Chapter 04

1644 Words
Seraphine Rose Nanahimik lang ako habang sakay-sakay ako ng sasakyan niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero mas lalong hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang ang sarili ko na pumasok sa back seat ng mercedez niya. Hinila ako papasok ng kotse ni Mr. Hofs kanina kaya ito ako ngayon sa tabi niya habang ang dalawang kamay ko ay nasa ibabaw ng hita ko. “What happened?” he asked seriously. Napaangat ang ulo ko sa harapan kung nasaan ang driver. Napatingin ako sa rear view mirror at nasalubong ko ang mga mata ng driver niya! Sa hiya ko agad kong iniwas ang mga mata ko. Napatingin ako sa kaliwa ko na sana hindi ko pala ginawa dahil nasa akin ang mga tingin ni Mr. Hofs na mukhang kanina pa niya ginagawa. “Ahm…” Wala akong masabi dahil parang hinihigop ng mga mapupungay niyang mga mata ang buong lakas ko. O baka wala naman talaga kong lakas dahil sa nalaman ko mula sa kapatid ko. May mga kaibigan naman ako pero hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang mga gusto kong sabihin. Kahit kailan hindi naman ako nagsalita kapag tungkol na sa pamilya ko. Dahil ang tingin ng mga kaibigan na mayroon ako sa pamilya namin ay perfect. Kaya ayokong magsabi dahil pakiramdam ko hindi ko pwedeng sirain ang expectation nila sa amin. Biglang may tumunog sa loob ng sasakyan at doon lang naputol ang pagtitig ko sa mga mata niya. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya at nakita kong may pinindot siyang switch doon. Napatingin ako sa harapan at nakita ko ang divider na dahan-dahan na bumababa na nagsisilbing harang sa pagitan namin at ng driver. “He will not hear us,” he uttered. I don’t know why, but I feel he did it because he wants me to be comfortable talking with him. Or maybe I’m being delusional. Sinabi niyang gusto niya ko kaya kung ano-ano na tuloy ang tumatakbo sa utak ko. “Tell me, angel…” he uttered sweetly with his tone convincing me. “O-Okay lang ako,” mababang boses na saad ko at napatingin sa ibabaw ng hita ko kung saan nakapatong ang mga nakasara kong palad. “I can do everything to find out what’s bugging you.” Mabilis akong napalingon kay Mr. Hofs dahil sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan na magsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. “Bakit mo naman gagawin ‘yon, Mr. Hofs?” mahinahon na tanong ko kahit na gulong-gulo na ko sa mga kinikilos at sinasabi niya. Alam kong big time siya tulad ng sabi ni Vonie dahil sa business niya pero hindi ko maintindihan kung bakit mag-aaksaya siya ng oras para lang malaman kung ano bang nangyari sa akin. “Mr. Hofs, personal ‘yon na kaya kong ayusin–” “Zachary, Sera,” putol niya sa akin. “Call me Zachary.” Umiling agad ako sa kanya dahil parang hindi maganda na tatawagin ko lang siya sa first name niya. Masyado siyang bigatin na tao. Kung ang Daddy Winston ko nasa 35 over 100 siya naman nasa 1000 over 100 na. “And I know you can fix your problem, but can you please let me?” he asked, almost begging. I don’t know kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Hindi ko naman siya gano’n kakilala. Natatakot ako na baka may masabi siyang hindi maganda patungkol sa pamilya ko lalo na kay Daddy Winston. Para bang multo sa akin ang mga sasabihin ng ibang tao. “M-My father wants me to get married…” Kitang-kita ko ang pagdilim ng buong mukha niya at ang pag-igting ng panga niya. ‘Yon pa lang ang sinasabi ko pero bakit parang galit na galit na agad siya? “Uhm… Mr. Hofs–” “It’s an arranged marriage.” It’s not a question from him but it’s a statement. Alam niya? Paano niya naman nalaman na arranged marriage nga ‘yon. “Paano mo–” “Who?” putol niya agad sa akin. “Hah?” naguguluhan na tanong ko. “Do you know who will you marry?” nakatiim bagang na tanong niya na para bang pinipigilan lang talaga ang galit niya sa harapan ko. Umiling ako sa kanya at mas lalong na depina ang panga niya dahil mas lalo lang ‘tong nag-igting. His sharp jaw line is so intimidating and that’s also make his eyes scary. “Mr. Hof…” mababang boses na tawag ko sa kanya. “Galit ka ba?” tanong ko pa. Nakalimutan ko pa ang dapat na itatanong ko sa kanya. Nawala na lang bigla sa isip ko dahil masyado na kong na distract sa mga mata niya. “What’s your plan to your arrange marriage?” tanong niya. Bakit parang interesadong-interesado siya sa bagay na ‘yon? Para bang ang dami niyang tanong or gustong sabihin sa akin tungkol sa pagpapakasal ko. “Bukas ang meeting namin,” sambit ko. