NANG matapos ang meeting ni Franco ay dinampot na niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng table. Pagkatapos niyon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair at lumabas na siya ng conference room. At habang naglalakad siya pabalik sa opisina ay tinanggal niya ang pagkaka-botones ng coat niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa tapat ng opisina niya. Akmang papasok siya sa loob niyon ng mapahinto siya ng tawagin siya ng secretary niya. "Sir," tawag nito sa kanya. Lumingon naman siya dito. Nakita niyang tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa harap ng cubicle nito at saka ito lumapit sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya sa hawak nitong paperbag ng i-abot nito iyon sa kanya. Hindi naman niya iyon kinuha. Inalis niya ang tingin sa pa