na ‘yon. “Back to work, Seraphine,” bulong ko sa sarili ko. Tumayo ako ng diretso at naglakad na muli sa gitna ng hallway papunta sa hagdanan para bumaba sa unang palapag. Tahimik sa second floor pero sa totoo lang mas gusto kong nag-se-serve sa first floor dahil ayokong makakita na naman ng mga tao na may ginagawang kababalaghan. “Siguraduhin mo lang na hindi ako sasabit dito sa plano mo!” narinig kong sigaw ni Maggie. Napatingin ako sa room number 1 na malapit sa hagdanan dahil doon galing ang sigaw niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit doon. Sound proof ang mga kwarto rito pero dahil sa medyo nakaawang na pinto, narinig ko ang sigaw ni Maggie. Alam kong hindi ko naman dapat siya pakialaman pero akala ko masakit ang tiyan niya? Pero sino ang kausap niya? Parang galit pa siya. “Ayokong mapahamak ang buhay ko dahil sa utos mo, Nick! Masyadong mayaman ‘yong lalaking ‘yon! Kapag ako sumabit talaga dito! Mawawalan ako ng trabaho at—” “Tumahimik ka nga!” sigaw ng galit na galit na boses ni Nick. Katrabaho rin namin. “Putak ka nang putak, Maggie!” Napailing-iling ako at alam kong masamang nakikialam pero kapag nagpatuloy sila sa pag-aaway nila baka maistorbo nila ang ibang tao rito. Kaya hinawakan ko ang doorknob at handa na sanang buksan pero napatigil ako dahil sa sunod na sinabi ni Nick. “Ikaw ba ang nagbigay ng order nila hah?!” iritadong tanong ni Nick na nagpakunot sa noo ko. “Hindi naman ikaw kaya itahimik mo na lang ‘yang bunganga mo! Kung magkabukingan man, hindi ikaw ang malalagot kundi si Seraphine!” Napaawang ang labi ko at kinabahan agad dahil nabanggit ang pangalan ko. Hindi ko alam kung anong nangayari pero sigurado ako na hindi maganda ‘to. “Tang*na, Nick! Paano naman si Seraphine! P*ta! Wala naman siyang ginagawang masama tapos siya ang masisisi dahil sa drugs na nasa inumin ni Mr. Hofs!” Drugs… May drugs ‘yong alak na ‘yon na dinala ko sa private room. Si Mr. Hofs… Nakita kong hawak na niya ang wine glass bago ako lumabas ng kwarto na ‘yon! “Oh, anong gusto mo, Maggie, hah?! E ‘di akuin mo na lang para ikaw ang mapata—” Hindi ko na natapos marinig ang mga sumunod na sinabi ni Nick. Sa takot at kaba ko na baka may mangyaring masama kay Mr. Hofs, tumakbo ako pabalik sa private room nila. Mabilis ang pagtakbo ko kaya mas lalong dumoble ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Nang makarating ako sa harapan ng private room nila, hindi na ko kumatok. Binuksan ko na agad ang pinto na kinalingon agad sa akin ng matandang lalaki na hawak ang daliri ni Mr. Hofs na walang malay! “What are you doing here?!” galit na singhal sa akin ng matandang lalaki. “What are you doing to him?!” I shouted back. I looked at Mr. Hofs and saw him sleeping with his head lying on the back of the couch. Dumako rin ang mga mata ko sa center table at dahan-dahan akong naglakad palapit doon dahil nakita ko ang isang papel. Nang malapitan ko ang lamesa, nakita ko na isang marriage certificate ang nandoon! “Gusto mo siyang papirmahin sa marriage certificate ng hindi niya alam?” gulat na gulat na tanong ko. Mukhang hindi niya talaga nakuha ang loob ni Mr. Hofs tungkol sa kasal na offer niya kaya sa maling paraan niya ginagawa ang lahat! Talagang desperado siya… “Get out! Get out! Hindi kita kailangan dito kaya lumabas ka na bago pa kita—” “Ikaw ang umalis!” sigaw ko pabalik at tinulak siya palayo kay Mr. Hofs kaya napaatras siya at nabitawan ang kamay ni Mr. Hofs. I am nervous and, at the same time, mad sa matandang lalaking ‘to na masyadong mapagsamantala. I won’t let this guy have his evil plans! I heard their conversation a while ago, and he is desperate for an arranged marriage between Mr. Hofs and his daughter! He’s so desperate that he asks someone to put drugs on Mr. Hofs’ wine so he can make Mr. Hofs sign a marriage certificate with his fingerprint! “What do you think you are doing?!” his voice thundered. “What am I doing?” I laughed sarcastically. Nagpapatawa pa talaga siya. I get the marriage certificate on the table and tear it in front of him, making him more mad. Dapat kong punitin ‘to bago pa niya mapapirma