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko basta ang alam ko kailangan kong sumipot.” Umiwas ako ng tingin sa kanya at napalingon ako sa bintana sa tabi ko. Tuluyan ng humina ang ulan… Pero karamihan pa rin sa mga tao na nadadaanan ng sasakyan ay mga nakapayong. “Pumunta ka.” Napalingon ako bigla dahil sa sinabi ni Mr. Hofs na hindi ko inaasahan. Akala ko pakikinggan niya lang ako pero may suggestion pa pala siya. Hindi naman ako nag-expect na tutulungan niya ko dahil alam kong wala rin siyang magagawa. “Pupunta talaga ko,” sagot ko. Lumingon siya sa akin at seryosong-seryoso pa rin ang mapupungay niyang mga mata pero mas mukha na siyang kalmado ngayon. “Do you want to see a show?” tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Hah?” naguguluhan na tanong ko. Dahan-dahan niyang ipinatong ang isa niyang kamay sa ibabaw ng kamay kong nasa hita ko. Napalunok ako sa sarili kong laway at hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang mga kamay niya sa akin imbis na ‘yon dapat ang ginagawa ko ngayon. “Trust me, Angel.” “For what?” hindi ko maintindihan na tanong sa kanya. “I will not let you get married.” Kumabog nang mabilis ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi na kailangan na kailangan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano niya gagawin ‘yon pero… gusto kong maniwala sa kanya. Gusto kong magtiwala sa kanya na may gagawin nga siya. Gusto kong magtiwala ulit sa lalaki… Narinig ko na naman bigla ang pagtunog ng divider kaya napatingin ako sa isang kamay niya na nasa button na mukhang para sa divider ng sasakyan. Ganyan din ang kotse ni Daddy Winston pero minsan lang naman ako nakakasakay. “Let’s go to my sister’s cafe,” maotoridad na utos ni Mr. Hofs sa driver niya. Biglang nag-u-turn ang sasakyan at natahimik na kami parehas pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Napalunok ako ng sarili kong laway at napatingin sa labas ng sasakyan. Hindi rin nagtagal huminto ang sasakyan sa isang coffee shop. Binuksan ni Mr. Hofs ang pinto sa gilid niya kaya binuksan ko na rin ang pinto sa gilid ko. Lumabas ako ng sasakyan at napatingin ako sa coffee shop na nasa harapan ko. Napatingala ako sa hanggang second floor na coffee shop na masyadong malinis tignan dahil sa grey, white and brown na theme nito. Napapalibutan pa ng glass wall ang coffee shop niya na may malinis na malinis na mga salamin. “Let’s go.” Napaigtad ako nang maramdaman ko ang braso ni Mr. Hofs sa likod ko. Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko man lang naramdaman na nasa tabi ko na pala siya. Inalis ko ang mga mata ko sa kanya at tumingin na sa harapan namin. Humakbang ako palapit sa pinto ng coffee shop at binati agad kami ng security guard pagpasok na pagpasok namin. “Kuya!” Mabilis akong napalingon sa babaeng sumigaw na nasa harapan ng counter. Parang ka-edad ko lang siya at sobrang ganda niya. Mahaba ang buhok niyang kulay brown at sobrang kinis ng balat niya. Mahahalata rin na foreigner siya kahit nasa tono niya na fluent naman siya mag Filipino. “What are you doing here, Kuya?” masayang tanong ng babae at humalik kay Mr. Hofs. Bigla akong nailang dahil ‘yong kamay ni Mr. Hofs nasa likod ko pa rin at nasa harapan kami ng kapatid niya. Kaya naman umurong ako ng konti palayo sa kanya na kinalingon sa akin ni Mr. Hofs na kunot ang noo sa akin dahil sa ginawa ko. Lumayo ako pero dinikit pa rin niya ang katawan niya sa akin. “Oh, hi!” Napalingon ako sa babae na sobrang laki ng ngiti sa labi na abot pa hanggang sa tenga niya. Kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Nakakahiya dahil ang ganda-ganda ng suot niya tapos naka-jacket lang ako! “I am Ashlyn. Youngest sibling ni Kuya Zach. Are you his girlfriend ba?” “Uh, no! No!” nakangiting sagot ko sa kanya habang umiiling pa. Naramdaman ko ang kamay ni Mr. Hofs sa likod ko na dahan-dahan na umaangat at baba. Maingat at sobrang marahan na hinahaplos ang likod ko. “You are making her shy, Ashlyn,” seryosong sambit ni Mr. Hofs. “No need na mahiya ka!” natatawang sambit ni Ashlyn sa akin at biglang hinila ang braso ko. “Ashlyn!” mahinang asik ni Mr. Hofs. Pero hindi siya pinansin ni Ashlyn at diretso lang ang paghila niya sa akin papunta sa hagdanan ng coffee shop at sumusunod naman ako. “Uhm… I am Seraphine,” mababang boses na pagpapakilala ko. “I actually know you na! I heard my brother talking about you! He likes you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD