Seraphine Rose
“Ano bang isusuot ko?”
Kanina pa ko nandito sa kwarto ko at hindi ko pa rin alam ang isusuot ko. Nakatapis lang ako ng tuwalya habang ang buhok ko naman ay napatuyo ko na.
Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Mr. Hofs kahapon. Tama naman siya. Hindi dapat ako magsuot ng kung ano man na maganda sa paningin ng papakasalan ko. Dapat nga pumangit pa ang tingin niya sa akin!
“Jeans and t-shirt na lang para hindi niya ko magustuhan…” Humugot ako nang malalim na hininga at binuksan ko ang drawer ko rito sa maliit na walk-in closet ng apartment ko.
Kumuha ako ng puting pantalon nang bigla naman may nag-doorbell kaya binitawan ko ang pantalon ko. Mabilis akong nagsuot ng panloob ko at pati ng pajama ko. Pagkabihis na pagkabihis ko tumakbo agad ako papunta sa pinto ng apartment ko.
“Coming!” I shouted.
Pagdating ko sa pinto agad kong pinihit ang doorknob pabukas at hinila ‘yon papunta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mr. Hofs! Ni hindi pa ko nakaayos!
“A-Anong ginagawa mo rito, Mr. Hofs?” tanong ko agad at dahan-dahan na nilakihan ang pagbukas ng pinto.
Napababa ang mga mata ko sa dala-dala niyang dalawang malaking paper bag. Ang laki ng katawan niya at pormal na pormal ang suot niyang white dress shirt tapos biglang may dala siyang dalawang malaking paper bag mula sa women’s boutique.
Hinatid niya ko kahapon sa apartment ko pero sa labas niya lang naman ako hinatid. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mismong unit ko. Siguro nagtanong siya…
“I bought something for you,” mababang boses na sambit niya at halos hindi ko na marinig ‘yon. Para bang hindi pa siya sigurado sa sinabi niya.
Kaya bumaba ulit ang tingin ko sa mga paper bag na dala-dala niya. Para sa akin ‘yon…
“Uhm… Pumasok ka muna.”
Nilakihan ko pa ang pagbukas ng pinto at gumilid ako para makapasok siya. Malaking tao si Mr. Hofs at halos sakupin niya na ang pintuan ko nang humakbang siya papasok.
“Anong gusto mo? Gusto mong juice, water or ano?” kinakabahan na tanong ko at dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya.
Ipinatong niya sa ibabaw ng carpet sa living room ang dalawang paper bag. Napatingin ako sa paligid ng living room ko at malinis naman. Mabuti na lang talaga naglilinis ako palagi!
“I will not stay longer,” simpleng sagot niya sa akin.
Napalunok ako sa sarili kong laway nang maramdaman ko sa sarili ko ang pagkadismaya sa narinig ko mula sa kanya. Bakit ba parang gusto ko pa siyang mag-stay e kailangan ko na rin naman umalis in one hour dahil dadating na ang sundo ko.
“I just came here to give you these.”
“Uhm… Para saan?” nagtataka na tanong ko at sinalubong ang mga mata niya.
“For your meeting later.”
Oo nga! Nahihirapan pa naman akong mamili ng isusuot ko pero may binili pala siya para sa akin. Hindi ko akalain na bibili siya ng gamit pambabae para sa akin.
“Magkano ‘yan para mabayaran kita–”
“I’ll leave now,” putol niya bigla sa akin.
“Hah?” nagtataka pa na tanong ko dahil parang nagmamadali pa siya.
Naglakad siya paalis sa harapan ko at dinaanan lang ako. Dire-diretso siya papunta sa pinto ng apartment ko at agad ko siyang sinundan.
Gustong bumuka ng bibig ko para magsalita at may sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa. Hinawakan ko ang pinto nang makalabas na siya. Akala ko tuloy-tuloy siya sa pag-alis pero huminto siya sa labas at humarap siya sa akin.
“Uhm… ‘Yong binili mo… Uhm… magkano ulit ‘yon para mabayaran kita–”
“I’ll collect your p*****t later.” He smirked. “See you later, angel.”
He stepped forward and leaned towards me until our faces were inches apart. I can almost feel and smell his mint and cold breath that smells so good.
“And I want to remind you that I don’t like people touching what’s mine.”
Dahan-dahan siyang lumayo sa akin na may ngisi pa rin ang labi niya. I don’t get him… but it feels so dangerous. Hindi ako natatakot sa kanya pero para bang dapat siyang iwasan kapag nagalit siya.
“Mr. Hofs, you are not mad at me, right?” paninigurado kong tanong sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ang ideya na galit siya sa akin. Kahit sinong tao naman ayaw kong nagagalit sila sa akin pero mas malala ang epekto sa akin pagdating sa kanya.
“Of course not, angel,” he playfully uttered.
Mabilis akong tumango sa kanya at nakahinga nang maluwag dahil sa sinagot niya. Ano bang nangyayari sa akin?
“Gusto mo bang ihatid kita sa baba–”
“Close your door and lock it,” he commanded me.
And like a slave again, I nodded immediately at him, “Bye…” Dahan-dahan kong sinara ang pinto.
