Seraphine Rose In-extend namin ng isang araw ang pag-s-stay namin sa Japan ni Zachary. Kaya tatawag na lang ako sa boss ko na hindi ako makakapasok ngayon sa restaurant dahil mamayang gabi pa kami uuwi ni Zachary sa Pilipinas. It’s also a good thing na nakakagalaw na ko nang maayos kahit mahapdi pa rin minsan. Kaya we decided na mag-window shopping na lang dito sa Tokyo. Hindi rin kami masyadong nakapasyal dahil mas pinili kong magpahinga. Tsaka hindi rin naman talaga kami pumunta rito para mamasyal. Alam ko naman na nandito talaga kami para sa business ni Zachary. “Baby, look at this.” Huminto kami ni Zachary sa harapan ng isang shoe boutique. Napatingin ako sa glass wall kung saan nakatingin si Zachary at nakita ko ang white heels na napapalibutan nang diamonds. Isang tingin pa lang