Seraphine Rose Oh, God… Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. We are here inside the plane, and we are almost there at the airport. I don't know what to say pagkatapos kong sagutin ang sinabi niya sa Tokyo! Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko pero alam kong mali ang sinagot ko. “Of course, you are pretty, baby. I love you.” “Thank you.” Really? Thank you? Tama ba ‘yon? Pakiramdam ko may mali dahil nang isagot ko ‘yon sa kanya ngumiti lang siya at hinalikan ang noo ko. “We are almost there, baby.” Napalingon ako kay Zachary at tumango ako sa kanya. Hawak-hawak niya ang kamay ko na nakapatong sa arm rest na nasa gitna naming dalawa. “I'll send you home and go back tomorrow morning.” Hah? Pero akala ko ba sa apartment ko na siya titira? Gusto kong sabih