Seraphine Rose Sa huli naligo ulit ako kahit kaliligo ko lang dahil pakiramdam ko pa rin ay ang lagkit-lagkit ko. Syempre hindi rin naman pumayag si Zachary na hindi ko siya kasama sa pagligo ko. Mabuti na lang din na hindi kami nagtagal sa bathroom. Pagkatapos namin maligo ay kumain din kami pero sa loob ng kwarto lang. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapalabas ng kwarto. Humugot ako nang malalim na hininga habang nanonood ng missing sa netflix. Habang si Zachary naman ay tulog na tulog sa tabi ko at nakandantay pa ang braso niya at ang isang hita sa katawan ko habang nakasiksik sa leeg ko. Hindi talaga ko makakaalis nito kung kinulong ba naman niya ko sa kanya. Wala rin naman akong balak na suwayin pa siya dahil baka hindi niya na talaga ko payagan mamaya na kausapin si Tita.