Seraphine Rose Wala akong ganang kumain pero kailangan ko pa rin sumalo sa kanila ngayong almusal. Hindi ako pinatulog nang maayos ng video ni Daddy na napanood ko. Halos gising ako magdamag habang si Zachary naman ay gising na gising din. He just stayed awake and watched me the whole night. Kaya parehas kaming wala halos tulog. Naiilang pa ko sa sobrang tahimik ng hapag-kainan at hindi ko mapigilan ang kanang tuhod ko na tumaas-baba. Kabang-kaba ko at takot na takot sa mga iniisip nila ngayon. Sana hindi talaga nagbago ang tingin sa akin ng pamilya ni Zachary. Naramdaman ko ang kamay ni Zachary sa ibabaw ng kanang hita ko dahilan para mapatigil ako sa pagtaas at baba ng tuhod ko. Lumingon ako sa kanya at agad niya kong nginitian. “Calm down,” he whispered. Mukhang nahalata niya na ku