Nang tuluyan ko nang maisara ang pinto hindi ko mapigilan na silipin siya sa peephole ng pinto ng apartment ko. Nakita kong umalis na siya na harapan at napangiti kaagad ako. Tumalikod ako sa pinto ng apartment ko at naglakad na pabalik sa sala.
Napatingin kaagad ako sa dalawang paper bag na dala-dala ni Mr. Hofs para sa akin. Sigurado ako na mahal ‘yon kaya gagamitin ko na lang ang credit card ko. Tsaka ano kaya ang binili niya?
Lumuhod ako sa carpet at binuksan ko ang unang paper bag. Hinila ko palabas ang isang itim na dress na long sleeve. Maganda ‘tong itim dahil para kong pupunta sa lamay pero sigurado ako na magagalit si daddy sa akin kaya binalik ko agad ang dress sa loob ng paper bag.
Binuksan ko ang isa pang paper bag at bumungad sa akin ang sky blue na dress na long sleeve rin. Tumayo ako ng diretso at niladlad ko ang mahabang dress na umabot hanggang lagpas ng tuhod ko. Hapit din sa parte ng bewang ang dress pero paglagpas sa bewang ay nakaladlad na ‘to.
“I should wear this one.”
Kaya naman nagbihis na rin agad ako. Sinuot ko ang dress at isang black stilletos ko na two inches ang heels. Hindi ko na rin inayos ang buhok kong sumasayaw hanggang sa balikat ko. Nag-make-up din ako para maayos akong tignan kapag nagkita kami mamaya ni Mr. Hofs.
Napaawang bigla ang labi ko sa harapan ng salamin nang maisip ko ang bagay na ‘yon! Katatapos ko lang mag-ayos at iniisip ko na para kay Mr. Hofs ang pag-aayos ko sa sarilli ko?! Eh, makikipagkita ako sa pakakasalan ko bago si Mr. Hofs!
“Ano ba ‘tong nangyayari sa akin?” bulong ko sa sarili ko.
Masyadong mabait si Mr. Hofs sa akin kaya kung ano-ano na tuloy ang tumatakbo sa isip ko. Napailing-iling ako sa sarili ko nang bigla naman mag-ring ang phone ko.
Ang driver ‘yon ni Daddy na susundo sa akin dito sa apartment ko kaya sinagot ko agad ang tawag, “Hello, manong Robert. Nasa baba ka na ba?” magalang na tanong ko.
“Oo, iha. Nandito na ko sa harapan ng building mo.”
“Okay, pababa na ko. Pakihintay lang saglit.” Binaba ko ang tawag at mabilis akong tumayo sa silya ng vanity table ko.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at dinampot ang purse ko at lumabas din agad. Binuksan ko ang purse ko at ipinasok ko ang cellphone ko pati ang wallet ko. Huminga ako nang malalim at lumabas na ng kwarto ko.
Hindi ko na pinatay ang mga ilaw at lumabas na ko ng unit ko. Sinigurado ko rin na na-lock ko ang pinto ng unit ko bago ako umalis sa harapan ng apartment unit ko.
I walk towards the elevator to go down and meet my daddy Winston’s driver. I am on the fifth floor so it will not take that long to reach the ground floor because of the elevator.
Huminto ako sa harapan ng elevator at pinindot ko ang button down. Ilang saglit lang at bumukas din agad ang elevator kaya pumasok na ko. Pinindot ko ang ground floor level button at ibinalik ko ang kamay ko sa paghawak ng purse ko.
Kitang-kita ko ang sarili ko sa harapan ng salamin ng elevator. Bagay na bagay sa akin ang dress na binili ni Mr. Hofs at kasyang-kasya rin sa akin na para bang sinukat ko bago bilhin.
Napadila ako sa pang ibabang labi ko ang humugot nang malalim na hininga. Hindi ako kinakabahan at hindi rin ako natatakot dahil pakiramdam ko wala namang mangyayari na hindi ko magugustuhan.
I always believe in my instinct, and I also trust Mr. Hofs to help me. Alam ko na dapat hindi ko inaasahan ang tulong niya pero nagtiwala pa rin ako.
“MABUTI naman nandito ka na,” bungad agad sa akin ni Angelina pagpasok na pagpasok ko sa private room ng restaurant na naka-reserve para sa amin. “Akala ko mauuna pa sa’yo si Mr. Watanabe dahil sa tagal mo.”
“Traffic lang,” maikling sagot ko at naupo na sa tabi ni Angelina.
Nasa harapan naman namin si Daddy at may bakanteng upuan sa tabi niya na sa tingin ko para sa darating na tao. Pati ang tatlong bodyguard ni Daddy Winston ay nandito. Ngumiti ako kay daddy pero seryoso niya lang akong tinitigan.
“Umayos ka sa harapan ni Mr. Watanabe, Seraphine,” madiing sambit ni daddy sa akin.
Tumango agad ako at napayuko na lang para iwasan ang mga mata ni Daddy. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Mr. Hofs para matulungan niya ko pero kahit ano pa ‘yon sana matulungan niya ko.
“We need to settle everything with the famous owner of malls in Tokyo, Japan, so that you can marry him next month.”