Seraphine Rose Minsan lang naman ako maging masaya. Minsan lang ako nag-focus sa sarili ko pero parang mali agad na ginawa ko ang bagay na ‘yon. Parang makasarili agad ako. Hindi ko intensyon na iwasan ang tawag niya o ang iwasan siya. Hindi ko alam bakit siya sa akin galit na galit kahit wala naman akong kasalanan na ginawa. Siya pa nga ang may kasalanan sa akin dahil sa ginawa niya noon. Kitang-kita ko ang pamumula ng dalawang pisngi ko habang may dugo rin ang labi kong pumutok sa harapan ng salamin dito sa bathroom. Pinunasan ko na ang dugo pero bumabalik lang din siya. Masakit din ang tagiliran ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin si Zachary kung ganito ang itsura ko. Hindi siya matutuwa na makita akong ganito. I am sure na magagalit na naman ‘yon. Kaya naman dahan-dahan ak