Seraphine Rose Kanina pa ko nakatingin sa pinto ng kwarto ni Zachary pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakabalik dito sa kwarto niya. Sabi niya aayusin niya lang naman daw ang pagkain namin. Hindi kaya nagluto pa siya ng pagkain naming dalawa kaya ang tagal-tagal niya? Ayaw niya kong pababain o kahit palabasin ng kwarto pero hindi ko na talaga kayang pigilan ang mga paa ko. Tumayo na ko at naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto para sundan siya. Binuksan ko ang pinto at sumilip muna ko sa labas. Nakita ko agad ang dalawang kasambahay sa hallway na nag-uusap habang ang isa ay may hawak na vacuum at ang isa naman ay may hawak na trash bag. “Naku, ngayon ko lang narinig si Sir Zachary na magalit sa mommy niya!” Agad akong lumabas ng kwarto at sabay silang napalingon sa akin. Na