si Mr. Hofs. “I should be the one to ask that. What are you doing to this guy? You drugged him para lang makuha ang gusto mo!” “Talaga?” malakas siyang humalakhak. Nakakatakot… “Ako ba talaga o ikaw?” Napaawang ang labi ko at kinabahan lalo pero hindi ko hinayaan na matakot sa harapan niya pero kitang-kita ko ang paglawak ng ngisi sa labi niya dahil sa reaksyon ko na nakita niya. “Ikaw ang naglagay ng drugs sa inumin niya. Sino ka ba? Ano bang magagawa mo? Empleyado ka lang dito at walang maniniwala sa mga taong tulad mo na kumikita lang ng minimum.” Napailing-iling ako dahil sa kasamaan ng ugali ng lalaking ‘to. Marami talagang mayaman na akala nila sila na ang Diyos na pwedeng mag hari-harian. “You drugged him…” he smirked. Napahakbang ako paatras dahil sa takot. Gusto kong tumakbo na palayo at ilayo ang sarili ko sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko hindi ako mananalo… “F*ck you, Eversman…” Mr. Hofs whispered coldly. Mabilis akong napalingon sa kanya at nakapikit pa rin ang mga mata niya habang nakapatong ang ulo sa head rest ng couch. Sana narinig niya ang lahat dahil ayokong madamay. Malalagot ako sa daddy ko… “I will f*cking kill you,” he said coldly, even though he didn’t have the energy. “F*cking run, Eversman. Run.” I looked back at the old man and saw how his face turned pale. It’s like he lost the blood on his face because of how scared he was of Mr. Hofs. And he runs toward the door na para bang tumatakbo siya para iligtas ang buhay niya kahit hindi naman siya kayang labanan ni Mr. Hofs dahil under pa ‘to ng drugs. “F*ck.” I looked back at Mr. Hofs as he cursed. Naiwan kaming dalawa sa private room at doon lang ako nakampante dahil wala na ‘yong matanda. Ginalaw niya ang kamay niya at dinala ‘yon sa bulsa ng slack niya. Kinuha niya ang phone niya at kitang-kita ko na hirap na hirap siya sa pagkilos niya. Ang bagal-bagal din niyang gumalaw at mukhang ‘yon ang epekto ng drugs sa katawan niya. Ni hindi niya rin maidilat nang maayos ang mga mata niya. “Call my security,” he commanded, and he handed me his phone. I immediately took his phone from his hand and opened it. There’s a passcode on his phone, and I was about to ask him about it, but he already responded. “012005” Mabilis kong nilagay ang passcode niya sa phone niya at bumukas agad ‘yon, “What is the name of your secu—" “One,” he cut my words. Napatango-tango ako kahit na hindi ko alam kung nakikita niya ba ko o na aanigan man lang dahil hindi niya talaga kayang ibukas nang maayos ang mga mata niya. “Nakita ko na,” mababang boses na saad ko, tama lang para marinig niya. Mabilis kong tinawagan ang security niya at nilagay sa loud speaker ang phone niya at inilapit ko sa kanya ‘yon. Dalawang ring pa lang at sumagot agad ang nasa kabilang linya. “Boss–” “Get me here,” he commanded like a king. “Noted, boss.” Wala na kong ibang narinig sa kabilang linya kaya pinatay ko na ang tawag. Alam kong may trabaho pa ko at marami pa kong kailangan gawin sa baba pero hindi ko rin naman pwedeng iwan na lang basta ang lalakig ‘to ng mag-isa lang siya. Under pa rin siya ng influence ng drugs. Pakiramdam ko responsibilidad ko siya ngayon. “Uhm… Sorry,” nahihiyang saad ko sa harapan ni Mr. Hofs habang nakatayo ako sa harapan niya. “I did not mean to give you a drink with drugs. I am not aware. It’s too late when I found out.” “You’re not late,” he replied, and his voice had no coldness, but it was still serious. “What’s your name?” he asked with a soft tone this time that felt like comforting my whole tensed body even though I didn’t need it. “I’m Seraphine,” I replied. “Come here beside me,” he commanded. I don’t know why, but I immediately obey him, like I am one of his slaves. I sat beside him, and he held my hand and put it on his lap. Napapisil siya sa kamay ko na hawak-hawak niya at ngayon lang ‘to. Ngayon lang may lalaking humawak sa kamay ko ng ganito na para bang ayaw akong pakawalan. “Don’t leave me, my angel.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.6K
bc

His Obsession

read
89.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook