Chapter 05

1641 Words
Seraphine Rose Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado akong speechless dahil kay Ashlyn. Hindi ko rin alam kung narinig ba ni Mr. Hofs ang sinabi ng kapatid niya dahil nasa likod namin siya. “Do you like my Kuya rin ba?” biglang tanong niya sa akin pagkaupo namin sa silya sa tabi ng glass wall. “Hah?” Napatingin ako kay Mr. Hofs na seryosong naupo naman sa tapat namin. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya dahil masyado na naman siyang titig na titig sa akin. “Ashlyn, go back to your work,” matigas na utos ni Mr. Hofs sa kapatid niya. Napatingin si Ashlyn sa kapatid niya dahil sa utos nito “But Kuya gusto ko pang makausap si Seraphine ri–” Hindi na natuloy ni Ashlyn ang sasabihin niya at bigla na lang nitong itinikom ang labi niya. Nagtataka na napatingin ako kay Mr. Hofs at kitang-kita ko ang seryoso niyang mga mata na titig na titig sa kapatid niya na para bang nagbabanta. “Fine, aalis na,” medyo iritadong sambit ni Ashlyn at lumingon sa akin. Tumaas agad ang magkabilang sulok ng labi niya pagharap na pagharap niya sa akin. “I will bring our best seller para matikman mo.” “O-Okay, thanks,” nahihiyang sambit ko. Umalis na siya sa harapan namin at naiwan kaming dalawa ni Mr. Hofs na sana pala hindi nangyari. Ang awkward na naman bigla! “Bakit mo naman pinaalis ‘yong kapatid mo…” mababang saad ko. Sinalubong ko muli ang mga mata ni Mr. Hofs. Magkaiba sila ng mga mata ni Ashlyn… Siguro namana niya ang mga mata niya sa mommy niya habang si Ashlyn naman ay sa daddy niya. “I don’t want her to disturb us.” Disturb us? Bakit naman eh wala naman kaming gagawin… “Uhm… Bakit ba nandito tayo?” pag-iiba ko sa usapan. Gusto ko rin sana na tanungin kung bakit ako kilala ng kapatid niya pero nahihiya naman akong sabihin ‘yon. Baka isipin niya na talagang nag-a-assume na ko na gusto niya ko. Sa tingin ko kaya lang naman ganito kabait si Mr. Hofs dahil sa ginawa ko noong nakaraan para sa kanya. “We will eat,” he replied. Napadila ako sa ibabang labi ko at wala na kong masabi pa. Gusto ko naman na kausapin siya kahit pa paano para mabawasan ang pagkailang ko pero wala naman akong masabi! “Susunduin kita bukas ng gabi,” aniya pa. “Hah?” nagtataka na tanong ko. Ibig sabihin magkikita pa ulit kaming dalawa? Hindi pa ‘to ang huli? I mean hindi naman sa ayaw ko na siyang makita pero talaga bang seryoso siya? “Let’s have a dinner together,” he added. Naramdaman ko ang mabilis na pagtaas at baba ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. I know… Kapag nagyaya ang isang lalaki ng dinner, ibig sabihin no’n date! I am not innocent kaya alam ko ‘yon. Maraming ganito sa university namin na palagi kong tinatanggihan. “Pero alam mo naman na may meeting ako kasama ang…” hindi ko matuloy ang sasabihin ko kaya isinara ko na lang ang labi ko at napatingin sa dalawang kamay niya sa ibabaw ng lamesa. Malaki, maugat at kung ididikit ko ang mga kamay ko roon, sigurado akong doble ang laki ng kanya. “After your meeting, let’s have dinner,” he seriously uttered, which made me lift my head and look straight at him. He’s not too severe but also doesn’t have a smile on his lips. He has no emotion, but his eyes show some emotions that I am not familiar with. Bakit ba hindi ko na lang siya diretsang tanggihan? Bakit parang ang hirap gawin ng bagay na ‘yon sa kanya. Kapag ang mga lalaki sa university ang nagyayaya sa akin, mabilis ko silang tinatanggihan pero pagdating kay Mr. Hofs, hindi ko magawa… Siguro kasi masyado siyang gwapo at para kong kinokontrol ng mga mata niya. “Uhm… O-Okay.” Tumaas ang isang sulok ng labi niya at inalis ang mga mata niya sa akin. Tumingin siya sa labas ng coffee shop kaya naman kitang-kita ko ang matigas niyang jaw line na sobrang perpekto. Na para bang ginawa para sa kanya lang. “Excuse me, Mr. Hofs.” Napaiwas agad ako ng tingin kay Mr. Hofs dahil sa waiter na nagsalita sa gilid namin. Napatingin ako sa waiter na may bitbit na isang tray na may dalawang coffee at dalawang slice ng cake. “Pinapabigay po ni Ma’am Ashlyn.” Isa-isa na nilagay ng waiter sa table namin ang mga pagkain. Parehas kami ng order ni Mr. Hofs at mukhang masarap ang kape lalo na ang slice ng cake na mocha flavor pero natatakot akong kainin… “Thank you,” sambit ko sa waiter. “Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan pa po kayo,” ani niya. Tumango naman agad ako at ngumiti pa sa kanya. Iniwan na kami ng waiter at napatingin na muli ako sa cake na nasa harapan ko. Gusto kong kainin pero paano kung may nakalagay na kung ano sa pagkain? Hindi ko kaya… Hindi ko pa rin talaga kayang kumain basta-basta ng pagkain na hindi ko alam kung saan galing o kung sino ang may gawa. Hindi ko kaya kasi hindi ako makawala sa bagay na nangyari sa akin noon… “There’s no poison in your food.” Napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi ni Mr. Hofs. Hawak niya na ang tinidor niya at nag-slice siya sa cake niya at sinubo ‘yon. Marahan niyang nginunguya ang cake at parang ang elegante pagdating sa kanya. “Everything is safe here,” he said seriously to me. Bakit parang nabasa niya ang nasa isip ko? Parang alam niya na lang lagi kung ano ang tumatakbo sa isip ko habang ako walang kahit na anong ideya kung ano ba talaga ang iniisip niya. Binaba niya ang tinidor niya at kinuha naman ang mug ng coffee niya. Dahan-dahan siyang sumimsim doon at muling inilapag sa mesa. Pagkalapag niya ng kape niya sa mesa, dahan-dahan niya ‘yon inilipat sa harapan ko. Kinuha niya ang kape ko at pinagpalit ang kape namin. Gano’n din ang ginawa niya sa cake namin. Pinagpalit niya at sa akin na niya binigay ang binawasan niya na. “A-Anong ginagawa mo?” tanong ko at napatingin sa slice ng cake sa harapan ko na nabawasan na niya. “I taste it to ensure you that the food is safe. So, eat now, angel.” Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa tinawag niya sa akin kundi dahil sa dahilan niya. Bakit ba parang ang galing ni Mr. Hofs na makuha ang loob ko? “S-Salamat…” mababang turan ko. Kinuha ko ang tinidor at tinikman na ang cake. Napangiti ako nang malasahan ko ang coffee sa cake. Sobrang sarap! “Ashlyn made that,” Mr. Hofs informed me. “Ang sarap nito…” masayang saad ko. Kinuha ko ang tasa at tinikman din ang mainit na kape na bagay na bagay sa panahon ngayon. Napapikit ako nang dumaan sa dila ko ang matapang na lasa ng kape na gustong-gusto ko. “You like it?” Mabilis akong tumango kay Mr. Hofs at binaba ko ang tasa ko. This is the first time… Na kumain ulit ako sa labas at ng ibang pagkain na gawa ng ibang tao. Pakiramdam ko para kong natakasan ang nangyari sa akin noon. “Do you want to take home a cake?” “I’m good, Mr. Hofs. Thank you.” Kahit pa paano gumaan ang nararamdaman ko dahil kay Mr. Hofs. Mabigat pa rin pero medyo gumaan dahil sa kanya. Kaya rin siguro hindi ako makatanggi sa kanya dahil kahit pa paano gumagaan talaga ang loob ko. “I told you, don’t call me that,” seryosong aniya. “Mas maganda kung Mr. Hofs,” ani ko na lang. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa loob ng jacket ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ‘yon at parang bumagsak na naman ang buong mundo ko nang makita ko ang text mula sa daddy Winston ko. It’s the address of the restaurant and the time when we will meet. “What is that?” Mr. Hofs asked. “Uhm… wala naman,” sagot ko agad. “Anyway, paano mo pala ko ma-co-contact bukas?” pag-iiba ko sa usapan. Bigla rin akong tinamaan ng hiya dahil sa sinabi ko! Para bang pinapakita ko sa kanya na interesado rin ako sa dinner namin! “I have your number,” he smirked. “Saan mo nakuha?” tanong ko agad. “Sa trabaho mo.” Hindi nabanggit sa akin ni Vonnie na binigay niya ang number ko kay Mr. Hofs o baka hindi ko lang naalala dahil masyado akong maraming iniisip. “What are you going to wear tomorrow?” tanong sa akin ni Mr. Hofs na nagpatigil sa malalim kong pag-iisip. Tama ‘yong tanong niya. Ano nga ba ang isusuot ko bukas? Hindi ko pa ‘yon maisip lalo na’t masyadong biglaan ang nangyayari. “Hindi ko alam pero sabi ng kapatid ko, I should wear something that will be attractive for the guy’s eyes that I will marry–” “Don’t f*cking follow her,” he cut my words. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano magsimulang magdilim ang mga mata niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang lumabas sa labi ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya o ayaw niya. Parang ang hirap malaman. “Don’t wear a dress that will make that f*cking man droll over your body, Seraphine. You don’t know what I can do for you. Baka may ilibing ako bukas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD